BA 12:

20 7 29
                                    

SINALUBONG agad ako ni Gigi matapos naming mag-usap sa mobile phone. Pagkarating namin  ay bumungad sa akin ang  tahimik ng buong kabahayan. Napasulyap agad ako sa de-pulsong relo ko, mag-alas 9 pa pala ng umaga. Sobrang liwanag na kasi sa labas, akala ko tuloy ay magtatanghali na.

"Mag-almusal muna tayo ng kape at pandesal sis, habang  nasa palengke pa si ate Analyn." Anyaya ni Gigi sa akin na agad ko namang pinaunlakan.

"Kumusta kayo rito, sis?" Basag ko sa panandaliang katahimikan.

"Mabuti naman, sis. Ikaw, kumusta ka na?"

Pino ko siyang nginitian bago sagutin ang tanong niya, " okay lang ako, mabuti naman kahit papaano."

"Ang tagal mong bumalik dito. Sinubukan kitang hanapin sa social media pero hindi ko mahanap ang pangalan mo. Kinukulit kasi ako ni mommy na kamustahin ka kaso hindi kita mahanap."

Napailing ako sa sinabi ni Gigi. Sinadya ko pa naman na hindi ipaalam sa kanila sa dahilang gusto kung putulin lahat ng koneksyon namin ni Amelia dati. Kahit na kapatid ko pa si Gigi sa ama ay hindi rin siya exempted. Sa katunayan ay ayaw rin ni mama na makipag-usap ako sa kanila. Pero siguro panahon na para tanggalin ko ang harang sa pagitan namin na ginawa ko.

"Sorry, sis. Alam mo naman si mama sobrang exxagerated. Ayokong madamay pa kayo sa galit niya kay papa. "

Tumango-tango ito habang matamang nakikinig sa sasabihin ko. "Kaya pala, pero p'wede ko na ba malaman ang  social account mo, sis?"

"Oo naman. "

Binigay ko agad sa kanya ang private account ko.

"Ah, kaya pala hindi kita mahanap kasi ibang pangalan ang nakalagay. Kim pala apelyido ng stepdad mo? 'tsaka, bakit Vey ang ginamit mo?" Patuloy pa ring  daldal sa akin ni Gigi kahit na paakyat na kami papunta sa silid niya.

" Half-korean kasi si daddy at Vey ang palayaw ko sa bahay. Kaya Kim Vey Gallego, kasi gusto ko parehas na nagagamit ko ang surname ni papa at daddy."

"Akin na ang cellphone mo at ako na ang mag-add ng mga nandito. " Mabilis niyang inilahad ang palad niya sa harapan ko habang nakangiti. Dinukot ko ang mobile phone ko sa bag, binuksan ko ito para mas mabilis niyang magawa ang nais niyang gawin bago ko ito inabot sa kanya.

Hinayaan ko muna siya sa ginagawa niya habang mataman kong pinagmasdan ang garden ni papa mula sa kwarto ni Gigi. Malaki na ang naging improvement ng paligid. Mas gumanda pa lalo ang groto na napapalibutan ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Sa gitnang bahagi nito ay isang sementadong bridge at may fishpond sa ilalim. Sa kabilang bahagi naman ay isang gazebo na napapalibutan din ng iba't-ibang klase ng halaman.

Naputol ang pagmamasid ko sa paligid nang matawag ang pansin ko sa tunog ng bakal ng gate. Nakita kong iniluwa nito si ate Analyn na may maraming bitbit at may kasama ito--si JennyLyn. 'Teka? Anong ginagawa ni JennyLyn dito?' Agad kung nilingon si Gigi na abala na sa pagliligpit ng silid niya.

"Gi, nand'yan na si ate Analyn..." Agaw pansin kung wika kay Gigi. Nag-angat ito ng mukha at ngumiti at nag-aya ng bumaba kami.

"Sinabi mo ba kay JennyLyn na nandito ako?" Napakuno't noo niya akong tinititigan. Halatang wala rin itong idea kung bakit nandito si JennyLyn.

Pero agad namang napawi ang pagkabigla nito at napalitan ng malapad na mga ngiti sa labi, " talaga? Nakabalik na pala siya. "

"Bakit saan ba siya galing?" Inosenteng tanong ko. Parang may iba kasi akong naramdaman kung bakit nandito rin si JennyLyn.

"Simula kasi nung magka-amnesia si Liam ay kasama siya sa hindi  nito matandaan. Kaya nagpasya itong umuwi muna sa Tarlac. Labis na nasaktan siguro kaya gustong mag-unwind."

Blind AshesWhere stories live. Discover now