Chapter 74

77 4 2
                                    

Campus Sexy Love
Written by
ChengChengAllOverYou

****

"Nathan sasama ka sa party?" tanong ni Carson kay Nathan na nasa gilid ko.

Napatingin naman sya kay Nathan.

"Yup.I'm with Nalyn" sabi nya kaya napatingin sakin si Carson at ngumiti ito.

Pumasok kami sa isang fastfood chain kasama ang Outer.Pansin ko na wala si Herald at Ceyx.Nasaan kaya sila? Nevermind na nga muna.

Umupo kami sa parte ng bandang glass window ng fastfood na iyon.

"Nathan saan tayo pupunta mamaya? Bakit kasama ako?"tanong ko.Napangiti si Nathan.

"Engagement party ni Herald mamaya" nagulat ako sa sinabi nya.

"Ikakasal na sila" masaya kong sabi.

"Oo matagal na nilang balak ni Herald na magpakasal ng girlfriend nya.Inaantay lang talaga nila ang consent ng both parents nila" sabi ni Nathan.

Ang saya naman ikakasal na sila.

Siguro sobrang saya ni Herald ngayon.Nameet ko na once ang girlfriend nya at talagang bagay na bagay sila nito.Antagal ng relasyon nila at mahahantong iyon sa kasalan.

Napatingin ako kay Nathan na busy sa kakatingin sa mga taong pumapasok sa restaurant.Habang ang ibang Outer naman ay panay ang asaran sa lamesa lalo na sila Cloud at Carson.

"Nasaan si Ceyx bakit wala sya?" hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na iyon.Kanina ko pa gusto itanong kung nasaan si Ceyx pero wala akong lakas ng loob.

Napatingin si Nathan sakin.

"Kasama sya ni Herald na nag aayos ng event na mangyayari mamaya" sabi ni Nathan.Napatango na lamang ako.

"Bakit mo sya hinahanap?" tanong nya.

Umiling ako. "Wala gusto ko kasi makausap at may itatanong ako sa kanya"sabi ko nalang.

Pero may parte sakin na gusto malaman kung hindi na ba sya galit sakin..Hindi kasi ako mapalagay sa pakiramdam ko na parang iniiwasan ako ni Kate.Ang sakit sa pakiramdam na nawala yung dati namin na pagkakaibigan.

"Sigurado ako nagpapapogi na si Herald ng todo para sa engagement party nya mamaya" biglang sabi ni Xenon.Nagtawanan naman sila Carson.

"Akalain nyo kung sino pa ang pinakatorpe sa ating lahat sya pa yung unang matatali" lalo silang nagtawanan sa komento ni Darius.

"Wala eh pag pag ibig mahirap kalaban" sabi ni Thunder.

"Oh says the love guru" bored na sabi ni Leon.

"Eh ikaw Nathan kailan ka balak magpakasal?" tanong bigla ni Carson.Di naman ako nakatingin sa kanila.

"Soon" natatawang sabi ni Nathan.Hindi ko alam pero parang masakit sa pakiramdam ang sinabi nya.

Alam ko naman na bata pa kami pero aish nevermind.

"Sus kung ako sayo Nathan papakasalan ko agad yan si Nalyn para wala ng kawala" sabi ni Carson kaya nagtawanan silang mga Outer.

"Di pa ito ang tamang panahon" sabi ni Nathan.Ewan pero nasasaktan talaga ako sa mga sagot nya.Pakiramdam ko kasi ayaw nya akong pakasalan o baka talagang wala syang balak pakasalan ako.Pinangarap ko ang lalaki na katabi ko.Na makasama sya sa harap ng Altar pero bakit parang sya hindi nya pangarap na mapakasalan ako.Alam ko napakahipokrita ko para gawing  big deal ang mga sinasabi nya pero nasasaktan ako at alam kong hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kanya.

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon