Chapter 19

93 45 0
                                    

"Damn, kung bakit ba naman kasi hindi kita puwedeng isama sa business trip ko," angal nito sa pang apat na beses.

"Geez! You know I can't. May seminar ako na dapat puntahan bukas. Saka isa pa, puwede pa rin naman tayo mag-usap sa cellphone," sagot ko sa kaniya habang inaayos ang coat at necktie niya.

"Kahit na, iba pa rin kapag nahahalikan kita." Marahan niyang hinalikan ang labi ko. "At nayayakap." Hinapit niya ako palapit sa kaniya at niyakap.

Natatawa kong ginantihan siya ng yakap. "You're so clingy, hon. Dalawang araw ka lang naman doon, huwag ka ngang OA. Ako nga dapat ang ma-paranoid dahil ako naman 'yong maiiwan at hindi ikaw."

"Mas masakit kaya 'yong mang-iwan lalo kung mahal na mahal mo 'yong kailangan mong iwanan." He sighed. "Promise me, you'll call or text me every minute, Okay?"

I nodded my head. "Yes, boss!" Nang maayos na lahat ng mga dadalhin niya ay agad na namin siyang inihatid sa gate.

"Mag-iingat ka doon, anak," saad ni Mama. Simula noong mag-propose sa akin si Kevin ay tinawag na rin nila itong 'anak'.

"Of course, Ma. Papakasalan ko pa ang anak niyo," pabiro nitong saad.

"Kuya pogi, pasalubong, ah!" pahabol pa ni Inigo kaya naman pasimple kong kinurot, hindi talaga marunong mahiya ang isang 'to.

Natawa na lamang si Kevin at tumango. "How about you, my future wife? Anong gusto mong pasalubong?"


"Wala, umuwi ka lang dito sa bahay ay masaya na ako."

Napailing ito. "Damn, bakit ba hindi ka katulad ng ibang babae na sobrang hilig sa mga alahas? Baka kapag nagtagal kang ganito maging sobrang yaman ko na."

Pati ako ay natawa. "Ayaw mo ba no'n? Iyong mga anak natin at magiging apo ay hindi na maghihirap pa."

He smirked at me. "Mga anak, huh? You're teasing me, Wife, stop it. Baka mabuntis kita bago pa ang kasal natin."

"Ewan sa 'yo! Sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa sa flight mo. I love you."

"I love you more."

Sabay-sabay namin siyang kinawayan hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

"Ate swimming tayo!" aya ni Inigo sa akin.

"Sige sure, pero mamaya na ako. Baka kasi tumawag ang kuya Kevin mo bago mag flight."

"Okay po."

Habang naghihintay sa tawag ni Kevin ay naisipan kong magluto na lang muna nang bigla na lamang tumunog ang doorbell sa labas.

"Ako na po ang titingin, Ma'am Iris," saad ni Berna na tinanguan ko na lang.

Makalipas ang ilang segundo ay mayroong dalaga at matandang lalaki ang pumasok sa loob. Halata sa pananamit nila na ang pagiging mayaman.

Agad akong naghugas ng kamay at lumapit sa kanila. "Ah, Good afternoon po, sino po sila?" magalang kong tanong.

Parehas nila akong tinitigan mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ang pagkatao ko. "Ako dapat ang nagtatanong n'yan, Hija. Sino ka at anong ginagawa mo sa pamamahay ng pamangkin ko?"

Nakaramdam ako ng kaba nang mapagtanto ko kung sino ang kaharap ko ngayon.

"Ahm, ako po si Iris... girlfriend po ako ni Kevin." Halos pagpawisan ako ng malamig nang makitang parang hindi siya sang-ayon sa kaniyang narinig.

"Anak mag swimming ka na rin-naku! Pasensya na, may bisita ka pala," singit ni Papa na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.

"And who is he?" turo niya kay Papa.

"Ahm, siya po ang papa ko-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang itong tumawa ng pagak.

"Ibang klase ka rin, girlfriend ka lang ng pamangkin ko pero nakitira na agad kayo ng pamilya mo dito sa bahay niya?"

One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt