BA 11:

23 7 24
                                    

LIAM'S POV:

KITANG-KITA ng dalawang mga mata ko ang pag-awang ng mga labi Niya. I, then stopped talking and confusedly stared at her. Ang totoo ay sa mga labi lang niya nakatuon ang mga mata ko. I heaved a deep sigh. There is something on those thick but cute lips that I couldn't explain. 

Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nakadagdag pa sa nakakaliyong nararamdaman ay ang amoy ng pabangong gamit niya. Nanunuot ito sa kasuluksulukan ng ilong ko. Parang napapalibutan ako ng mga preskong bulaklak na kakapitas lamang sa isang hardin.

And I don't know kung tama ba itong naramdaman ko, tila ba kasi may magnet ang babaeng ito.
Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na magkadikit na pala ang mga labi namin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I don't know who started it first. If it's me or her but I don't care. I just  can't deny the fact na nagustuhan ko ito. Err, I mean, it's hard to describe. It seems like we're connected with each other. Para bang familiar lahat sa akin ang pakiramdam. Kung gaano kalambot ang mga labi niya, pati ang paraan nang paghaplos niya at ang tamis ng pagtugon niya sa mga  halik ko na mas ikinatuwa ko pa lalo dahilan para mas pag-igihan ko pa ang nakakadarang na pakikipaghalikan.  

Suddenly, I heared her moan-- parang binuhusan ako ng isang timba ng malamig na tubig, it reality strikes the bits of me and in a snap I stopped kissing her.

Bahagya ko  siyang naitulak papalayo sa akin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang panghihinayang sa mga mata niya. 'Ano ba 'tong pinaggagawa ko? For Pete's sake, bestfriend siya ng girlfriend ko! Oh no! Baka trap lang ang lahat ng ito.'

Napalunok ako kahit alam kung hindi naman ako natutuyuan ng lalamunan.  "I-i'm s-sorry, h-hindi ko s-sinasadya," nauutal kong paghingi nang paumanhin sa kan'ya.

Parang nagkaroon bigla ng bikig ang aking lalamunan lalo na nang makita ko na puno ng pait ang mga mata niya.  "A-ayos lang. P-pasensya na at n-nadala rin ako. " 

Pagkatapos sabihin ay nakayuko na ito at nagmamadali nang pumasok sa kabilang- silid habang hinahabol ko ito ng tingin.

Bahagya kong naipilig ang aking ulo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Samut-saring emosyon ang nagdagsaan sa buong  sistema ko. Simula kasi nang makilala ko siya ay bigla na lang nagulo ang aking isipan. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Pakiramdam ko kasi ay  hindi lang ito ang unang beses na naglapat ang mga labi namin, na para bang ang laki ng naging parte niya sa nakaraan ko, na kahit kay JennyLyn--ay hindi ko pa ito naramdaman.

Sino ka ba sa buhay ko, Vera? May kinalaman ka ba sa pagkawala ng mga ala-ala ko? Ano ba ang meron sayo para mayanig ng ganito ang mundo ko? Ito 'yong pakiramdam na mahirap balewalain hanggat hindi nahahanapan ng kasagutan. Ang dami ng mga katanungan ang sabay-sabay na pumasok sa isipan ko. Siguro, panahon na ba para kausapin ko si JennyLyn?  Baka kasi ay may alam siya sa nakaraan namin ni Vera. At isang desisyon ang nabuo sa isipan ko.


VERA'S POV: 

Nagdagsaan lahat ng emosyon na  nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil naudlot ang sinaluhan naming matamis na halik ni Amelia o matutuwa ba ako dahil sa kakaiwas niya sa akin ay bumigay din siya, o malulungkot dahil kahit maramdaman ko ang pakiramdam na 'yon ay hindi ko pa rin maikakaila ang buong katotohanan na  partner pa rin siya ng bestfriend ko. Sumagad hanggang buto ko ang pait nang reyalisasyong pag-aari na siya ng iba. Hindi lang basta ibang tao, kundi  ng kaibigan ko.

Isang mahinang hikbi ang pilit na kumawala sa  nalilito kong damdamin. Malaya nitong binasag ang katahimikan ng paligid. Kasunod  ay ang pagdaloy ng isang mainit na likido , at nasundan pa nang nasundan, hanggang sa nalunod na ako sa isang malalim na pag-iisip.

Sobrang lungkot ko ng araw na hinatid ako ni Amelia, siguro iyon na ang huli naming pagkikita. Nagtatalo pa ang isipan ko noon kung tuluyan ko na ba talaga  siyang kalimutan o mamahalin ko pa rin siya mula sa malayo. Masakit para sa akin na makita siyang pagmamay-ari  na ng iba, na masaya na siya sa piling ng ibang babae, na may ibang babae na siyang napangakuan ng habang buhay na pagmamahal. Kung hindi sana kami umalis ni mama noon, kung magkasundo lamang ang mga magulang ko-- siguro,  ako pa rin sana ang babaeng magpapasaya sa kanya ngayon, ako pa rin sana ang naging sandalan niya ng mga panahon na kailangan niya ng karamay at ako pa rin sana ang minamahal niya hanggang  ngayon. 

Mahigit dalawang taon ako na parang tangang naniniktik sa social media ni JennyLyn at Amelia. Dalawang taon kung kinikimkim ang inggit at pait na nararamdaman. Hanggang sa dumating sa eksena si Arnold, panandalian niyang pinunan ang lungkot na nararamdaman ko. Pero isa rin siya sa  mga dahilan kung bakit nawasak ulit ang puso ko. Nawasak ang puso ko hindi dahil sa nalaman kung niloloko niya lang ako, na ginamit niya lamang ako, kundi dahil  sa nalaman ko sa kanilang dalawa ni  Sheena!

Tama! Kailangan kong alamin ang dahilan kung bakit hindi ako matandaan ni Amelia ngayon. Kaagad akong nagpunas ng mga luha. Bumangon ako sa higaan at nagpalit ng damit. Bago ako lumabas sa bahay ni Amelia ay nilingon ko muna ang silid nito. Sarado pa rin ito. Siguro ay tulog pa siya hanggang ngayon. Kaya nag-iwan nalang ako ng isang sulat at idinikit ito  sa pintuan ng refrigerator niya, nakatitiyak ako na   mapapansin niya kaagad ito pagkagising niya dahil alam ko na iinom siya ng tubig sa umaga bago maghanda ng pagkain. Kagaya pa rin ng dati, n'ong una ko itong nakilala..

Wala na akong panahon para magpaalam pa rito dahil sinisiguro ko na pagbalik ko ay mababawi ko na siya. At wala ng iba pang makapipigil sa akin.

Bago ako tuluyang lumabas sa gate nila ay tinawagan ko muna si Arnold. Kahit papaano ay naging magkaibigan pa rin naman kami pagkatapos nang nangyari sa amin noon. Alam ko rin na  sa subdibisyong ito sila nakatira. 

Hindi naman ako nito binigo dahil eksaktong pagkalabas ko ay ang paghinto ng isang honda civic na sasakyan. Maasahan talaga si Arnold. Malaki rin ang pasalamat ko dito dahil hindi nito pinaparamdam sa akin na iba ako. Nanantili pa rin ang pagiging magkaibigan namin.

 Isang busina ang nagpabalik sa diwa ko. Nanggaling ito sa sasakyan ni Arnold. At bago ko buksan ang pintuan ng sasakyan nito ay nilingon kong muli ang bahay ni Amelia.

Saktong pagkasara ko ng pinto ng sasakyan ay ang nakakalokong mga  ngiti ni Arnold ang sumalubong sa akin.

"Natauhan ka na ba, Vey?"

Basag nito sa katahimikan, hindi pa rin mapalis ang nakakalokong  ngiti nito sa mga  labi habang pinagmamasdan din  ang bahay ni Amelia.

Nasusuya ako sa paraan ng pagkatitig nito sa akin pero iniisip ko nalang na pareha rin naman kaming makikinabang sa gagawin ko.

"May kailangan lang akong malaman."

Dahan dahan itong tumango. Parang nabasa ata nito ang nilalaman ng isipan ko at nagsimula na nitong paandarin ang sasakyan.

"Saan kita ihahatid?"  Seryosong tanong pa nito habang nakatutok lamang sa daan ang mga mata nito. Mat'yagang naghihintay sa sagot ko sa tanong nito.

Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago ko sinagot ang tanong nito. 

"Sa Princerow, Molino tayo."

"Get ready, Vey! Fasten your seatbelt at pupuntahin na natin ang sagot sa lahat ng tanong na bumabagabag sa isipan mo."

Masiglang wika pa nito na tanging ang pag-iling na lamang ang naging tugon ko rito.

 At naging tahimik na ang susunod na nangyari. Dahil hindi naman palakibo itong si Arnold kapag nagmamaneho ay hinayaan ko nalang din siya. Maswerte pa rin ako kahit papaano dahil nand'yan siya para tulungan ako. Pero nanatili pa rin ang aming pagkakaibigan kahit sa kabila ng panget na nangyari sa aming nakaraan.

Blind AshesWhere stories live. Discover now