Nawala ang ngiti ko at pinansin ang detalye ng kaniyang mukha. Ang halong kulay ng lupa at ginto niyang buhok ay magulo. Salubong ang kaniyang makapal na kilay na tila may nakagagalit siyang nakikita sa panaginip. Mariin na pikit ang mata kaya malaya kong nakikita ang mahaba at makapal niyang pilik mata. Matangos na ilong at mariin na magkalapat ang pulang-pula na labi. I sighed as I stared on his jaw. Hindi ko napigilan ang sarili na haplusin iyon. Napangiti ako nang kumalma ang kaniyang mukha.

"Matutulog na kami, Therese. Papatayin ba ang ilaw?" tanong ni Alex at sumulyap sa akin. 

"Sige, Alex," sagot ko.

Tahimik na umakyat sa kaniyang kama na nasa ibabaw ng akin si Sandra. Pinatay na ang ilaw at narinig ko ang paghiga pa ng iba kong kasama. Hanggang sa narinig ko ang malalalalim nilang paghinga, hudyat na tulog na sila.

Bigla akong napahikab. Pinikit-pikit ko ang mata saka nag-unat. Himala at nakaramdam ako ng antok. Pero wala akong matutulugan..

Nilabanan ko ang antok at tinitigan siya. Kahit sa dilim ay kitang-kita ko siya. I suddenly remember what happened earlier.

Dapat ay susugurin ko ang babae para sa kaniyang dugo ngunit dumating siya kaya siya ang naging biktima ko. Nanlamig ako sa kaisipan na maaaring napatay ko ang babae kung tuluyan ko itong napuntahan. Akala ko nga ay mapapatay ko si Sir Azriel dahil ang tagal kong sumipsip ng kaniyang dugo ngunit dahil bampira siya ay nanghina lamang. Ngunit paano kung sa babae ko iyon nagawa? Sa isang tao?

I stared on him. I sucked his blood and he let me. Bampira pala siya at kayang-kaya niya akong saktan at itapon palayo ngunit hindi niya ginawa. Naaalala ko ang pagyakap pa niya sa akin. Unti-unting uminit ang aking pisngi kapagkuwan ay pinagalitan ang sarili. May ganoon na nangyari ngunit may gana pa akong kiligin.

Salbahe ako!

Mariin akong napapikit. Sir Azriel is a vampire and I'm sure that he's the one who resurrected me few years ago. Kanina ay naiisip ko na siya nga iyon dahil lang sa pagkakapareho niya ng detalye sa nilalang na iyon. Pero ngayon, sigurado na ako. They exactly have the same details, and he is a vampire.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan ako nang maramdaman na may nakatitig sa akin. I can still feel the cold floor. Nakaupo pa rin ako doon at nakasubsob sa gilid ng kama. Nang may maalala ay napaangat ako ng tingin. My eyes widen when I saw the pair of his golden eyes, staring at me.

"Sir Azriel.." saad ko matapos umatras.

Seryosong-seryoso lamang siya na nakatingin sa akin. May kung anong nagwala sa aking dibdib. May kiliti sa loob ng aking tiyan dulot ng kaniyang titig.

"Uh.." I awkwardly trailed and stood. Dire-diretso akong tumayo at naglakad patungo sa lababo. Naghilamos ako at nagtootbrush.

Habang nagsisipilyo ay sinulyapan ko siya ngunit agad ko ring binawi. Paano ba naman, prente siyang nakahiga sa kama at nasa ilalim ng kaniyang ulo ang kaniyang braso habang pinapanood ako. He looks so fresh! Nang matapos ay hinalughog ko ang cabinet ko at kumuha ng bagong toothbrush saka ipinakita sa kaniya.

Umupo siya mula sa pagkakahiga. Nakagat ko ang labi nang yumuko siya matapos tumama ang ulo sa ilalim ng kama ni Sandra. Tumayo siya at tumabi sa akin. Tinanggal ko ang toothbrush sa lagayan noon habang pinapanood niya ako. Inabot ko sa kaniya ang toothbrush at toothpaste. Napasinghap ako at naamoy ang kaniyang bango. Mariin akong pumikit at nagmulat saka agad na umalis sa tabi niya.

Tumungo ako sa aking kama at inayos iyon. Sumulyap ako sa kaniya at napanguso nang makita kung gaano kaliit tignan ang kusina dahil sa pigura niya. He glanced at me so I continue what I'm doing. Nalanghap ko ang bango niya sa aking kumot at unan.

The Vampire's KissWhere stories live. Discover now