Prologue

1.6M 23.4K 3.5K
                                    

 "SHIT." Mahinang napamura si Shakira--o mas kilala sa pangalang Kira. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad pauwi sa bahay nila mula sa eskuwelahan nang maalala niya ang journal niya sa English.

 Kakailanganin niya iyon mamaya para sa assignment nila sa naturang subject.

 Wala siyang ibang choice kundi bumalik sa pinapasukan niya. Oh, great. Hingal na hingal na siya sa paglalakad, 'tapos kailangan pa niyang bumalik sa school para sa journal niya. Ayaw naman niyang gumastos para sa pamasahe. Sa dami ng projects at requirement sa pag-aaral niya, kailangan niyang mag-doble tipid sa pera niya. Nahihiya naman siyang humingi ng pera sa magulang niya. Hindi naman sila mayaman.

 Isang housemaid ang mama niya at construction worker naman ang papa niya. Hanggang kaya ni Kira, nagtitipid siya para hindi maya't maya siyang humihingi ng pambili ng mga kailangan niya sa school.

 Doble kayod na nga ang ginagawa ng magulang niya para mapagtapos siya ng pag-aaral. Lalo pa ngayon na malapit na ang graduation nila.

 Napabuntong-hininga si Kira.

 Alam niya ang hirap ng mga magulang niya para mapagtapos siya. Kaya nga nagsisikap siyang mag-aral ng mabuti at mabigyan ng matataas na grades ang magulang niya. Iyon lang ang alam niyang dahilan para maramdaman ng mga ito na nagsisikap din siya para sa pamilya nila, at para na din sa kinabukasan niya.

 Kapag nagtapos siya na may honor, siguradong may makukuha siyang scholarship. At bawas gastos din 'yon kapag tumuntong siya sa kolehiyo. Malaking tulong na din 'yon para sa magulang niya. Siguradong magiging mas proud pa ang mga ito sa kanya.

 Napangiti siya. Inspired na binilisan niya ang lakad pabalik sa eskuwelahan. Pagdating niya sa gate ng school ay nagtatakang tumingin sa kanya ang guard.

 "O, 'neng, bakit bumalik ka pa?"

Pagod na nginitian ni Kira ang sekyu. "Nakalimutan ko po kasi ang english journal ko sa classroom. Kailangan ko lang po na makuha iyon ngayon."

 "Sige, bukas pa naman siguro ang classroom n'yo. May meeting pa din naman ang mga teacher."

Tumango siya, pagkatapos ay mabilis na tumakbo patungo sa classroom nila. Nasa third floor pa iyon. Kahit hingal na hingal na siya sa kakatakbo at tumutulo na ang pawis sa noo niya, pinilit niyang makarating doon. Napansin niyang wala ng katao-tao ng makarating siya sa third floor. Walang maririnig na ingay kahit ano. Puwede ng setting ng isang korean horror movie. Hindi naman siya matatakutin kaya wala lang sa kanya kahit pa mag-isa na lang siya doon.

 Ngunit gayon na lamang ang pagkakalaglag ng panga niya ng pagdating niya sa classroom ay naabutan niya ang isang malaswang eksena sa pagitan ng kaklase niyang si Millen at sa nobyo nitong varsity player na si Callante. Naghahalikan ang dalawa habang nagtataas-baba si Millen sa kandungan ng nobyo.

 "Uhhh... Hon, sige pa. Sige pa, oohhh.."

 Napasinghap si Kira. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Oo, wala pa siyang alam sa kamunduhan. Pero hindi naman siya mangmang para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng dalawa.

 Natagpuan na lang niya ang sarili na umuurong. Nanginginig ang daliri niya at nanlalambot ang tuhod niya sa nakikita. Masidhi ang pagpipigil niya na tumili. Alam ni Kira na sa oras na gawin niya iyon ay makukuha niya ang atensyon ng dalawa. At ayaw niyang mangyari 'yon. Siya ang nahihiya. Baka akusahan pa siya na mamboboso sa mga ito!

 Mas pinili na lang niya ang lumabas ng tahimik. Paglabas ni Kira, mabilis na kumaripas siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa kanilang bahay. Nakalimutan na niya ang tungkol sa naiwanan na English journal. Hanggang sa pagtulog ay hindi maalis sa isip niya ang nakita. Parang isang eksena sa pelikula na nag-play iyon ng paulit-ulit sa isipan niya. Hindi pa tuloy siya makatulog.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon