BA 13:

13 6 24
                                    

PINIPILIT kung pakalmahin ang sarili ko dahil sa narinig ko mula kay JennyLyn. Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa matinding kaba na aking nararamdaman. Mariin kung ipinikit ang aking mga mata, nagbakasakaling bawiin ni JennyLyn ang sinabi niya, na bigla siyang hahagalpak nang tawa at sabay sisigaw na prank lang ang lahat. Pero hindi eh, malinaw na malinaw pa ang pandinig ko.

Hindi talaga ako makapaniwala sa naging pasabog ni JennyLyn. Parang ayaw tanggapin ng aking utak ang mga sinasabi nito sa akin ngayon. Parang mas masakit pa ito  sa natuklasan ko sa kanila ni JennyLyn   noon

"Wala na akong pakialam kung maniniwala ka man  sa akin o hindi... Pero ang totoo ay apat na taon mahigit kung pinipigilan ang sarili kung h'wag kontakin si Amelia, dahil alam kung masaya na siya sa piling mo. "

Nanatili lang itong tahimik habang pinapakinggan ang mga paliwanag ko.

"Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin ang tanggapin na matagal na pala akong nangangarap ng mag-isa? Hindi gan'on kadali iyon, JennyLyn. . . Sobrang sakit. . . Tagos hanggang likod ang dulot nito sa akin. Mas matindi pa sa sakit ng katawan ang pakiramdam."

Hindi ko na napigilan ang aking nararamdam at nagpakawala na ako ng impit na paghikbi.

"At sigurado ka bang bestfriend ko talaga ang tumulong kay Amelia? " Pagbakasakali ko ulit na tanong kay JennyLyn. Baka nagkamali lang siya, baka ibang babae iyon.

"Sigurado ako na si Sheena Jung ang tinutukoy ko. Naging boyfriend niya pa nga ang kapatid ng girlfriend ni Kuya, si Arnold Torres."

Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa oras. 'Bakit wala akong alam? Bakit inilihim ito ni Sheena sa akin?'

"Nakwento pa nga ni Arnold ang tungkol sa kanila ni Sheena dati, na nagkaroon siya ng feelings sa babaeng kinaiinisan nito."

Magkakasakit ata ako sa puso dahil sa mga isiniwalat ni JennyLyn sa akin ngayon. 'Naiinis sa akin si Sheena? Pero bakit? Ano ang nagawa kong kasalanan sa kan'ya para kainisan niya ako?'

"At alam natin pareho kung sino ang babaeng nagustuhan ni Arnold. 'Diba muntikan ng maging kayo dahil kay Sheena?"

Mapanuring tinititigan ako ni JennyLyn habang nagsasalita.

Bumuga muna ako ng hangin para lumuwag luwag naman ang pakiramdam ko. Pero tila ba may bikig sa aking lalamunan.

"Tama ka, bestfriend ko nga ang Sheena Jung na tinutukoy mo. Pero, ang pakilala niya sa akin kay Amelia ay bagong partner niya."

Napalunok pa ako ng laway bago magsalita ulit.

"Nagulat pa nga ako nang makita ko siya sa pride march nung nakaraang araw. Inis na inis pa ako dahil hindi man lang niya ako pinansin. Akala ko pa nun na pinagbawalan mo siya na kausapin ako, na iniiwasan niya ako ng sadya,  pero  malalaman ko nalang na si Sheena, na bestfriend ko pa ang bago niyang girlfriend."

Napailing ako ng ilang beses dahil sa dami ng pasabog ngayon.

"Apat na taon kung tinitikis ang sarili ko, tapos magugulat nalang ako, isang araw bigla siyang susulpot sa harapan ko na hindi ako kilala. Idagdag pa ang pagkakaroon nila ng intimate na ugnayan ng bestfriend ko. . . Triple kill yun, JennyLyn! Napakasakit nun para saakin."

Katulad ko ay isang naguguluhang tingin ang ipinukol ni JennyLyn sa akin. Parang hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ko sa kan'ya ngayon, pero hindi ko siya masisisi dahil maski ako ay nagulat din. 

"Pero magbestfriend kayo, papaanong ganyan ang nangyari?"

Nahihirapan din ako sa pag-iisip kung bakit ang tindi ng kutob na nararamdaman ko ngayon. Mahirap matukoy ang kabang nararamdaman. Parang kapag hindi ko mailabas ito ay para na akong kandila na  unti-unting ma-uupos sa aking kinatatayuan na sa halip na maghanap ng tulong at manatili lang pipi.

Blind AshesWhere stories live. Discover now