Chapter 54

79 8 1
                                    

Campus Sexy Love
Written by ChengChengAllOverYou

***
Chapter 54

"Okay class,Goodluck sa performance nyo mamaya ah!" Pagbati ng aming adviser.

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante.Ito na yung Performance day na kung saan halos bawat section ay may representative.Maraming magpeperform as solo,duo at group kaya naman excited na excited ang lahat.May unang batch na magpeperform at halos lahat sa kanila ay nakabihis at nakapag-ayos na ng kani-kanilang sarili.Excited na akong mapanuod si Cybelle na kaduet si Carson ahaha..Akalain mo nga naman nagkaparner pala sila sa pagkanta.Bagay na bagay sila parehas magaling kumanta.

"Okay ilang minutes nalang at magsisimula na ang program kaya be ready sa lahat ng performer,Tuloy tuloy na to guys" sabi ng stage manager namin sa backstage,Pagkasabi palang nya nun at inatake na ako ng kaba.

Asan na ba kasi sya?

Bakit wala pa sya?

Nasaan ka na Nathan?

Chill Nalyn! Baka natraffic lang yon o baka sinadya nya lang ma-late dahil pinakahuli pa naman kami magpeperform!

Oo tama! Baka nga ganun lang!

Kaya kinalma ko muna ang aking sarili at pumwesto sa gilid at umupo.Naririnig ko na ang sigawan ng mga tao sa court.Lalo tuloy akong kinabahan.Panigurado na lahat ng estudyante ay manunuod idagdag mo pa ang sister school nitong school namin.Invited ang taga ibnng school kaya dumoble ang dami ng tao.Aakalain talaga na isang concert ito.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.Normal naman ang kabahan diba? Haaay sana dumating na si Nathan.Kinakabahan kasi ako sa sagot nya kahapon sakin eh....

Flashback

"Sexylove ko..." napatingin sya sakin nang magsalita ako.

"Alam mo ba nanaginip ako.." putol ko

"Tapos?" Tanong nito.

Bumaling ang tingin ko sa empty cup ng ice cream na naubos ko.

"Nagsosorry ka daw sakin kasi hindi mo daw ako sisiputin bukas sa performance natin." Malungkot ang tono ng aking boses ng sabihin iyon.Hindi ko maiwasan eh!

Napatingin sya.Umiling sya at walang kibo.

Tumingin ako sa mga mata ni Nathan at pinilit na ngumiti,Hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa table.Ayokong umiyak dahil sa takot na baka magkatotoo ang panaginip ko.

"Hindi mo naman ako pababayaan diba sexylove?.."

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon