Chapter 10

105 50 0
                                    

Hapon na at malapit nang dumilim kaya naman nagiging wild na ang iba. Mayroong mga naka-two piece na lang habang nagsu-swimming, mayroong mga nag-iinuman at nagme- make out sa kung saan. Habang ako? Nakaupo lang sa gilid at nakatingin lamang sa kanila.

"Fren! Ang sarap ng mga drinks nila sa bar counter. Try mo," masayang saad ni Rica habang umiinom ng pang apat niyang champagne.

"Nah, I'm fine." Nagkibit balikat lamang siya at umalis ulit para kumuha ng panibagong inumin.

Tumayo ako at nag lakad-lakad nang bigla na lamang may humigit sa akin sa madilim na parte. Agad akong nakaramdam ng kaba. "Sino ka?" sigaw ko dahil halos hindi ko na maaninag ang mukha niya.

"Sshh! Calm down kitty, shit! Hindi ko akalain na magaganda rin pala ang ang katawan ng mga nerd." Agad akong nagpumiglas nang bigla na lamang niyang haplusin ang balikat ko pababa sa braso ko.

"Ano ba-bitawan mo ako. Tulong!" malakas kong sigaw, akmang hahalikan niya na ang leeg ko nang bigla na lamang may humila sa akin palayo at agad na sinuntok ang lalaki.

"Fuck you! Who give you the rights to touch my girl?" mariin na sigaw ni Kevin saka kinuwelyuhan ang lalaki at muling sinuntok.

Nang mapunta sila sa maliwanag na parte ay halos magulantang ako nang makitang duguan na ang lalaki.

"Ver! Tama na," awat ko kay Kevin at saka siya niyakap sa likod para pakalmahin.

"I'm not yet done with you bastard! Keep that in your mind," he said firmly.

Agad ko siyang hinila palayo sa lugar na iyon hanggang sa makakita kami ng isang kubo kaya agad kaming umupo doon.

Magkaharap kaming dalawa ngayon at titig na titig siya sa akin. Nakaramdam ako agad ng kaba, hanggang ngayon kasi ay nakakatakot pa rin ang anyo niya.

"This is the last time that you will wear something revealing," mariin niyang usal habang nagtatagis kaniyang bagang.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. "I-im sorry," nakayuko kong saad. Hindi ko kayang harapin ang mata niya.

Huminga siya ng malalim. "Hindi ako sa 'yo galit, Bre. Sa kanila ako galit, walang sino man ang puwedeng manakit o mambastos sa 'yo. Especially, not on my watch."

"I-im fine, kalimutan mo na lang ang nangyari-"

"I can't. Ikaw ang ginago niya and you're my limit. So, don't expect me to be kind. I told you, I'm a bad guy, Iris."

"And I told you, you're not. Kung ikaw siguro ang nabastos baka magalit din ako, normal lang ang magalit. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag nagalit ka ay masama ka na. You're just freaking mad, Kevin, kaya mo iyan nasasabi."

Marahan siyang ngumiti. "I really don't know what to do without you, Bre. You're my limit."

Ilang saglit kaming nawalan ng imik pero ako din ang bumasag no'n. "Mas mabuti siguro kung bumalik na tayo, baka hinahanap na tayo, eh." Tumango naman siya, akmang maglalakad na kami nang bigla na lamang bumuhos ang ulan.

"Let's stay here for a while, malayo pa ang lalakarin natin pabalik. So, it'll be better kung patitilain na lang muna natin ang ulan," mahinahon niyang sambit. Tinanguan ko lamang siya.

Ilang minuto pa ang lumipas pero mas lalo pang lumakas ang ulan. Nag uumpisa na rin akong lamigin.

"Are you cold?" he asked and I shook my head. "You're not good at lying, Bre." Nagulat ako nang bigla na lamang niyang hubarin ang T-shirt niya at tumabi sa akin. "Here, wear this," saad niya pero nang makitang nakatitig lamang ako ay siya na mismo ang nagsuot sa akin nito.

"Hindi ka nilalamig?" tanong ko sa kaniya at umiwas ng tingin dahil kitang-kita ko ngayon ang matikas na katawan niya.

One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz