Chapter 23

95 41 0
                                    

Apat na taon na ang nakakalipas, masakit pa rin sa akin ang lahat pero kahit paano ay masasabi kong mas umaayos na ako.

Maaga pa lang ay agad na akong gumising para makapagluto ng kakainin naming almusal.


"Good morning," bati ko sa kanilang lahat na ngayon ay nakatingin sa akin at para bang nakakita ng himala. "Bakit gan'yan kayo makatitig? Para namang gandang-ganda kayo sa akin," biro ko sa kanila.

"Nakakapanibago lang anak, ngayon na lang kita ulit nakitang ngumiti at lumabas ng kwarto simula noong mamatay-"

"Marta, huwag mo ng ipaalala pa!" sigaw ni Papa.

Napailing na lamang ako at bumaling kay Inigo. "Pakitawag naman sila Berna, Inigo. Para makakain na tayo." Agad itong tumango at sumagot ng 'Opo Ate'.

Katulad ng dati ay masaya kaming nag salo-salo. Kahit pa wala na siya.

"Ako na ang magbubukas, Ma'am Iris," sabi ni Berna nang bigla na lamang may mag door bell.

Pagbalik niya ay may kasama na siyang dalawang pulis. "Good morning, Miss Morgan," bati nila sa akin.

Tinanguan ko sila. "Ano pong sadya niyo?"tanong ko sa kanila.

"I'm PNP Chief William." Saglit siyang nakipagkamay sa akin bago tumingin sa amin ng alanganin. "Balak na po naming ilipat ng selda si Mr Wilson bukas ng umaga"

Natigilan ako. Tatlong taon na ang nakalipas simula noong sumuko ang Uncle ni Kevin at aminin niya na siya ang may kagagawan ng aksidente naming.

"So, bakit kailangan niyo pa itong sabihin sa akin?" Naiyukom ko ang kamao ko.

"May isa pong kahilingan si Mr Wilson-"

"Call him Larry, hindi ko maatim na tinatawag siya sa apelyedo ng lalaking mahal ko." Naramdaman ko ang marahan na pagtapik ni Mama sa braso ko na para bang pinapakalma ako.

"Nais ka po niyang makausap, Miss Morgan. Iyon po ang nag-iisa niyang hiling bago siya ilipat ng selda-"

"Nasisiraan na ba ang bait ang matandang iyon? Hindi pa ba halata kung gaano nagdudusa ang anak ko sa pagkawala ni Kevin? Ano na naman ba ang binabalak niya at nais niyang makausap ang anak ko?" sigaw ni Papa.

Humugot ako ng malalim na hininga at muling nagsalita. "Pakihatid po ako sa kaniya mamaya, magbibihis lang po ako saglit." Agad na tumango ang dalawang pulis.

"Anak, hindi mo naman kailangan na gawin ito," tutol ni Mama.

"Tama ang Mama mo, Iris, baka may binabalak pa siyang masama sa 'yo."

Agad ko silang inilingan at pinakalma. "I'll be fine Ma, Pa. Marami naman po ang pulis na nagbabantay sa kaniya kaya wala pong mangyayari na masama sa akin."

Wala na rin silang nagawa pa at hinayaan na lamang ako na sumama sa mga pulis. Tatlong oras din kaming nagbyahe bago kami tuluyang nakarating sa dapat naming puntahan.

Nakailang beses akong humugot ng hininga bago ako tuluyang pumasok sa silid kung saan kami mag-uusap ni Mr Larry.

Nakaupo siya sa isang upuan habang nakaposas ang dalawang kamay, halata rin sa hitsura niya na hindi na siya nakakakain at nakakatulog ng maayos. "Iris, Hija," gulat niya na saad nang umupo ako sa tapat niya. Lamesa lamang ang pagitan naming dalawa pero wala akong maramdaman na kahit kaunting takot at hindi iyon dahil sa CCTV ng lugar at mga pulis na nasa paligid. Siguro gano'n talaga kapag tuluyan nang nawala ang pinakamamahal mo, iyong tipong kahit kamatayan ay hindi mo na kakatakutan pa. "Bakit gusto mo akong makausap?" malamig kong saad. Matagal na akong nawalan ng respeto sa kaniya.

Isa-isang tumulo ang luha niya pero wala akong maramdaman na awa. "Iris, Hija. I'm sorry. Inaamin ko na ako ang may pakana ng insidenteng iyon at ikaw talaga ang sadya kong ipapatay pero-"

"Pero malas ka at ako pa ang natira!" Madiin kong ikinuyom ang palad ko para kumuha ng lakas. "B-but you know what? You should be happy, kasi kahit naman ako 'yong natira, nagawa mong gawing miserable ang buhay ko. Nang dahil sa 'yo namatay ang lalaking pinakamamahal ko!"

