BA 9:

28 9 21
                                    

LIAM's POV:

NAWALA sa isip ko na umuwi  pala ang landlady namin sa probinsya. Dapat pala ay  hindi ako pumayag na i-angkas itong weird na kaibigan ni Sheena, 'di sana ito ang makikitulog dito ngayon kundi si Sheena.

Mukhang hindi kasi talaga safe kasama, itong friend niya. Part of me is telling I can't trust this girl but there is something about  her that I can't ignore --hindi ko lang talaga  alam kung bakit.

Nakita ko ang pagkilatis niya sa tinutuluyan ko. Tila may hinahanap ito na hindi ko malaman. 'Hindi kaya myembro ito ng akyat bahay gang? I-ko-close muna ang bibiktimahin bago nanakawan? H'wag naman sana.' 

 Nang mapagtanto ata nito na wala siyang mahihita dito sa tinitirhan ko ay saka pa ito humarap sa akin.

"Sino ang kasama mo rito?" 

Biglang tanong nito sa'kin. 'Sasabihin ko ba na wala akong kasama o magsinungaling ako?'

Kung makaasta ito sa harapan ko na walang ibang nakatingin ay ibang-iba.

Gusto ko sanang sabihin dito na may kasama ako at uuwi na 'yon mamaya pero imbes na sabihin ko 'yon ay iba ang naging tugon ko sa tanong nito. Tanging pag-iling lang ang naitugon ko sa kan'ya. Pero sadyang napakakulit niya lang talaga," kumusta na pala si Krixie?"

Nagtataka ako sa naging tanong niya ngayon. Kanina binanggit niya si Gigi tapos ngayon pati si Krixie, kilala rin niya. 'Bakit niya alam ang pangalan ng aso ni Jenny? Hindi kaya magkakilala rin sila?' Speaking of Jenny, ilang araw na rin simula ng huli siyang magchat, siguro, napagtanto na niya, na hindi talaga pwede ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa. Oo... Tama nga, naalala ko na... parang, nakikita ko kay Vera si Jenny. Si Verah at Jenny na parehong makukulit at weirdo.

Bumalik ang diwa ko ng bigla itong magsalita ulit.

"Alam mo, kahapon pa sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ang nangyayari sa'yo, Amiel!"

Heto na naman siya, tinatawag na naman niya ako sa palayaw na tanging malalapit lamang sa akin ang tumatawag nun. Kahit nga si Sheena ay hindi pa alam ang palayaw kong iyon pero bakit siya? 'Sino ba talaga siya sa buhay ko?'

Lumapit ito sa akin at tinititigan ako mula ulo hanggang paa. "Ang lakas talaga ng trip mo eh, noh? Hindi na nakakatuwa ang pang-aasar mo sa akin, Amelia! Kasi hello? Malabo naman na pagbawalan ka pa ni JennyLyn na kausapin ako dahil si Sheena naman na ang girlfriend mo!"

"Bakit mo kilala si Jenny?" Nakakapagtataka, pati si Jenny--kilala rin pala niya.

Tumingkayad ito at walang pasabing kinatok ang noo ko. "Huh?" Nanlaki pa nga ang mga mata nito habang titig na titig sa pagmumukha ko. Parang hindi ito makapaniwala habang nakatitig sa akin.

'Problema nito? Masama ba ang pagkatanong ko?' Pinandidilatan ko rin ito ng mata. Akala ba niya natatakot ako sa kanya.

"So don't tell me, hindi ka talaga nag-iinarte lang? Hindi mo ba talaga ako matandaan? Ito ba ang naging epekto nang paghalik ko sayo noon? Ang mabura ako sa mga alaala mo? Ganoon ba 'yon, Amiel?"

Tila nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nakita ko pa ang isang bagay na kumikislap at bumagsak galing sa mga mata niya. Kasabay nang pagtaas niya ng kamay na hindi ko maintindihan kung para saan at kung ano ang ibig sabihin nun.

"P-pasensya ka na. P-pwede bang bukas na tayo mag-usap?" 

Mahinang usal ko habang napahilot sa sentido. Nahabag ako para sa kanya pero wala talaga akong maalala na kahit kaunti about sa kan'ya. Rinig ko pa ang malalim na pagbuntung-hininga niya.

Blind AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon