Chapter Two - (You Caught Me)

Start from the beginning
                                    

"Hoy, ikaw ang may kasalanan non." Sabi ni Ryan na dinuduro pa nito sa hintuturo si Jerry.

"Anong ako? Eh kasalanan ko ba na mas magandang lalaki ako sayo?"

Iniling ko na lamang ang ulo ko dahil sa irita. Pano kami makahanap ng hayop nito kung ang ingay-ingay nila. Kanina pa sila ganyan dahil lang sa isang babae hayys.

"Hoi, alam kong ako ang gusto ni Kerlyn. Pwede ba tigilan mo na kami." - ryan.

"Wala akong pakialam sa inyo noh, siya naman ang lumalapit sa akin."- Jerry.

"Pwede ba manahimik muna kayo kahit sandali lang?" tumigil din naman agad ang mga ito at hindi na nagsalita.

May nakita akong tumatakbong baboy ramo kaya hinabol ko ito.

"Mahal na prinsepe saan kayo pupunta?" Rinig kong sigaw ni Jerry.

Kumuha ako ng palaso at hinanda ito para ipatama dito. Mabilis itong tumakbo kaya nahirapan akong itutok ng tama ang palaso. Malapit ko na itong madadakip kaya kinuha ko ang kutsilyo ko at tumalon ako ng malakas dito ng biglang may tumama sa binti ko na nagpabagsak sa akin sa lupa.

"Ahhhh!" Napasigaw ako dahil sa sakit

"Mahal na prinsepe!" Nakita kong napatakbo sa akin ang dalawa kong mga tagapagbantay.

"Anong nangyari mahal na prinsepe?" Sabi ni Jerry na bigla naman itong binatukan ni Ryan.

"Aray! Ba't kaba nambabatok ha?"

"Eh, ang bobo mo kasi eh, nagtatanong kapa kung napano ang prinsepe eh kita mo naman na natamaan siya ng palaso."

"Naku mapapatay tayo sa mahal na reyna nito pag nalaman niyang nasaktan ang prinsepe."

"Sino kayo?" Napatingin kami lahat ng may dalawang babae ang bigla nalang dumating sa harapan namin.

"Naku prinsesa elenian ang natamaan mo ng iyong palaso at hindi ang baboy ramo." Tinignan ko ang itinutukoy nito na prinsesa at masasabi kong napakaganda nito.

"Teka-teka, sino ba kayo at bakit niyo kami pinapana."

"Hoi, Ryan ang mahal na prinsepe lang ang pinana di tayo kasali."

"Ay oo nga pala. Kayo gusto niyo bang maparusahan dahil sa ginawa nyo sa prinsepe ng Erosia?"

"Teka, Prinsepe? Erosia?" Napatingin naman ito sa akin at tinignan ang sugat ko.

"Naku prinsesa umabot pala tayo sa Kaharian ng Erosia at napana mo ang Prinsepe naku naku patay tayo diyan. Talagang mapapatay talaga ako ng inyong ama."

"Ayos lang ako, huwag kayong mag alala." Sabi ko habang nakatingin parin sa kanya. Napatingin din ito sa akin at napalagok. Iniba nito ang tingin at lumuhod para tignan ang sugat ko.

(Alexis PoV)

Nakaharap kaming dalawa ni Blue ngayon sa apoy. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako inaantok at marami ng pumapasok sa isip ko na mga kababalaghan.

"Blue?" Napalingon ito sa akin at napalukot ng kunti ang noo nito.

"Pwede mo bang ikwento sa akin ang tungkol sa mg magulang ko? Oh kung anong klasing lugar ang pupuntahan natin." Tumango lamang ito at huminga ng malalim.

"May apat na kaharian ang elenos isa na doon ang pinanggalingan mo rouel." Hindi parin ako makapaniwala na hindi Alexis ang pangalan ko kundi Rouel. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na tawaging Rouel.

"Una ay ang Erosia, pinamumunuan ito ni Haring Jomar Herdz at Reyna Jean Herdz. Ang mga Erosian ang may taglay sa kapangyarihan ng elemento ng kalikasan. Sa lahat ng kaharian ang Erosia ang may matitibay na mga kasangkapang pandigma at may pinakatibay na mga barrier sa buong kaharian nila. Pangalawa ay ang kaharian ng Bretonia. Kung saan ay dumadaloy ang tubig sa systema nila. Ibig sabihin non ay sila ang may control sa elemento ng tubig. Pinamumunuan ito ni Haring Steve Liberia at Bernadeth Liberia. Ang mga bretonian ay kilala sa mga pangagamot gamit ang kapangyarihan nila. Pangatlo ay ang kaharian ng Dreroa, kung saan nananatili at naninirahan ang mga dragon."

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now