BA 10:

27 10 19
                                    

GRABE ang kabang naramdaman ko ng biglang nawalan ng malay si Amiel. 'Oh~ Amiel. Anong gagawin ko?  Bakit ba naman kasi bigla na lamang itong hinimatay.'

Kanina pa nagtalo sa  aking  isipan kung ano itong nangyayari kay Amiel. Dahil sa pagkakaalam ko ay wala itong sakit.

Ayoko rin naman na tawagan si Sheena dahil wala naman siyang alam na planado ko ang pagtulog ko rito sa apartment ni Amiel. Plinano ko ang lahat ng ito habang nakaangkas ako kay Amiel. Ang dami kasing naglalaro sa isipan ko habang nasa byahe kami ni Amiel, kanina. Kaya nabuo sa isipan ko ang isang planong hindi ko pagsisihan--ang akitin siya. Ngunit, iba ang nangyari, hindi ko pa rin talaga kayang sirain ang pagkakaibigan namin ni Sheena. Gano'n ako ka loyal sa mga kaibigan ko. Kaya lang iba ang kinahihinatnan ng mga plano ko. At ito ako ngayon nangangapa dahil sa biglaang pagkawalan nito ng malay.

'Ano ba ang alam ko sa ganito?' Nagkandaugaga na ako sa kakapaypay kay Amiel. Lakad-takbo na ang ginawa ko habang naghahagilap  ako ng oinment sa loob ng silid niya.

Habang naghahagilap ako ng mga bagay na maaaring gamitin para magising siya ay saka ko naman namataan ang isang cellphone  na nakasuksok sa ilalim ng unan niya. Nagmamadaling dinampot ko ito. Pinindot ko ang open button at tumambad sa akin ang gwapo niyang pagmumukha. Sinubukan kong kalkalin ito at malaki ang pasasalamat ko na hindi ito naka-lock. Mabilis kung tiningnan ang contact number niya at nakita ko ang pangalang Geraldine.

Kaya nawalan ako ng pagpipilian kundi ang kontakin si Gigi. Mabilis kung kinopya ang numero nito. Sigurado naman ako na iisang Geraldine lamang ang nakalagay na  number sa cellphone ni Amelia at ang half sister kong si Gigi ay iisa.

Kasalukuyan kung tinatawagan na ito, "please, answer the phone. I know malabo na may sasagot ngunit ,emergency ito.' anas ko habang hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Kanina pa ako nagpabalik-balik nang lakad pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkamalay. 'Ano ba, Amiel, gumising ka na! Ano ba kasi ang nangyayari sayo at bakit ka biglang hinimatay!'

Nakailang ulit na ako nang tawag kay Gigi, hanggang sa wakas, isang humihikab pa na boses ang narinig ko sa kabilang linya.

"H-hello?"

Parang sumikdo ang puso ko at biglang nabuhay ang aking sistema.  Alam ko na nadistorbo ko ang tulog niya ngayon, pero dahil wala akong ibang mahingan nang tulong kaya siya na lang ang tinawagan ko.

Subalit, hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Pagkarinig ko kasi sa boses ni Gigi ay biglang bumalik sa akin ang pakiramdam, apat na taon na ang nakalilipas.  ' Basta na lang nawala  sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nagkalkal sa mga gamit ni Amelia. Isa na lang ang gusto kong gawin ngayon--ang alamin ang buong katotohanan sa kakatwang kinikilos ni Amelia.

Gusto kung malaman ang nangyari kay Amelia pagkatapos ng huling gabi ng aming pagkikita. Nangako pa naman ako sa sarili ko noon  na puputulin ko na ang lahat ng konektado sa aming dalawa para mas mapapalaya ko na siya ng tuluyan. Kahit sobrang sakit para sa akin noon na tanggapin ang aking pagkatalo. Ngunit, may kung ano sa damdamin ko ang nagtulak na kalimutan na lang ang mga  naging plano ko noon, total, nasabi ko lang din naman iyon dahil sila pa ni JennyLyn, pero ngayon-- si Sheena na kaibigan ko pa ang bago niyang minamahal, at  hindi ko ito matanggap-tanggap. 'Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Parang may mali talaga.

"Hello? Sino po sila?" Narinig ko ulit ang inaantok na boses ni Gigi.

"Pasensya na sis at nadistorbo ko ang tulog mo, " agad kung paghingi nang paumanhin sa kan'ya. Hindi ko na inisip na baka magtaka ito kung kanino ko nahingi ang number niya.

Blind AshesWhere stories live. Discover now