Chapter 24

125 45 0
                                    

(Kevin's journal)

Simula nang mamatay ang mga magulang ko at kapatid ko, pakiramdam ko ay wala na akong dahilan para mabuhay pa.

Not until I met this girl. Una ko siyang nakita sa field ng University na pag-aari ng pamilya ko, nagbabasa siya ng libro ng mga oras na iyon.

Tinitigan ko ang buong hitsura niya, siya lamang ang babaeng nakita ko na walang kolorete o kahit na anong arte sa katawan.

Kitang-kita ko kung paano siya ma-bully ng ibang mga estudyante, lalo na ang grupo nila Chloe dahil daw sa hitsura niyang parang manang. I find it ridiculous, anong masama sa pagsuot niya ng mga disenteng damit? Mas nagagandahan pa nga ako sa kaniya kaysa sa mga babaeng halos kita na ang kaluluwa sa sobrang iksi ng mga suot.

Kaya naman nang makita kong muli na naman siyang pinagkaisahan ay hindi na ako nakatiis pa.

"What the hell is the meaning of this!" agaw ko ng atensyon nila.

"Kevin... it's her fault. Si Iris kasi, binuhusan ako ng dala niyang juice," sagot sa akin ni Chloe na halata namang nagsisinungaling. This girl is getting on my nerves!

"I don't give a fuck! Do whatever you want to do." Tinitigan ko ng masama ang babaeng pinapaiyak nila Chloe. "Just make sure to clean up your mess, ayoko nang may nagkakalat sa school na ito. Huwag niyong pahirapan ang mga janitor." Agad akong umalis sa lugar na iyon para pigilan ang galit na nararamdaman ko. Damn, that girl! She's driving me nuts. Hindi man lang ba siya marunong lumaban?

Tinigilan ko ang pagmamasid sa babaeng iyon dahil masyado na niyang kinukuha ang atensyon ko.

***

Cosplay Event namin ngayon kaya lahat ay abala sa pag-aayos, maliban na lamang sa akin na halos walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Ni hindi na nga tugma ang costume na napili ko.

Pumunta ako sa rooftop at umupo sa railings. Muli kong naalala kung gaano na ka-miserable at kalungkot ang buhay ko. I feel so lost. Ni hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy na mamuhay ngayong mag-isa na lang ako.

Nagulat na lamang ako nang may magsalita sa likod ko. "Wait, stop!" sigaw ng babae na pilit kong iniiwasan. "Don't do that! Please, bumaba ka diyan," pakiusap niya sa akin.

"Why would I listen to you?!" I yelled at her.

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumabi sa akin. "What do you think you're doing, Retard?" saad ko sa kaniya nang makita ko ang takot sa mga mata niya.

Hindi naman talaga ako magpapakamatay ng mga oras na iyon. Pero ano bang malay ko? Siguro nga kung nagtagal pa ako doon at hindi siya dumating ay baka ipinahamak ko na ang sarili ko.

Nakakatawa lang isipin na handa siyang mapahamak para lang mailigtas ako.

I tried to test her. Sinabi ko sa kaniya na nanghiram lang ako ng motor at isa lang akong mahirap. Halos ang daming naiinggit sa akin dahil marami raw ang humahanga at nagmamahal sa akin, ang hindi nila alam ay pera ko lamang ang habol ng karamihan.

"Then we're friends. Ayoko sa mga mayayaman," saad niya at nawalan ako ng imik.

Find the right girl Kevin. Iyong babaeng walang pakialam sa pera mo o sa estado mo sa buhay. Iyong makakaya kang mahalin kahit pa maging pulubi ka

Damn! I finally found the right girl.

Nang malaman ni Iris na ako din si Ver ay tuluyan niya na akong iniwasan. Pero mas binigyan niya lamang ako ng rason para magustuhan siya lalo. You can't get away from me baby!

Niligawan ko siya at kahit pa ilang beses niya akong tinataboy palayo ay hindi ako sumuko.

***
Nang malaman ko ang nangyari sa pamilya niya ay agad akong umaksyon. Ako ang sumagot sa hospital bills at ang iba pang mga kailangan nilang bayaran.

Pero hindi ko talaga nagustuhan ang pagkikita nilang dalawa ni Chloe at ang pagpayag niya na layuan ako kapalit ng pera. "K-kapag ba nilayuan ko siya maipapangako mo bang palaging magiging masaya si Kevin?" tanong niya kay Chloe na mas nagpainit sa ulo ko.

