Bloody Getaway: Chapter 11

70 5 2
                                    

"Ano nang nangyayari?" tanong ni Jerwin sa bumababang sina Angelo at John Dred. Pagkababa ng mga ito sa salas, nagpahinga ito saglit.

Nakatingin lamang si Jerwin sa kanilang dalawa.

"Wala na si Emmanuel. Ladog-lasog 'yung katawan niya. Hindi ko na nga kayang tignan o hawakan man lang, eh," sagot ni Angelo. "Pero napagalaman naming sa emergency exit dumaan 'yung killer. Kaya titignan naming sa bawat pintuan dito kung saan siya maaaring pumasok."

Napakunot ang noo ni Jerwin. "Sa pagkakaalam ko, dalawa lang ang pintuan dito sa resort house nila Angel: 'yung front door dito sa salas at 'yung backdoor sa may kusina..." napatigil ito. "T-Teka...'di ba Angelo ang tagal mo sa kusina?" tanong nito.

Biglang nag-iba ang awra ni Angelo. "A-Ako? Ako pa talaga ang sisisihin mo? Eh halos ako na nga kumilos dito sa lahat eh!" sumbat nito.

"Wala pa akong sinasabi, ang sasabihin ko lang, 'di ba matagal ka sa kusina, edi ibig sabihin kung sino man ang magtatangkang pumasok diyan, makikita mo. Magkasama kami dito sa salas ni Angel kaya malalaman naming kung may pumapasok ba." sagot ni Jerwin.

"So dahil wala kayong nakitang pumasok diyan ibig sabihin sa backdoor pumasok? At dahil hindi ko napansin ako na 'yung killer?" tanong ni Angelo.

"Hindi nga sa-"

"Eh ano nga?!"

Nakarinig sila ng pagtakbo mula sasecond floor at lumabas sina Angel at Danielle. "A-Anong problema dito? Ba't nagsisigawan kayo?" tanong ng una.

Napatingin lamang ang tatlo sa dalawang kaibigang nasa itaas. "W-Wala, medyo 'di lang nagkakaintindihan 'tong dalawang 'to. You know, best friends problems." sagot ni John Dred.

"Best friends problems?" tanong ni Angel.

"You know, sa isang grupo naman talaga 'di naman mawawala na may mas ka-close ka kumpara sa iba pa, eh," tuloy ni Dred sa pagpapaliwanag. "At sa tingin ko, sa ating sampu, itong dalawang 'to ang mag-bestfriend."

"K-Kami ni Jerwin magbestfriend? Sinong may sabi sa'yo?" sigaw ni Angelo. Napaatras ng bahagya si John Dred.

"Easy ka lang, w-wala lang. Halata naman eh." sagot nito.

"Kahit kalian hindi ko tinuring na kaibigan 'yang si Jerwin." sambit ni Angelo. Napanganga lamang ang mga nakarinig. Biglang lumabas sina January at Mae Lynn na kakagaling lamang sa banyo at presko na ang damit at mukha. Napatigil lamang ang mga ito sa isang sulok.

"W-What do you mean 'hindi tinuring na kaibigan'?" tanong ni Angel.

"Gusto niyo makarinig ng katotohanan?" tanong ni Angelo. "'Yang kompanya ng papa niyan siniraan ang kompanya ng tatay ko. At dahil sa nabaon sa utang ang pamilya naming, nilamon ng depresyon si Papa at nagpakamatay ito."

Tumigil ang mundo ng mga natitira sa grupo. Narinig nilang lahat ang mga sinabi ni Angelo.

"Ano, masaya na kayo?" tanong niyang muli.

"H-Hindi naman sinasadya ng Pa-"

"Anong hindi sinasadya? Ang sabihin mo diyan sa tatay mong duwag, hindi siya marunong maglaro nang patas." dinuro ni Angelo si Jerwin.

Napabuntong hininga ang huli. "Alam ko mali si Papa. Pero ginawa niya lang 'yon dahil ayaw niyang matalo o malugi."

"Kaya nanghila siya ng iba pababa?"

"H-Hindi naman naming alam nag anon kalaki ang magiging epekto non sa inyo eh!"

"Ngayon alam mo na! Pero wala nang magagawa 'yang pagsosorry na 'yan. Kaya lang naman kita nilapitan kasi gusto kong maghiganti. Gusto kong iparanas sa'yo ang naranasan ng pamilya ko. Pagkatapos non, bumalik kami sa ibaba. We started from scratch, again."

"H-Hindi ko talaga alam, s-sorry." sagot ni Jerwin, nakatungo.

Umakyat na lamang si Angelo papunta sa kwarto niya. Tinignan lamang siya ng kanyang mga kaibigan.

"Maayos na ba 'yung kay Emmanuel?" tanong ni Angel kay John Dred.

"H-Hindi pa eh. Hindi kasi namin kayang magligpit." sagot nito.

Tumango na lamang si Angel. Naupo sa sofa sina Mae Lynn at January. At sumandal naman sa pader sina John Dred at Jerwin. Si Angel ay nangalumbaba sa hawakan sa hagdanan. Si Danielle naman ay umupo sa baiting ng hagdanan.

Sobrang tahimik ng kapaligiran.

"May aaminin ako, guys." biglang sambit ni Angel, binabasag ang katahimikan. Napatingin sa kanya ang mga kasamahan.

"A-Ano 'yon?" tanong ni January.

Huminga nang malalim si Angel. "Yaj and I had been together...uhm, for three months." wika niya.

Nagulat ang lahat. Ngayon lamang nila ito nalaman. "We'd been together last April, then on July, we broke up."

"Ba't ngayon lang namin nalaman?" tanong ni Mae Lynn, ngayon na lang siya muling nagsalita simula nung insidente kanina.

"There are no answers given when no questions are asked," sagot ni Angel. "Hindi kasi kayo nagtanong."

"Malay ba namin?" tanong ni January.

"Hindi halata 'no?"

"Oo. Galing mong umarte." sabi ni John Dred. Pumapalakpak nang mabagal.

"Ang it's not over yet. Dahil gusto ko na 'tong matapos, sasabihin ko na din. Yaj and I had an affair." pahayag ni Angel.

Nagulat ang lahat.

"Oh, sino ngayon ang mas malibog sa'tin?" tanong ni John Dred, ngumingisi.

"Nah," umirap si Angel. "It's really the real reason kung bakit kami naging 'kami'. He wanted to give him pleasure and I also wanted for him to give me some."

Nanlumo ang lahat.

"What the eff, Angel. What the eff." sabi ni Danielle.

"Hindi pa kasi ako tapos. May problema noon si Yaj, mays akit ang Mommy niya, leukemia to be certain. Masyado na siyang depressed, hindi na niya kayang ma-handle, so he needs a distraction. And then he approached me one day and told me his real purpose."

"I can't stand this anymore. The idea na dalawa sa kaibigan ko eh may something in the past sickens me." sabi ni Mae Lynn, inilalagay ang dalawa niyang kamay sa ere.

"Tumagal kaming ganon for three months. Wala kaming emotional attachments, just pure distractions. Ta's sabi niya ayaw niya na daw. Thank you. At sa uulitin." pagtatapos ni Angel sa pagkukwento niya.

Napapikit si January. "That. was. really. gross."


"Mas gross pa kaya mukha mo kaysa sa kwento ko."

Nagtawanan ang lahat.

Habang ang isa nilang kaibiga'y sumisiklab sa galit sa itaas.

It's Dark InsideWhere stories live. Discover now