BA 18:

18 4 8
                                    

NATAPOS ang unang laro na panalo ang grupo nila Josmond. Naabutan ng time ang grupo nila Rocky kaya hindi nakompleto ang bubuo ng longest line nila.

"Ang prizes ng mga nanalo ay ito!"

Masayang iwinawagayway ko ang siyam na vip  tickets para sa concert ng stardust!

"Wow!"

"You're the best, ate!"

"Oh my gosh! "

"Thank you so much, Vey!"

Nasisiyahan naman ako sa mga naging reaksyon nila.

"And, may consequences tayo para sa mga talunan. "

Nakangising inilapag ko ang isang pitsel ng galaxy shembot extreme.

"Kailangan maubos ninyo ito bago natin simulan ang susunod na laro."

Planado na ang lahat ng 'to. Nakaayon na ang lahat. Sisiguraduhin ko na walang kawala si Amelia sa akin mamaya. 

"Ano ba 'yan! Wala na bang ibang inumin d'yan?" Angal kaagad ni Moira.

"Ibahin mo naman ang mga kagrupo ko. Panay away 'tong mga ito eh!" Pagrereklamo na saad naman  ni Rocky.

"Choosy mo ha! Ayaw ka rin namin maging kakampi noh!" Irap naman  ni Faye kay Rocky.

"P'wede bang habang inuubos namin 'to, simulan mo nang ibigay ang mechanics ng susunod na game?" Agaw salita naman ni Andrea sa isang tabi. Dahil sa ininom na alak ay naging matabil na ito.

"Sure. Walang exact na pangalan ang susunod na game, dahil naimbento ko lang naman ito."

Mataman lamang silang nakikinig sa'kin habang nagsasalita. Nag-aabang sa susunod kung sasabihin. 

"Meron akong bibit dito na dalawang bote na naglalaman ng mga pangalan ng mga makakapartner ninyo. At, ang magiging venue na pupwestuhan ninyo rito."

"Lalabas ba tayo?" Pabirong tanong ni Arnold.

Nilingon ko si Arnold at binigyan ng isang nakakalokong mga ngiti  habang umiiling. At muli akong  humarap kaagad sa aking mga kaibigan.

Gusto ko pa sanang gawing panghuli ang larong naisip ko, ngunit ayokong mag-aksaya ng oras. Total, tipsy na rin naman ang karamihan sa kanila, kaya this is my chance.

Itinaas ko kaagad ang aking kanang kamay upang patahimikin sila. Agad namang tumalima ang mga ito. At nagsalita ulit.

"Mga lesbian at lalaki lamang ang pwedeng bumunot ng mga pangalan. Ang mga girls naman ang bubunot kung  saang venue  sila magbabonding ng magiging kapartners nila."

Maiksing paliwanag ko sa mga nandito. Iba-ibang reaksyon ang nakikita ko sa kanilang mga mukha. May nakakuno't noo, may nakangisi, may humihikab, at nakasimangot.

Pinagpatuloy ko  na lang ang pagpapaliwanag.

"You don't have to worry about the foods and drinks, dahil nakahanda at ihahanda na rin ang mga ito. "

"What do you mean by that, sis? Hindi pa prepared ang designated venues?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sheena. "I thought it was already prepared." Dismayadong dagdag pa nito. 'Tingnan ko lang kung makapag-inarte na ito mamaya kapag nalaman nito na ako magiging kapartner ni Amelia.'

Hindi ko nalang ito binigyan pa ng pansin.   Bagkus, ipinagpatuloy ko pa ang naudlot na pagpapaliwanag about sa larong gusto ko. 'Anyways, hinanda ko ang larong ito for me and my Amelia, only.'

"Like what I've said, nakahanda na ang ibang pwesto. But some of it ay need pang iprepare dahil dito ang pwesto sa ibaba. Habang magbubunutan ang mga boys at lesbian ng magiging partners nila. Ay ihahanda ng mga nanalo ang pagpwestuhan. At, kailangan munang ubusin ng mga talunan sa unang game ang galaxy na iinumin nila. "

Blind AshesWhere stories live. Discover now