"Of course! I'll do everything to make him happy and safe, you have nothing to worry about," sagot sa kaniya ni Chloe.

Bago pa niya mahawakan ang pera ay agad na akong lumapit sa harap nila at pinunit ang cheque. "You're really pushing me to my limit, Chloe!" Tinitigan ko ng masama si Iris. "One million? That's cheap!" Marahas akong kumuha ng cheque sa wallet ko at inilapag iyon sa harap nilang dalawa. "That's three million. Dinoble ko na para wala ka nang masabi pa!" Nagtagis ang bagang ko sa galit na nararamdaman ko. "Isa lang ang hihingiin kong kondisyon. Stay away from my girl," mariin kong saad bago ko hinila si Iris patayo.

"Kevin, stop! She's a gold digger! Hindi mo ba nakita? Balak niya nang tanggapin ang pera ko. Sigurado akong pera lang din ang habol sa 'yo ng babaeng 'yan-"


"I don't give a fuck!" I cut her off. "Ito na ang huling pagkakataon na lalapit ka pa kay Iris. Stay away from her and leave us alone! Sa susunod na gumawa ka ulit ng bagay para masira kaming dalawa o masaktan siya. I'll kill you and I'm gonna burn you in hell!" At seryoso ako sa lahat ng mga binitawan kong salita.

***
"Tama na layuan mo na ako, Kevin. Tama naman sila, eh, hindi ako nababagay sa mundo mo-"

I glared at her. "No Iris, you still owe me a lot." I sighed. "I don't need your service or money."

I slowly cupped her face. "I just want my chance Iris. Give me a chance to prove my feelings for you. Kahit itong buong school year lang, hayaan mo akong ligawan ka at kapag hindi mo pa rin ako nakuhang mahalin... ako na mismo ang lalayo sa 'yo."

Tuluyan siyang napaiyak sa sinabi ko and it pains me. Ayokong nakikita na umiiyak siya. "Kevin, bakit ba ako? Tanga ka ba? I'm a gold digger, I'm ugly and-"

"And I don't care! Kahit maging demonyo ka pa ay wala na akong pakialam! Give me a chance, Iris. Iyon ang gusto kong kapalit sa pera na ibinayad ko," muli kong putol sa kaniya.

***
Simula noon ay mas pinagbutihan ko ang panliligaw sa kaniya at ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundo nang sagutin niya ako.

We were happy. Halos wala na akong mahihiling pa.

Simula nang mamatay ang pamilya ko, aminado akong ilang beses kong sinubukan na saktan ang sarili ko at kunin ang sarili kong buhay. Pero hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong naliligtas at nabubuhay.

Pero ngayon ay tuluyan ko ng naunawaan kung bakit hindi ako makaalis-alis sa mundong ito.

I just need a one love to go

***

"Kevin.." tawag sa akin ni Iris habang magkatabi kami sa upuan ng simbahan.

"Hmmm?"


"Alam mo naman nang masasakitin ako, di'ba? Hindi Malabo na manghina ako o maging pabigat ako kapag tumanda na tayo. Okay lang ba 'yon sa 'yo?"

Natigilan ako. Ni minsan ay ayokong isipin na magkakasakit si Iris at tuluyan niya rin akong iiwan. "I don't care, kahit pa maging baldado ka, gugustuhin pa rin kitang makasama. Ikaw ang huli kong gustong makita bago ako umalis sa mundong ito," sagot ko sa kaniya.

"Kapag matanda na tayo at malapit ng mamatay. Can you promise me something?"

"What is it?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Promise me na pauunahin mo ako. Masyado akong mahina, Kevin. Hindi ko kakayanin na gumising ng isang araw na wala ka na sa tabi ko at hindi na kita nahahawakan. So promise me, na kung may mamatay man sa atin balang araw... pauunahin mo ako."

Hindi ako nakasagot agad. Ganoon na gano'n din kasi ang hiling ko. Ayoko nang mabuhay ulit ng mag-isa, I can't live without Iris. Pero kahit mas duwag at mahina ako, sinagot ko pa rin siya. "I promise, I'll stay by your side." You have no idea how much I love you Iris. Sobra kitang mahal.

One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Where stories live. Discover now