BA 6:

39 8 24
                                    

4 years after..

Mataman kung tinititigan ang repleksyon ko sa harap ng salamin. At naninilay ang magandang ngiti sa aking mga labi. Simple lang ang suot ko na low rise faded jeans, graphic tee, at comfy sneakers.

Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay nakarinig ako ng malakas na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng aking silid. Pero inignora ko lamang ito at maingat na naglagay ng light make-up sa aking mukha.

"Perfect!"

 Nakangiting tumingin ulit ako sa harap ng salamin pagkatapos kung magpahid ng peach liptint sa aking mga labi.

" Ate Vera! Hindi ka pa rin ba tapos?" Base na lamang  sa paraan nang pagkatok nito sa pinto ay naiinis na ito. Tinawanan ko lamang ito.

"Palabas na nga," maiksing sagot ko sa kan'ya. Dinampot ko ang aking satchel bag at sinuot, saka ako  nagpaikot-ikot ulit sa harap ng salamin bago lumabas ng aking silid.

Bumungad sa akin ang nakasimangot na hitsura ng kapatid kong babae na si Vinice. Sasama kasi siya sa'kin ngayon dahil nag-aaya ang bestfriend kung si Sheena, kasama ang iba ko pang mga kabarkada na dumalo sa pride march. Tiyak na naghihintay na rin doon ang mga barkada niya. 

"Naku! Kanina ka pa r'yan! Mababasag na ang salamin kakatitig mo pero wala namang nagbabago sa pagmumukha mo! 'Tsaka masisira rin iyang make up mo kapag nandoon na tayo!" Padabog na bumaba ito ng hagdanan. 

"Hindi ka halatang excited, huh?" Tumabi ako sa kan'ya. Sinabayan KO  ang bawat paghakbang niya sa hagdanan.

"Duh! Kanina pa kaya pabalik balik ng tawag si Ate Sheena! " Nakaismid na sagot nito sa'kin. " Tayo na lang kaya ang hinihintay nila," tumigil muna ito sa pinakadulong baitang ng hagdanan at humarap ito sa'kin.

"May dumi ba ako sa aking mukha?" Balik tanong ko sa kan'ya na ikinairap nito.

"No, " matipid na sagot nito. At nagpatiuna na itong maglakad. Napailing nalang ako sa tinuran nito.

Habang nasa byahe kami ay panay ang reklamo nito sa'kin.

"Kita mo, naabutan na tuloy tayo ng traffic! Hindi pa tayo nakasabay kina Ate Sheena. Sobrang bagal mo kasi!" Inis na turan nito sa'kin. Tinawanan ko na lamang ang naging astahan  nito.

"Bakit ba kailangang magmadali? Besides, pagkarating natin doon ay pipila rin naman ulit tayo. Baka nga magkita-kita pa tayo doon sa pilahan.  " Kalmadong pagpapaliwanag ko sa kan'ya.

Hindi ko na mabilang kong nakailang irap na ito sa'kin. "'yon na nga eh! Pipila pa tayo tapos maghahanapan kayo nina Ate Sheena ng walang katapusan!" Patuloy pa rin ito sa kakatalak. 

Kahit kailan talaga ay napaka-iksi ng pasensya nito. 

"Sus, mahaba pa naman ang araw para hagilapin sila, noh." Kampanteng sagot ko sa kan'ya na mas lalo pang ikinainis nito.

"Naku te, ang dami kayang tao doon!"

"Akong bahala sayo, sis. Wala ka bang tiwala sa Ate mo?" Nakangising nilingon ko ipa to na kumikibot kibot pa ang mga labi.

Nagsuot  na lamang ako ng headset para maiwasan ang nakaririnding pagrereklamo ni Vinice at inaliw ang sarili ko kakascroll sa mobile phone ko.

Nakita ko na nagkanya-kanya na nang post ng mga larawan ang mga  barkada ko sa Instapic nila. Natawa pa ako sa isang post ni Moira. Ang kuha nito ay nasa bandang poolside ng Marikina Sports Complex. May nakahashtag pa sa pangalan ko ang isang arrow pointing sa center ng pool, inserting my name on it. Hashtag Vera Joyce umahon ka na sa kakasisid sa pool. Automatic na laugh reaction agad ang ginawa ko. Well, honestly ay talaga namang nakakatawa ang mga post nila na halatang nagpaparinig sa akin. Hindi ako na-oofend sa mga pasaring nila dahil aminado naman ako sa sarili ko na lagi talaga akong late sa mga galaan namin. Tuwang tuwa pa ako habang nagscroll ng mga larawan at nakipagpalitan ng mga komento sa mga post nila ng biglang malakas at iritadong nagsasalita ang kapatid ko sa tabi ko.

Blind AshesWhere stories live. Discover now