Chapter 18

90 47 1
                                    

Halos ilang linggo na kaming nakikitira dito sa mansyon na tinitirhan ni Kevin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng hiya.

"Hey, is there something wrong?" tanong niya sa akin nang mapansing tahimik ako.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. "Sobra-sobra na 'yong ginagawa mo sa amin, Kevin. Ang dami mo ng nagastos dahil sa amin tapos ngayon sumisiksik pa kami dito sa bahay mo-"

"Hey, stop saying that. Look at me, hon." He cupped my face. "You're my everything and I'll do anything I can to help you. Besides, para ko na ring pamilya sila tito at tita, pati si Inigo. Stop being paranoid, hon"

Napayuko ako. "I'm sorry, ayoko lang kasi na baka maisip mong pineperahan lang kita-"

"Kailan man ay hindi 'yan pumasok sa isip ko. You're not a gold digger. Always remember that."

I nodded my head. "Thank you, hon, for everything. Promise, sa unang suweldo ko babayaran kita-"

"100 kiss will do, hon." Napairap na lang ako sa sinabi nito. "Puro ka talaga kalokohan," suway ko sa kaniya. "Oh, sige na, maligo ka na at ipaghahanda na kita ng breakfast."

He kissed my cheeks. "Ang sweet talaga ng, Hon ko."


"Oo na, dali na, mag-ayos ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo." Natawa na lamang ako nang mag flying kiss pa siya bago pumasok sa banyo.

Pagkababa ko ay agad akong nagluto ng almusal.

"Jusko! Pasensya na, Ma'am Iris. Nahuli na naman po ako ng gising," saad ni Berna na isa sa mga katulong ni Kevin.

Nginitian ko siya. "It's fine, Berna and please don't call me Ma'am. Hindi naman ako ang nagpapasuweldo sa 'yo. Iris will do."

"Naku! Hindi naman po puwede 'yon, baka akalain po ni sir Kevin na wala akong respeto sa asawa niya. Ayoko pa pong matanggal sa trabaho, Ma'am."

Halos mapanganga ako sa sinabi nito. "Wait, what? Asawa? Berna, hindi niya ako asawa."

Halatang nagulat ito sa sinabi ko. "Po? Pero ang sabi po sa amin ni sir Kevin ay asawa niya raw po kayo."

Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang sumulpot si Kevin na katatapos lang maligo at nakabihis na ng suit. "Morning, anong meron?" tanong nito.

"Sir, akala ko po ba asawa niyo po si Ma'am Iris-"

"Yeah, she's my wife...what's the problem on that?"

"Kevin!" suway ko. Puro talaga siya kalokohan.

Tinawanan lamang niya ako at muling bumaling kay Berna. "Anong problema, Berna?"

"Eh, ayaw niyo po kasi na tinatawag ko siyang 'Ma'am'. Ang sabi ko po baka magalit kayo kapag tinawag ko lang siya sa pangalan niya," paliwanag nito.

Muling natawa si Kevin. "Maybe, 'señorita' will do, Berna." He winked at me. Buwiset! Pinagti-trip-an na naman ako nito. "Babaunin ko na lang 'yong ibang niluto mo, hon. Nagmamadali na rin kasi ako. I'll see you later."

Wala na akong nagawa kung hindi ang irapan siya hanggang sa makaalis s'ya. Muli akong tumingin kay Berna na alanganing nakangiti sa akin ngayon. "I'm not his wife, Berna. Hindi pa kami kasal. Girlfriend niya lang ako," paliwanag ko sa kaniya.

Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Gano'n po pala, ang advance naman po ni Sir."

Natawa na lamang rin ako. "Gusto niya lang ako pag trip-an. So, don't mind him, okay? Ayos lang kahit anong itawag mo sa akin, basta komportable ka."

"Mas komportable po ako sa 'Ma'am Iris', eh."

Napangiwi ako. "Fine, wala na akong sinabi."

Nang matapos kami sa pagku-kwentuhan ni Berna ay agad na naming inayos ang lamesa at sabay-sabay na kaming kumain kasama ang pamilya ko at ang iba pang mga kasambahay, na halos nagulat pa dahil masyado raw mabait ang pakikitungo namin sa kanila.

Day off ko ngayon kaya naman wala akong magawa kung hindi ang mag-stay dito sa mansyon.


Malapit nang maghapon nang makaramdam ako ng antok at maisipan kong matulog. Magkaiba kami ng tinutulugan ni Kevin pero tanging ang silid niya lang ang daan para makapunta sa kwarto na inilaan niya sa akin.

Madilim na nang magising ako kaya agad akong lumabas ng kwarto para sana mag luto na ng hapunan, nang mapansin kong madilim ang buong paligid at parang walang tao.

"Ma?"

"Pa?"

"Inigo?

"Berna?"

Kahit sinong tawagin ko ay walang sumasagot. Hanggang sa mapansin kong maliwanag sa graden kaya agad akong tumungo dito.

Kumunot ang noo ko nang makita kong punong-puno ng kandila ang daan. Naka kunot noo ko itong nilakad hanggang sa makarating ako sa pinakadulong part ng Garden at makitang may buffet table dito.


Nagulat na lamang ako nang makarinig ako ng kaluskos sa bandang likuran ko.

You know I'd fall apart without you
I don't know how you do what you do
'Cause everything that don't make sense about me
Makes sense when I'm with you

At halos kapusin ako ng hininga nang makita ko si Kevin na nakasuot ng suit habang nag gigitara at kumakanta.

Like everything that's green, girl, I need you
But it's more than one and one makes two
Put aside the math and the logic of it
You gotta know you're wanted too

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko.

Cause I wanna wrap you up
Wanna kiss your lips
I wanna make you feel wanted
And I wanna call you mine
Wanna hold your hand forever
And never let you forget it
Yeah, I, I wanna make you feel wanted

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay agad niyang ibinaba ang gitara at hinawakan ang isang kamay ko "You don't know how much I love you, hon. You were like a breath of fresh air and having you in my life is like, I was drowning and you saved me." He kissed my forehead. "I know you're not yet ready for marriage...but I'm willing to wait." He bit his lower lip. "Wala na akong balak na pakawalan ka pa, Iris... so please." Dahan-dahan siyang lumuhod habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Be my fiancee hon and I promise that I'll wait until you're ready enough to marry me." He let out a sigh, "Handa akong maghintay ng kahit ilang taon basta ba sa akin din ang bagsak mo."

Randam ko ang panlalamig ng kamay niya. "Please, Iris? Marry me when you're ready. Be my future wife."

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. I slowly nodded my head. "I'm more than willing to be your fiancé." Hinila ko siya patayo at marahan na hinalikan sa labi. "I love you more, Kevin"

Parehas kaming napaiyak sa sobrang saya.

"Congrats, Kuya idol!"

"Congrats, Fren! Kasal na lang soon ang kulang."

"Congrats, Anak!"

Napangiti na lamang ako nang makita ko ang pamilya ko at si Rica na nasa likuran namin at masayang nakatitig sa amin.

"So, kasabwat mo ang lahat?" tanong ko sa kaniya.

"Ahm, yeah and actually, sila tito at tita ang una kong kinausap para hingiin ang kamay mo."

"At anong sinabi nila?"

"They said 'yes'." Hinapit niya ako sa baywang kaya mas napalapit kaming dalawa. "Wala ka ng kawala sa akin, Hon"

I chuckled. "Wala naman akong balak na kumawala."


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Where stories live. Discover now