BA 21:

11 3 8
                                    

LIAM's POV:

MAHIGIT two days ko nang kasama si Sheena dito sa bahay namin, pero pakiramdam ko sobrang nababagot ako.

Hindi naman ako ganito dati.  Ang totoo, kahit saglet ko lamang siyang hindi  nakakausap noon ay namimiss ko na agad siya. Pinipigil-pigilan ko pa nga siyang umuwi sa bahay nila, kasi ayaw ko na mawala siya sa aking paningin.    Pero bakit ngayon? Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang may nagbago sa akin. Hindi pa ako mapalagay. Bakit gusto ko na nga siyang umuwi sa kanila ngayon?

Dahil hindi ko na maipaliwanag 'yong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung guilt feeling lang ba ito dahil sa nangyari sa amin  ng kaibigan niyang si Vera n'ong birthday party. 'Oh God! Am I fallen out of love na ba kay Sheena? What the hell was happening to me?'

I heave a deep sigh. Kanina pa ako nagdalawang-isip kung papaano  ko aaminin kay Sheena ang nangyari noong nakaraan. 'Kaya ko kayang aminin? o ililihim ko nalang ba ito?'

Mababaliw na ata ako sa kakaisip.

Mabigat ang damdamin kong nilingon  si Sheena. Habang mahimbing na mahimbing itong natutulog sa aking tabi.

Parang unti-unti na lang na naglaho 'yong dating nararamdaman ko para sa aking girlfriend. It was all Vera's fault. Kung hindi dahil sa pagkakilala ko sa kan'ya, hindi sana ako nahihirapan ngayon.

I heave again a deep sigh. Tumalikod ako ng higa at dahan-dahan kong kinapa ang aking mobile phone sa ilalim ng aking unan.

Nang tuluyan ko na itong makuha ay nasasabik na binuksan ko kaagad ang chatbox,  at sunod-sunod na nagpop up ang flood message na galing kay Vera para sa akin.

Ang dami niyang ipinasang mga pictures. Some of it ay kuha pa n'ong birthday party niya  at ang iba ay  sa concert ng stardust.

Ang dami niyang chats na hindi ko pa narereplayan simula noong huli kaming magkita.

Nagsimula na akong magtipa ng message, "Psst..." unang sent ko.

Kaagad naman itong nagreply, "Wow! Miss me?" Reply niya sa akin.

I immediately sent her a laugh emoji. Hindi ko kasi alam kung bakit ko siya china-chat ngayon.

I saw her typing again. Nagpop-up ang isang message saying, " I called your Amiel account pero hindi ka sumasagot." Napakuno't noo ako habang paulit-ulit kong binasa ang message nito.

'Amiel account? Wala naman akong account na gan'on.' Kausap ko sa isip isip ko. 'May nagpapanggap  ba na ako?'

I didn't replied her messages instead I  texted her. I told her, na sa AA Cabrera account nalang siya magreply kapag nagtetext ako sa kanya. Just like the way I did before, noong I blocked her on my main account. Atsaka nandito kasi si Sheena sa bahay. Ayokong makampante dahil mahirap na.

After ko masend 'yong message. Binura ko kaagad 'yon. I intentionally do. Never ko pa 'to ginawa dati. Ngayon lang.

Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang chatbox  ko.  Aligaga ko pang sinuot ang aking earpods nang mapagtanto ko na gusto nitong makipagvideo call. 'Makulit talaga ang isang 'to.' Pagkatapos ay kabado pa akong  nag sign language sa kan'ya. Telling her na kasama ko ang bestfriend niya ngayon. Ayokong marinig ni Sheena ang pinagsasabi ko. At mabilis naman niyang  na pick up na bawal akong magsalita.

She told me that she missed me. And, kung kailan ulit kami p'wedeng magkita.

Naghagilap ako ng papel at pen sa mini drawer ko na nakap'westo lang mismo sa tabi ng aking kama. Nang makahanap na ako ay nagsimula na akong sulatan iyon. Pagkatapos inangat ko ito para ipakita kay Vera.

Blind AshesWhere stories live. Discover now