Chapter 64

46 4 0
                                    

Campus Sexy Love
Written By ChengChengAllOverYou

*hi guys may pasok na si Author,Pero syempre mag uupdate padin ako kasi malakas ang wifi sa school namin lels.Wala lang sinabi ko lang HAHA

****

The Clash

Isang uri ng paligsahan na kung saan tanging mga miyembro lamang ng Outer Department ang maaring makalahok.Ito ay may kasunduan at larong nasa katwiran.Paligsahan upang makuha ang nag iisang galaxy princess na pinag aagawan.Ang Leader lamang ng Department ang may karapatan magpataw ng parusa kung may lalabag sa policy ng anumang laro na ipapagawa dito.

Usap-usapan

Iyan ang salita na makakapagdescribe ng magaganap na The clash sa Campus na iyon.
Sa kabilang banda,Hindi sang-ayon si Nalyn sa nagawang desisyon ni Ceyx at Nathan.

Napaiyak nalang ito nang kausapin ni Herald dahil sa mga susunod na mangyayari.

"Bes wag ka na umiyak please?"pag aalo ni Cybelle sa kaibigan.

"Naiinis kasi ako eh! Pakiramdam ko isa akong pusta..Pagpupustahan nila ako"lumuluha na sabi ng dalaga.

Napakasakit nga naman talaga nito.Bukod sa hindi sya mahal ni Nathan at pinaglalaruan lamang sya nito,Ni hindi nya inexpect na pati si Ceyx ay papayag sa paligsahan na sinasabi ni Herald.

"Hindi naman kailangan humantong dito eh!" Naiinis na sabi ni Nalyn sa sarili.

Ayaw nya ng gulo..Kahit kailan hindi nya ginusto na magtalo o maglaban nang dahil sa kanya sina Ceyx at Nathan.Parehong mahalaga sa kanya ang mga binata kaya't labis ang kaba na nararamdaman nya sa anumang mangyayari.

"Hindi ko rin maintindihan si Nathan,Malinaw na sakin na pinaglalaruan nya ako pero bakit ganito? Ano pa ba ang gusto nya?" Dumausdos ang luha ng dalaga nang maalala ang kanyang narinig sa library ng araw na iyon.

"Ayaw ko rin masaktan si Ceyx"nag aaalala na sabi ni Nalyn.

Mahalaga,Iyan si Ceyx kay Nalyn kaya ayaw nya na sya ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan ng dalawa.Maayos at payapa ang lahat nang wala sya.Ngayon lang ito nangyari..

Awtomatiko na walang pasok ang buong Campus na iyon ng isang linggo,Madali naman pumayag ang mga admin ng school dahil may utang na loob sila sa bawat pamilya ng Outer Department.OA man pero ganuon makapangyarihan ang mga ito.

"Wala naman na tayo magagawa bes,Sila na ang nagdesisyon para sayo"mahina na sabi ni Cybelle.Napapikit si Nalyn.

Iyon na nga eh! Ni hindi man lang naitanong sa kanya kung papayag sya.Pakiramdam nya may kung sino na ang may kontrol sa pagpili nya sa dalawa.

[NALYN POV]

Hindi ko alam,Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ideya ni Herald.

Hindi man lang nila ako tinanong kung sang ayon ba ako sa magaganap o hindi?

Para saan pa ang pagpalag ko kung heto kami nakaharap sa napakaraming estudyante kasama ang Outer Department.Nasa tabi ko si Cybelle at hindi ko maiwasan na kabahan.

Wala akong alam kung ano ang mangyayari..

Basta ayoko lang na may magsakitan..

"Magiging maayos ang lahat kung ito ang gagawin Nalyn"mahinang sabi sakin ni Xenon.

Napatitig ako sa dalawang tao na nasa gitna ng bilog na iginuhit gamit ang pulang pintura.Nakasuot ng black longsleeve si Ceyx at nakapolong puti naman si Nathan.

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon