Bloody Getaway: Chapter 14

81 6 4
                                    

“A-Anong sabi mo?” tanong ni Mae Lynn na nakatayo sa harap ng pintuan ni Angelo. Nakaearphones ito kanina, ngayo’y tinanggal na niya nang buksan ni Angelo ang pintuan.

“Wala. Ang sabi ko ‘shit’,” sagot ni Angelo. “Bakit ba kasi?”

“Ba’t ba parang pawis na pawis ka? Natatakot ka ba?”

“H-Hindi. Hindi ka kasi sumasagot, kanina pa ako nagtatanong kung sino ‘yang kumakatok wala namang sumasagot.” ani Angelo. Binaba na niya ang hawak-hawak niya na lampara.

“Ah, eh sorry naman, may earphones oh. Kitams.” wika ni Mae Lynn.

“Oo na. Bakit nga kasi?” tanong ni Angelo sa kasama.

“Wala lang. May gusto lang sana akong sabihin sa’yo.” sagot ni Mae Lynn. Inilalagay ang iPhone sa kanyang bulsa.

“Oh, ano ‘yon?” tanong ni Angelo.

Tumingin-tingin sa paligid si Mae Lynn. “Bawal dito. Diyan tayo sa loob.” sabi nito at humakbang papasok.

“A-Ano? Dito mo na sabihin!” sigaw ni Angelo.

“A-Ayoko. Sa’yo ko na lang ‘to sasabihin dahil baka mamaya patay na ako.” sabi ni Mae Lynn.

“O-Oh sige.” ani Angelo kahit na may kutob siyang may hindi magandang mangyayari. Pumasok siya sa lobo at sinundan lamang siya ni Mae Lynn. Umupo siya sa kama niya at umupo naman si Mae Lynn sa kama ni Jerwin.

“Oh, ano ‘yon?” tanong ni Angelo.

Nagbuntong-hininga ang kasama niya. “Alam mo naman na ‘diba…four years ago…” sabi nito.

Napakunot lang ang noo ni Angelo. “Four years ago ano? Ano bang nangyari four years ago?”

 

N-Nakalimutan mo na ba?” tanong ng kasama niya.

“A-Ang alin ba?”

 

“Magkaklase tayo dati. Magkaibigan pa nga eh.”

 

“Nor.”

 

“Seryoso nga. Kasi alam ko hindi na ako magtatagal. Feeling ko kung sino man ang killer, ako na ang susunod niya.”

“’Wag ka ngang magsalita ng ganyan.” sambit ni Angelo.

“Hindi. ‘Wag na. Pero back to the topic. Alam mo naman ‘di ba…’yung nangyari four years ago.” sabi ni Mae Lynn. “Nung first year pa tayo!”

Napaisip si Angelo. Maya-maya’y bigla siyang napangiti.

“Naalala mo na? ‘Wag mo na ngang tawanan. Wala pa akong isip n’on.” sabi ni Mae Lynn. Ngumingiti pa din si Angelo.

“Oo na. Pero bakit mo ba kasi ginawa ‘yon? Nakakahiya kaya! Kababaeng tao mo eh!” sabi ni Angelo.

“Ang bigat na kasi…” sabi ni Mae Lynn, nakatingin lang sa baba.

“Lahat naman ng tao ginagawa ‘yon. Namali ka lang ng lugar, ng pagkakataon, ng panahon.” sabi ni Angelo, seryoso na siyang muli.

“Hindi ko na makontrol. Hanggang ngayon, mayroon pa din, eh.”

Walang sinagot si Angelo. Nakatingin lamang ito sa malapit-nang-umiyak na kaibigan.

“P-Pero, alam mo namang may iba siya ah. ‘Wag ka nang umasa.” sabi ni Angelo.

Tumingala si Mae Lynn, pinapahid ang luha niya gamit ang panyong hawak-hawak niya. “Pinilit kong tanggalin ‘to sa puso ko, pero wala talaga, eh.”

“Apat na taon, mahal mo pa din siya?”

Tumango lamang si Mae Lynn.

“Pinahiya ka niya apat na taon na ang nakalilipas, ta’s ganon pa din ang nararamdaman mo sa kanya?”

“Oo. Inamin kong mahal ko siya sa harap ng maraming tao noong first year tayo, at alam kong napahiya ako. Pero hindi mo naman ako masisisi, eh.” sambit ni Mae Lynn.

“Hindi ka niya pinapansin. Napapansin mo ba?”

 

“O-Oo.”

“December, nabuo tayong sampu, ilang beses ka niyang kinausap simula nang mabuo tayo? Hindi pa nga lalampas ng tatlo eh.”

 

“Alam ko—“

 

“Kung diretsahan ang gusto mo, wag ka nang umasa. Aasa kang mamahalin ka niya kung ni isang beses ‘di ka niya nga tinitignan eh. Wake up.”

 

“Ayoko—“

 

“Well, kausapin mo na siya. Hindi mo alam kung sino na bang isusunod kung sino man ang killer.” sabi ni Angelo at tumayo na siya sa kamang inuupuan niya.

“S-Sigurado ka?”

 

“Oo. Gusto asarol.”

 

“Hindi ‘no!”

“Bwisit. Do’n ka na nga!”

Tumayo na si Mae Lynn at pinaalis na siya ni Angelo sa kanyang kwarto.

“Kausapin mo na siya kasi baka mamaya, patay na ‘yon.”

 

“’Wag ka ngang magsalita ng ganyan.”

 

“Malay mo—“

May narinig silang putok ng baril sa ibaba. Nagkatinginan sina Angelo at Mae Lynn. Ilang segundo lang ang nakalipas ay lumabas si John Dred sa kanyang kwarto. Nagkatinginan silang tatlo.

Lima na lang sila. Tatlo sa kanila’y nasa third floor. Dalawa ang nasa second floor.

“S-Shit!” sigaw nilang tatlo at tumakbo pababa.

It's Dark InsideWhere stories live. Discover now