BA 4:

33 8 29
                                    


"Ayos ka lang ba, Joyce?" Untag sa akin ni Gigi.

"O-okay lang ako," medyo nauutal kong wika sa kaniya.

Hindi ko alam kung ilang minuto  na akong nakatulala. Talagang hindi ako makapaniwala. Nang mapagawi ang mga mata ko kay Liam ay parang wala lang  ito sa kanya ang nangyari. Deserve ko ang paliwanag niya pero wala man lang siyang ginawa, ni hindi man lang siya humingi nangg paumanhin sa akin. 'Na like, hello? Bestfriend here.  Kaso wala. Kailangan ko pa ba na manghula? '   Karapatan ko iyon bilang kababata niya. 

Kailangan ko siyang makausap ng sarilinan, because I really deserve an explanation from her. Kung hindi nabanggit nitong isa, hindi ko pa malalaman. 

"Nasabi na ba sayo ni Liam na ikaw ang ultimate crush niya?" Nakangiting humarap si JennyLyn sa akin.

'Wait, What? Tama ba ang narinig ko? '

"Ha?" Gulat na tumingin ako sa kan'ya. 'Sandali lang naman. Ang dami namang pasabog nito. Hindi ako prepared.'

"Seryoso ka ba na ako? Crush ni Liam?" 

Muli kong tanong sa kan'ya.  Labas pa sa ilong na wika ko. Kanina pa ako hindi komportable rito pero nahihiya rin naman akong umalis baka masamain pa ni JennyLyn.

"Ay!" Natutop ni JennyLyn ang bibig niya. Habang napakamot naman ng ulo si Liam. Tawang tawa naman si Gigi habang pinapakinggan ang mga kwento ni JennyLyn.

Hindi ko maiwasang ikompara ang sarili ko sa kan'ya. Masyadong finesse ito kung kumilos samantalang ako ay magaslaw. Dito lang naman ako walang imik dahil wala ako sa teritoryo ko. Maputla ang pagkaputi nito kompara sa akin na morena. Tuwid na tuwid ang maitim na buhok nito habang sa akin naman ay kulay chestnut naman ang kulot kong buhok. Sobrang layo ng personal na katangian namin.

"Sorry babe!" Yakap agad nito kay Liam. Bigla akong nakaramdam ng pagkairita. 'PDA naman ng mga 'to!'

"Hayaan mo na. Matagal na rin naman 'yon, eh. " Pangisi- ngising katwiran ni Liam.

Nababagot ako sa sitwasyon ko ngayon. Nakikita ko kasi  kay JennyLyn ang bestfriend ko na si Sheena. Parehong nakakarindi ang paraan nang pagkukwento nila tungkol sa lovelife. Pero mukhang mas malaki ang lamang ng bestfriend ko kay JennyLyn. Well, dahil bestfriend ko iyon. Ngayon ko lang naman nameet itong si JennyLyn.

"Talaga bang ayos ka lang, Joyce?" Puna ulit sa'kin ni Gigi. Mukha nababasa ata nito na hindi ako komportable sa dalawa.

"Oo naman!" Masiglang tugon ko pa rito pero ang totoo ay kung saan saan na lumilipad ang isipan ko.

Tumango tango naman ito bilang pagsang-ayon.. Hindi na ako nito kinulit pa.  Ang iisipin ko ay kung papaano ako makaalis sa harapan ng dalawang 'to. Pakiramdam ko ngayon ay ang sikip sikip ng paligid. 

"Punta lang ako saglit sa banyo, ah."

 Sa wakas ay nakahanap  na ako ng dahilan para makahinga sa dalawang babaeng 'to.

"Pakisundo na rin si Liam, sis!" Pakiusap ni JennyLyn sa akin. Ngayon ko lang din napansin na wala na pala ito. 'May sa maligno ata itong si Amelia ko. Basta -basta nalang naglalaho.'

"Sure," matipid kong sagot.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa ay nakahinga rin ako. Ewan ko ba pero ang awkward kasi ng pakiramdam ko kanina. Feeling close pa masyado itong  si JennyLyn sa akin. Kung tutuusin ay ngayon ko lang naman siya nakilala. At hindi ko feel ang awra niya. Parang peke ang pinapakita niya sa'min. Kaya rin siguro lalo akong hindi mapakali. 

Eksaktong papasok na sana ako ng palikuran ay may nakabangga akong tao. Sa lakas ng impact animo'y matatanggal na ata ang balikat ko.

"Aray ko!"

Blind AshesOnde histórias criam vida. Descubra agora