Mas lalo itong naiyak sa sinabi ko. "M-matagal ko nang pinagsisihan ang nagawa ko. Pera lang ang mahalaga sa akin noon. Kaya naman naisipan kitang ipapatay kasi akala ko, kapag nawala ka, lalapit sa akin si Kevin at naisip ko na kapag nangyari iyon ay pwede ko na ring kunin ang kayamanan niya." Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "P-pero nang mawala siya... doon ko napagtanto kung gaano ako kasama. Kinaiinggitan ko noon ang kapatid ko na ama ni Kevin, kaya naman ni minsan ay hindi ako naging mabuting kamag anak sa pamilya nila and I already regret that."

Saglit siyang tumingin sa akin at muling yumuko. "Araw-araw akong kinakain ng konsensya ko dahil sa ginaawa ko, palagi kong napapanaginipan si Kevin na nagmamakaawa sa akin na huwag ko siyang patayin dahil gusto ka pa niyang makasama. At sa tuwing pinagmamasdan kita na umiiyak, nasasaktan ako lalo kasi alam kong gan'yan din ang mararamdaman ng sarili kong pamangkin kung sakaling ikaw ang napatay ko."

Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Muli kong naalala ang mukha ni Kevin bago siya mamatay. Alam ko na gusto niya pang mabuhay pero hindi niya na kinaya pa.

"Iris, hija. Sana mapatawad mo pa ako-"

"I can't." Natigilan siya sa sinabi ko. "Mr Larry, hindi kita kayang patawarin dahil hindi naman ako ang nararapat na sabihan mo niyan. P-patay na 'yong taong dapat na magpatawad sa 'yo." Marahas kong pinunasan ang luha ko at agad na umalis sa lugar na iyon.

Palagi kong pinipilit ang sarili ko na huwag nang umiyak dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ni Kevin. Pero ngayong araw ay hindi ko na naman napigilan.

Nang makauwi ako ay agad kong inayos ang sarili ko at muling ngumiti ng peke.

Napakunot ang noo ko nang makitang busy ang lahat sa pag-aayos ng bahay at pagluluto ng mga pagkain. "Anong 'meron?" tanong ko na dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. "May okasyon ba?"

Natigilan silang lahat na para bang may mali sa sinabi ko. "Anak, birthday mo ngayon."

Napamaang ako at napatingin sa cake na nasa lamesa at may nakasulat na 'Happy 28th birthday Iris'

Pagak akong tumawa. "Pasensya na nakalimutan ko. Ang tanda ko na pala."

Sabay-sabay kaming kumain at nagsaya hanggang sa dumating si Rica at ang boyfriend nito.

"Happy birthday, fren!" masayang bati nito at agad akong niyakap. "Salamat," sagot ko sa kaniya bago tinanggap ang mga regalo na dala nila .

Tumikhim siya. "Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ibigay ito pero baka kailangan mong makita, fren." Sabay abot niya sa akin ng isang malaking envelope.

Agad ko itong binuksan at halos magulat ako nang makita ko ang isang marriage certificate na may pirma na ni Kevin. Iyong akin lang ang wala.

"Noon niya pa 'yan ibinigay sa akin nang nasa El nido resort tayo. Ang sabi niya, gusto mo raw mag pakasal kapag twenty-eight ka na, kaya naman inutusan niya ako na i-abot 'yan sa 'yo sa mismong 28th birthy mo. May pirma niya na 'yan, gusto niya raw kasi na kapag dumating ang oras na ito ay pirma mo na lang daw ang kulang para mailakad na 'yan at maipa- rehistro."

Agad akong naghanap ng ballpen at nang akmang pipirmahan ko na ay pinigilan nila akong lahat. "Iris, are you sure about this? He's already dead. Oo nga't marami siyang perang naiwan kaya hindi ka mahihirapan na ipa-rehistro 'yan kahit wala na siya. Pero patay na siya, hindi mo naman kailangan na itali ang pangalan mo sa kaniya. Saka malay mo naman, baka makakilala ka pa ng taong pakakasalan ka at puwede mong makasama habang buhay."


Agad akong umiling. "Siya lang iyong mahal ko Rica, he's my only one and he's the driver of my life." Matapos kong sabihin iyon ay agad kong pinirmahan ang marriage certificate at muling inabot sa kaniya. "Paki-rehistro n'yan."

Alanganin siyang tumango habang ang iba naman ay naiiyak na nakatingin sa akin.

Agad akong umakyat sa kwarto ni Kevin at muling binuksan ang brown envelope. Mayroon pa itong dalawang laman. Isang sing-sing na sakto sa daliri ko at isang journal na puro tungkol sa akin at sa kung gaano niya ako kamahal.

One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora