Bloody Getaway: Chapter 15

74 7 8
                                    

“’W-Wag…’w-wag…” pagmamakaawa ni Angel kay January, na nakatayo sa harapan niya. Tinamaan si Angel sa balikat at gumagapang na ito sa sahig. Nakatapat ang baril sa ulo ni Angel.

“Wala na akong panahon sa kaartehan mong babae ka.” sabi ni January. Galit na galit ito.

“B-Bakit mo ‘to n-nagawa?”

“Wala ka ng pake. Bwisit ka. Puro ka English. Wala ka nang ginawa kundi mag-inarte. Dapat sa mga katulad mo pinapatay!” sigaw ni January.

Nanlaki ang mga mata ni Angel sa sobrang kaba—baka ito na ang katapusan niya—nang biglang dumating ang tatlo pa nilang kasama.

Binato ni Angelo si January ng lamparang kanina’y hawak-hawak niya habang ito’y nakatalikod. Bumagsak ito sa sahig. Tumakbo si John Dred kay Angel at tinulungan itong makatayo. Binato naman ni Mae Lynn si January ng high heels na nadampot nitya sa kwarto ni Angel upang may pagkakataon silang makatakbo.

Sinara nila ang pintuan at tumakbo pababa. Lumabas sila ng bahay kahit na malakas ang ulan sa labas.

“Shit. Shit. Shit.” sabi ni Angel. Hawak-hawak ang braso niyang may tama.

“’Yung kamay mo!” sigaw ni Mae Lynn.

Napatingin lamang si Angel kay Mae Lynn. “Wala ‘to, ‘di naman siya malalim.”

“Pero—“ sasagot pa sana si Mae Lynn nantg kinontra na agad ito ni Angel.

“Hindi, mas kailangan nating makatakas.” sabi nito. Malakas ang ulan kaya naman medyo nahirapan silang tumakbo. Kasama na dito na buhangin ang tinatakbuhan nila at basa na ito kaya medyo nakaiirita sa paa.

Ilang minute silang tumatakbo at naramdaman na nila ang pagod.

“Malayo pa ba?” tanong ni John Dred. Humihinto saglit.

Tumigil din ang mga kasamahan niya.

“Oo. ‘Yung resort house nasa pinakang gitna ng buong resort. Malayong-malayo pa.” sagot ni Angel kay John Dred.

“Kailangan nating magpahinga, kahit saglit lang.” sabi ni Angelo. Tumingin lahat sa kanya.

“Oo,” sang-ayon ni Mae Lynn. “Kailangan nating magpahinga. Sa tingin ko naman malayo na tayo kay January eh.”

 

Napalingon si Angel sa paligid niya. “Sige. May alam akong isa pang maliit an storage room na malapit lang dito,” ani niya. “Tara na.”

Tumakbo sila, sinundan lamang nila si Angel. Ilang minuto pa’y nakakita sila ng isang maliit na stall at nakarating sila dito mga tatlong minuto pa ang nakalipas.

Pumasok sila at nagpahinga. Ilang minuto’y puro lamang paghahabol ng hinga ang ginawa nila. Nakasandal sila sa pader ng buong kwarto. Puro ito susi at mga papel, walang magagamit upang kalabanin ang kaibigang may baril.

“I never knew she was the perpetuator.” sabi ni Angel.

“Muntik ka nang mamatay dahil sa English-English na ‘yan ta’s ‘di mo pa titigilan. Ayos.” sabi ni John Dred.

“Tss. Baliw na ‘yang si January. After all those times na tinulungan natin siya gan’to lang gagawin niya.”

“Pero ba’t niya daw ba ginagawa ‘tong mga ‘to?” tanong ni Mae Lynn.

“Aba ewan ko! May pakielam pa ba ako sa kanya?” sagot ni Angel. Bakas ang pagklairita sa mukha niya.

Tumahimik ang apat.

“Pa’no ka niya binaril?” tanong ni Angelo.

Nagbuntong-hininga si Angel. “Nagccellphone ako nang bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko. Nakabukas lang ‘yo, ‘di naman ako nagsasara unless matutulog ako eh, nakalagay ‘yung dalawa niyang kamay sa likod niya, kaya medyo nagtaka na ako. Sabi niya, ‘Angel…’, napatayo ako sa pagkakahiga ko. At binaril niya ako kaagad. Buti na lang sa braso lang niya ako natamaan. At buti na lang dumating kayo kaagad. Salamat guys.”

 

“Shit. Akala ko talaga ikaw ang gumagawa nito sa’min.” sabi ni Angelo.

“Ako? Bakit naman?”

“Kasi resort niyo ‘to, tapos mga ganon. Niyaya mo kami, kaya nang mamatay si Yaj, ikaw na ‘yung unang tumakbo sa isip ko.” sagot ni Angelo.

“Well you stood corrected.” sagot ni Angel. Nilalamig sila, wala silang kung anoman sa katawan kundi ang t-shirts na suot nila pati na din ang mga pantalon.

“May cellphone ba kayong dala?” tanong ni Angel. “’Yung cellphone ko kasi naiwan ko sa kwarto ko eh. Gago kasi si January.”

“Wala eh, chinarge ko ‘yung akin.” sagot ni John Dred.

“Anang melpor,” sagot ni Angelo. “Joke lang. Nasa kwarto ko din eh.”

Kinapa ni Mae Lynn ang bulsa niya. “A-Ay, ako, meron. Buti na lang nailagay ko sa bulsa ko kanina nang nag-uusap kami ni Angelo.” sabi niya sabay abot kay Angel.

“Salamat.”

 

“Welcome.”

Bubuksan na sana ni Angel ang lock ng iPhone ni Mae Lynn nang biglang may kumalabog sa pintuan ng storage room. Nagkatinginan ang apat na nasa loob nito.

“Shit. Siya na ‘yan.” bulong ni Angel.

“Imposible. Paano niya nalaman na naandito tayo?” tanong ni Angelo.

“N-Naalala niyo ‘yung sinabi ni Rosette dati, nang mahulog si Angel sa hagdan. Na si January ang may alam ng resort dahil nakapunta na siya dito?” sagot ni Mae Lynn.

Napailing na lang si Angelo. “Tara na.”

 

“Saan tayo dadaan?” tanong ni Mae Lynn, tumatayo.

“May backdoor ‘tong storage room. Tara takbo na!” bulong ni Angel at tumatakbo papunta sa likuran ng storage room. Sumunod naman ang tatlo. Binuksan agad ito ni Angel ngunit nasa likod na nito sa January.

“Shit!” pasigaw ni Angel. Nasuntok na siya ni January sa kanyang sikmura at hinila ito sa kanyang buhok.

Tumakbo si Angelo papunta kay Angel upang tulungan ito, ngunit nakita niyang may chainsaw na dala si January. Hinila niya ang trigger at rumagasa na ang nakatatakot na tunog nito. Napaatras na lamang ang tatlo.

“Say goodbye to this English-speaking motherfucker.” ani January.

“’Wag niyo na ‘kong alalahanin! T-Takbo na!” sigaw ni Angel. Walang kumilos. Gusto nilang tulungan si Angel. Ngunit huli na ang lahat dahil idinikit na ni January ang dulo ng chainsaw sa tiyan nito. Nangisay si Angel sa sobrang sakit, habang binabaon ang chainsaw sa tiyan nito, tumatalsik ang kanyang mga laman loob. Bumagsak siya sa lupa at naligo sa sariling dugo at laman.

Hinila na ni John Dred sina Mae Lynn at Angelo. Umiiyak na si Mae Lynn.

Naririnig pa din nila ang chainsaw. Hindi na nila nilingon ang kaibigan at ginamit na ang oras upang tumakas.

Bumalik sila sa resort house at hinalungkat na ang mga gamit nila. Hindi na sila naghiwa-hiwalay, dahil alam nilang nasa paligid lamang si January.

Sinara nila ang lahat ng pintuan na maaring pasukin ni January. Nagpahinga sila nang paisa-isa upang mabantayan ng dalawa kung nandiyan na ba si January.

Unang natulog si Mae Lynn, kaya naman ang nagbantay ay sina Angelo at John Dred.

Sa pagbabantay nila’y wala naman si January. Nagtaka sila kung nasaan na ba ito, ngunit tila ba nabunutan sila ng tinik sa lalamunan nang hindi pa ito dumating.

Sunod na natulog si Angelo, at naiwan naman sina Mae Lynn at John Dred na gising.

It's Dark InsideKde žijí příběhy. Začni objevovat