Chapter 77

69 3 2
                                    

Campus Sexy Love
Written by ChengChengAllOverYou

****

"So you stay here alone?" ani ni Ceyx nang makarating kami sa bahay.Nakatayo sya at nakapamulsa at pinagmamasdan ang mga litrato namin ni Papa sa sala.

"Yup since birth dito na kami nag stay ni Papa" sabi ko at pinagmasdan sya. Matipid syang ngumiti sa isang picture frame at hinawakan ito.

"Cute" humalakhak sya sa litrato ko noong bata ako na may hawak na hotdog with marshmallow at nakasuot ng white na shirt na nagmistulang dress na. Bigla akong nahiya.

"Kumain ka na ba?" naalala ko na pumunta pala sya dito nang walang pahinga galing sa kanyang flight.

"Tsk wala ako masyadong stock ng pagkain dito sa bahay." nahihiya kong sabi. Lumingon sya at ngumiti.

"No problem lets go to the restaurant instead" sabi nya. Tamo to napakagastusero. Alam ko naman na mayaman sya pero di ba nya namimiss yung lutong bahay? Hays sabagay di naman kasi ako ready na may bisita ako siguro sa susunod kelangan ko na mag imbak ng mga pagkain sa bahay na maaring lutuin.

"Pasensya na di kasi ako nakapamili ng maayos" sabi ko.

"dont worry ako naman tong biglang sumulpot dito " humalakhak sya.

"...and i really like to go out with you" dagdag nya ngunit di ko inintindi.

"hmm i just change my clothes okay lang ba maghintay ka?" nakagat ko ang labi ko kasi naiilang ako kay Ceyx. Kung ikukumpara ako sa kanya baka pagkamalan akong pulubi. He is wearing an expensive clothes with his expensive look. Loue Vuitton pa ang tatak ng mga iyon.

"Take your time" ngumiti sya at umupo sa sofa.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin nang makapasok sa kwarto. Tama ba na tinanggap ko si Ceyx dito? Nangako ako sa sarili ko na puputulin ko na ang lahat ng koneksyon sa kung sinong Outer. Pero hindi ba't ansama ko naman kung di ko sya papansinin gayong nag effort pa sya na sundan ako sa Pilipinas? Hays.

"Thank you" sabi ko nang pinagbuksan ako ni Ceyx ng pinto ng kanyang kotse. Bumalandra sa ilong ko ang scent ng kotse nya.  Lahat ata ng miyembro ng Outer ay mabango.

"Saan mo gusto?" tanong nya habang nakatingin sakin. Nakahawa sya sa manibela at bahagyang natuon ang atensyon ko sa kamay na malaki. Kamay na parang walang kalyo dahil di sanay sa mabigat na trabaho. Napalunok ako.

"Ah kahit saan" nataranta kong sagot sa kanya.

Ngumisi si Ceyx at umiling
" Nalyn im not familiar with the restaurant but i can drive" natatawa nyang sabi.. ay bobo ko! Oo nga pala. Napatingin ako sa application sa tablet na nasa kotse nya.Gumagamit sya ng waze.

Napangiti ako. Nagkaroon ako ng idea kung saan kami kakain.

"Sa Jollibee tayo" excited kong sabi at ngumiti sa kanya.Kumunot ang noo nya at bahagyang nangiti dahil nakita nyang naexcite ako. Shems medyo matagal nako di nakakain ng chickenjoy!

"Ok as you wish" natatawang sabi nya at may tinaype sya sa tablet nya saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Naexcite ako nang makita ang logo ng fastfood restaurant. Magpapark na kami.

"HAHAHA stop it Nalyn you look like an excited kid" sabi nua at pinatay ang makina. "Wait here" sabi nya. Pinagbukas nya ko ng pinto ng kotse. Gentleman!

"I guess you really like it here, you look excited " sabi nya at tumango ako. Inabot nya ang kamay nya sa akin at pinatitigan ko yun. "Shall we?" sabi nya at nakangiti sya sakin. Nangiti ako at tinanggap ang kamay nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon