BA 25:

12 3 11
                                    

LIAM's POV:

KATATAPOS lang namin mag-usap ni Vera, nang makatanggap ako ng message sa isang unknown number.

'Gusto mo bang malaman ang totoong pagkatao ng iyong girlfriend? '

Napataas ang aking kilay dahil sa nilalaman ng text message na aking  natanggap. People nowadays... Kung ano-ano na lang talaga  ang pinagggagawa sa buhay para makapanloko.

Inilapag ko muna ang aking cellphone sa cabinet table na nakap'westo sa gilid ng aking kama. At dahan-dahang sumandal sa headboard ng aking higaan. Iniisip ko na parang ang boring naman ng buhay ko for the last four years of my life. Not until, nang biglang dumating si Vera. Parang biglang nagkaroon ng excitement ang bawat paggising ko sa umaga. And I have never felt this way before kay Sheena. Sa four years naming magkarelasyon ay hindi ko man lang naramdaman ang ganitong level ng excitement. Tapos,  all of a sudden, I came to a realization na all my life being with her all the time, wasn't great pala. Hindi pala siya okay. Ang gulo. Napakagulo. 

Muling tumunog  ang aking cellphone. Kaagad kong binuksan ito at binasa kung sino ang nagpadala ng  message. Same number ang nagtext. 'Ano ba ang problema nito?' Nagsimula na akong makaramdam ng inis. Naglalaman na naman kasi sa text message ay ang mga salitang inutusan akong puntahan ang isang private resort na pagmamay-ari ng mommy ni Sheena.

Mainit ang dugo ng mommy ni Sheena sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kaya iniiwasan ko ang magpang-abot kami nito. Ewan ko ba, hindi rin ako komportable na makasama ito sa iisang lugar. Mutual lang ang naramdamanan naming pagkauneasy sa isa't-isa.

Natawag na naman ang aking pansin  nang muling  tumunog na naman ang aking cellphone. Iritadong binuksan ko ito at balak ko sanang   i-block ang nanggugulong sender. Ngunit napatigil ako sa nilalaman ng text message nito.

'Saksi ako sa nangyari sa iyo apat na taon na ang nakalipas. At malaki ang naging kinalaman ng girlfriend mo sa nangyaring aksidente sa'yo noon.'

I clenched my teeth, after reading the message.   
Animo'y isang kidlat ang pag-akyat ng dugo ko papunta sa aking ulo.. "Who the hell are you? What do you want from me?" Nanggigil na reply ko rito. Hindi ko alam kung bakit ako ginugulo ng taong ito. Kung bakit niya inuungkat ang nangyari sa akin, apat  na taon na mula ang nakalipas. 

'Hindi na kaya ng aking konsensya. Hindi ko na kaya ang pinapagawa sa akin ng kinikilala mong girlfriend. Gusto ko ng tuluyan na makalaya sa kan'ya at para na rin  ito sa kinabukasan mo, sa magiging kasalukuyan mo..'

Napakuno't noo ko itong iniintindi. Wala talaga akong idea kung sino ang nangpaprank sa akin ng ganito. Hindi ito nakatutuwa pero parang may bahagi sa aking pagkatao na kailangan kung alamin ang mga pinagsasabi nito sa akin ngayon.  Wala naman sigurong masama ang sumubok. Besides, kabisado ko ang resort na tinutukoy nito. Madali lang itong puntahan dahil ilang beses na rin akong nagpabalik-balik rin doon.

Hindi ko muna  nireplyan ang mensaheng ipinadala sa akin. At kaagad akong pumunta sa nasabing lugar.

Habang tinatahak ng aking motor ang eskinita papunta sa resort ng mommy ni Sheena ay napansin ko na tila ba naging isang kagubatan ang daanan papunta sa naturang resort. 

Pagdating ko pa  sa mismong resort  ay nagulat ako sa naging hitsura ng naturang resort. Isang abandonadong resort ang aking nadatnan. Ang eerie sa pakiramdam.  Bago ako pumasok sa entrance, sinigurado ko muna na eksakto ang pangalan na nakapaskil sa itaas nito. Tampisaw Beach Resort, saka pa ako dumiretso  sa pinakatanggapan ng mga bisita. Unti-unti ring bumabalik sa akin  ang mga alaala sa akin dito. 

Wala man lang akong nakikitang kahit ni isang  bantay. Kaya malaya akong pumunta sa sinabi nito sa text na private room. Kabisado ko pa ang mga  pasikot-sikot dito. Dahil sa mismong  resort na ito ako namalagi noong mga panahon na hindi ko pa nakikita si ate Analyn. Dito ako tumira ng mahigit dalawang taon.

Blind AshesWhere stories live. Discover now