Bloody Getaway: Chapter 6

121 6 4
                                    

"This is not real," pahayag ni Angel, nakasandal siya sa pintuan ngayon. Ang kanyang mga mata'y namamaga na dahil sa luha. Aligagang-aligaga na siya. Walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang nangyari sa kasamahan nila. "Sino namang gagawa nito?"

Umiling lamang John Dred. "At tsaka, bakit siya lang? Bakit hindi niya kami dinamay ni Emmanuel?"

"Baka gusto kong magpadamay? Mahal ko buhay ko, 'lol." sabat ni Emmanuel.

"Gagi. Seryoso ako. Bakit siya lang? Magkakasama tayong tatlo sa kwartong 'yon. Dapat nga ako pa ang pinatay niya dahil pinakalamalapit ako eh. Si Yaj nasa gitna pa. Pero bakit siya?" tanong ni John Dred.

"Hindi ko alam...pero..." sambit ni Angel. "Isa lang sa atin ang pwedeng gumawa nito." Napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya. Napatingin lamang siya dito isa-isa. "I mean, ako 'yung unang tao sa second floor, pwedeng 'yung kwarto ko 'yung unang buksan niya. Pero he really bothered to go to the third floor like fuck."

"You have a point." sang-ayon ni Angelo.

"Exactly," sabi ni Angel. "At tsaka, this is our private resort. Secured ng guards ang buong paligid na'to. There is no way someone can sneak up through here nang hindi napapansin." tuloy ni Angel sa pagpapaliwanag.

"P-Pero s-sino?" tanong ni January. Umiiyak siya.

"Hindi ko alam!" sagot ni Angel. "Huminahon na lang muna tayong-"

"Paano tayo hihinaon? Eh may kumitil nga sa kaibigan natin oh!" sigaw ni Mae Lynn. Napatingin si Angel sa kanya.

"So ako pa 'yung mali ngayon? So ako pa talaga?" sigaw nito sa kasamahan. "Akala mo ba madali 'to para sa'kin?"

"Tama na." awat ni Angelo sa dalawang sisilab na apoy.

Nagbuntong-hininga na lamang si Angel. "Okay. Wala din naman 'tong matutulong." wika niya.

"Natawagan mo na ba 'yung mga pulis?" tanong ni Rosette sa kanya. Napalingon lamang ito sa kanya.

"Oo. Pero dahil nga malayo tayo sa kanila, it will take a day para makapunta sila dito." sagot ni Angel.

"Ah, sige."

"Anong gagawin natin sa katawan ni Yaj?" tanong ni Jerwin. "Hindi naman natin pwedeng iwan siya doon."

Nagkaroon ng malaking katahimikan sa salas. Walang umimik at nagkukurapan lamang sila.

"Ilibing na natin siya." suhestyon ni Angelo. Nagtinginan ang lahat sa kanya. "May magagawa pa ba tayo?"

Walang sumagot.

"Good. Tara na, mukhang mahabang proseso 'to." sambit ni Angelo at nanguna na sa pagakyat upang kunin ang katawan ni Yaj.

*****

Matapos ang kalahating oras ng paglilinis sa katawan ni Yaj bago siya mamatay, at dahil na din sa hindi kinakaya ng sikmura ng karamihan ang kanilang ginagawa, nauudlot ang proseso. At minsa'y naisipan nilang sumuko dahil hindi nila kaya.

Tinanggal nila ang kutsilyong nakabaon sa ulo ni Yaj. Wala nang umagos na dugo mula dito. Nilinisan ang kanyang katawan, naghukay ng malalim na bangin, at doon ay inilatay ang kanyang katawan.

Umiiyak sila, kaya naman mas lalo silang natagalan. Hindi nila kayang gawin ang mga 'yon.

Matapos ang pagdarasal sa taimtim na lugar, pumasok nang muli ang siyam sa loob ng bahay at nagpahinga sa salas. Nagluto ng spaghetti si Angelo sa kusina habang ang iba nama'y naguusap-usap sa salas.

"Paano natin sasabihin sa Mommy ni Yaj?" tanong ni Danielle.

Napatingin sa kanya si Angel.

"To be honest, hindi ko pa nakikita ang nanay niya." pahayag ni Emmanuel.

Natahimik ang lahat, tila ba iniisp kung parehas sila ni Emmanuel-na hindi pa nakikita ang ina ni Yaj.

"Ako din." sang-ayon ni Rosette.

"What? Ako din kaya!" sigaw ni Mae Lynn habang nags-scroll sa cellphone niya.

"Lahat naman ata tayo eh." sabi ni Jerwin.

"Nakita ko na ang Mommy niya. Last year..." sambit ni Angel. Ang atensyon ay nabaling sa kanya. "Teka, bakit?"

"Ba't 'di mo sinabi?" tanong ni John Dred.

"Wow ha. Baka naman may time ka. Panonood mo pa nga lang ubos na kalahating araw sa'yo eh." pambabara ni Angel.

"Seryoso nga, ba't 'di mo sinabi?"

"Aba, malay ko bang 'di niyo alam! Bestfriends tayong lahat, akala ko bang 'di niyo pa siya nakikilala?" sagot ni Angel.

"Duh. Last December pa lang tayo nabuo. Sabi mo nakilala mo ang Mommy niya last year, so it is April last year. Paano mo nakilala ang Mommy ni Yaj?" tanong ni Emmanuel. Magaling siyang mag-analyze ng mga nangyayari sa paligid niya.

Natahimik si Angel. Ibang klaseng aura ang pumaligid sa kanya.

"Bakit? May problema ba? Wala na ba 'yung Mommy niya?" tanong ni Rosette.

Umiling lang si Angel. "H-Hindi. Wala. 'Wag na lang nating pagusapan. Hehe."

"Oy, ikaw din, tahimik ka." sabi ni Jerwin kay Danielle at tinapik ito sa likuran niya. Nagising si Danielle sa kanyang balintataw.

"H-Ha?"

"Tahimik ka ata, sabi ko." sambit ni Jerwin.

"Wala. Wala 'yun. Hangover lang sa mga nangyayari." sagot ni Danielle.

"Okay."

Dumating si Angelo dala-dala ang isang malaking mangkok ng spaghetti at inilapag ito sa malaking lamesa sa may salas. Nagsipag-ayos naman ang walo at naghanda na sa pagkain.

"Thanks, Angelo." sabi nilang lahat at kumain na.

*****

Ala-una.

Bumangon siya. Tahimik na ang paligid. Tulog na ang lahat. Kinuha niya ang spray paint at nagsulat sa pader sa labas ng resort house.

Pula ang kulay ng pintura.

Pula ang kulay ng kanyang mga mata.

"One down. Seven to go." bulong niya sa sarili.

It's Dark InsideWhere stories live. Discover now