Chapter 21

104 44 2
                                    

Sobrang sakit ng buong katawan ko at halos hindi ko maitaas ang talukap ng mata ko.

Naramdaman ko na lamang na may humawak sa kaliwang kamay ko. "F-fren? Oh my gosh! Salamat naman at gising ka na," naluluhang saad ni Rica nang tuluyan ko ng mai-mulat ang mata ko.

"W-where is he," saad ko sa paos na boses.

Hindi siya sumagot agad kaya naman nakaramdam ako ng kaba. "N-nasaan siya, Rica?"

"He's alive, Iris." Marahas niyang pinunasan ang luha niya. "Pero hindi ko alam kung bakit ang tigas ng ulo niyong dalawa! Nahimatay na naman siya kanina. Tatlong linggo ka ng walang malay at kahit hindi pa maayos ang lagay niya at tama ng bala niya ay pinipilit niyang dito lang daw siya sa tabi mo hangga't hindi ka nagigising."

Parang sinaksak ang puso ko sa narinig ko. He saved me at kahit pa nanghihina siya ay hindi niya ako iniwan. "Is he okay?"

Matagal bago muling sumagot si Rica. "Ang totoo malala ang tama niya sa likod at nakakasama sa kaniya ang araw-araw na pagbabantay sa 'yo. Kailangan niya rin na magpahinga, pero kahit anong pilit namin ay ayaw niyang iwan ka. Kailangan niya raw masigurado na kapag gumising ka ay and'yan siya sa tabi mo." Huminga siya ng malalim "Sigurado akong kapag nagkamalay ulit siya ay tatakas na naman siya sa kwarto niya para puntahan ka dito. Iris, nauubusan na siya ng lakas. So, please lang! Kapag pumunta ulit siya dito ay pilitin mong magpagaling na muna—"

"Hon." Sabay kaming napa tingin sa pinto nang bigla na lamang sumulpot si Kevin.

Hindi ko na napigilan na mapaluha nang makita ko ang hitsura niya. Hindi na siya 'yong Kevin na araw-araw kong tinititigan noon. Sobrang laki na ng ipinayat niya, halos namumutla na rin ang buong katawan niya at halata sa mga mata niya ang sobrang pagod.

"Hey, my beautiful fiance'. I'm glad that you're awake." Agad niyang hinalikan ang noo ko nang makalapit siya sa akin. "Tinupad ko 'yong pangako ko hon, na kung may mamamatay man sa ating dalawa..." Saglit siyang huminto. "Ay ikaw ang mauuna." He smiled bitterly. "I'm still here, hon at ngayong sigurado na akong buhay ka... I won't ever leave you, sa bawat pagbukas mo ng mata mo ay sisiguraduhin kong makikita mo ako at mahahawakan."

"I love you, hon." Napangiti siya sa sinabi ko. Sobrang dami niya ng nagawa para sa akin, He did everything para lang maibigay lahat ng gusto ko o hilingin ko. He risked his life for me. Sobra-sobra na ang nagawa niya.

"I love you more, hon. May gusto ka bang kainin? Kaibigan ko ang may-ari ng hospital na ito kaya kapag may gusto kang ipabili ay makakalabas ako agad—"

"I don't need anything," putol ko sa sasabihin niya.

"Okay, if you say so. Nagugutom ka ba? Ipagbabalat kita ng prutas." Kumuha ito ng bread knife at binalatan ang isang mansanas.

Pero parehas kaming napahiyaw ni Rica nang bigla na lamang siyang umubo ng dugo at mawalan ng malay.

"Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko, please naman! Pagpahingahin niyo na muna ang mga katawan niyo," sigaw niya at dali-daling tumawag ng doctor.

Kahit nanghihina ay agad akong tumayo para lapitan si Kevin na walang malay, pinunasan ko ang dugo sa bibig niya. "T-this is too much for you."

"Andito po siya," turo ni Rica kay Kevin habang kasama ang mga doctor.

Napahikbi na lamang ako nang kinuha nila sa akin si Kevin at ibinalik ako sa hinihigaan ko.

"R-Rica please... gusto ko siyang bantayan."

Sinamaan niya ako ng tingin. "P*tangina naman, Iris! Nasisiraan na ba talaga kayo ng bait? Hindi niyo ba kayang mag-tiis at maghiwalay kahit saglit para magpahinga at magpagaling? Babantayan mo siya, tapos ano? Salit-salitan na kayong mawawalan ng malay hanggang sa parehas na kayong maubusan ng lakas? T*nginang pag-iisip 'yan!"

One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Where stories live. Discover now