Chapter 11: The Test

253 12 0
                                    

Maagang nagising ang Outer dahil kailangan nilang mauna sa pagpasok ng gate sa Campus,Umiiwas sila sa pagkuyog ng mga fans.

Si Nalyn?

Ayun! Nakanganga parin sa kama at humihilik pa,Masyado nya pang na-enjoy yung kama na malambot.

Hindi sya nag-alarm dahil alam nya ang oras ng kanyang pagpasok sa eskwelahan,Natulog sya sa kwarto ni Nathan pero si Nathan nakitulog nalang sa bestfriend nya.Kaya hayahay ang buhay ni Nalyn sa kwarto.

Pero pinagtataka nya si Nathan,Tuwing magsasalita sya para syang nakikipagusap sa hangin,Inakala nya na nga na baka hindi lang sya naririnig ni Nathan eh.Pero ang totoo,nag-uumpisa na si Nathan na sukatin ang pagiging Galaxy ni Nalyn..

"Goodmorning Mother Earth!!"sabi ni Nalyn sabay nag-inat inat sa kama.

Agad naman syang umupo at sinuklayan ang tsinunami nyang buhok,Opo ! Malikot matulog si Nalyn kaya ayan! Pag nagigising laging mukhang nasalanta ng bagyo..

Dali-dali syang tumakbo sa Malaking banyo at naligo pero tinry nya muna ang malaking Bathtub..Grabe! ignorante na kung ignorante,Minsan lang sya makaligo ng bongga kaya magbabathtub nlang sya total hindi naman sya malelate.

Matapos nya maligo ay nagbihis na sya ng school uniform at nagtoothbrush..Nagsuklay ng buhok at itinali ito ng simple lang..Hindi sya naglalagay ng make-up dahil wala iyon sa bokabularyo nya.May kumatok sa pinto nya..

"Lyn?"sabi ng kumakatok.Nagtala ang dalaga dahil wala namang tumatawag aa kanya na Lyn..Kaya agad nya itong pinagbukas.

At sinong tumambad?

Si Sehun.......

"S-sehhuunnn b-b-akit?"napangiti si Nalyn pero nauutal sya.

"Tapos ka na ba? Come on sabay na tayo mag-breakfast saka sabay narin tayo pumasok sa school"sabi ni Sehun sabay ngiti.Ang ngiti na syang naging dahilan kung bakit crush sya ni Nalyn.

Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa nagsasalitang Sehun sa harap nya,Kinurot nya pa ang pisngi nya sa pag-aakalang baka nananaginip lang sya.

"Okay ka lang Lyn?"sabi ni Sehun.

"ah hahaha o-ookay lang ako"sabi ni Nalyn kahit hindi.

"Tara?"yaya uli ni Sehun.

"S-sige"sagot ni Nalyn.

Bumaba na ang dalawa sa kusina at nagulat si Nalyn kasi andaming pagkain sa hapag eh wala namang fiesta at breakfast palang ito pero bongga na..

Nung kumain na silang dalawa,Gaya ng ginagawa ni Sehun,Nilagyan nya ng sausage at iba pa ang plato ni Nalyn,Hindi naman nagreklamo si Nalyn..

Habang kumain sila,Feeling nya inaasikaso sya nang asawa nya..si Sehun ang iniimagine nya..pero akward para sa kanya iyon dahil crush nya ang kasabay nya kumain,syempre kilig to the bone yun diba?

At para mabasag ang akwardness sa kanila...

"Ummmmm..Si Nathan?"tanong ni Nalyn.

"Yun ba? um Nauna na sila eh."sabi ni Sehun.

"Bakit?"tanong ni Nalyn.

"Takot sila makuyog ng mga naghahabol sa kanila.." sabi ni Sehun.

"Masungit ba si Nathan?"curios natanong ni Nalyn.

Napatingin naman si Nathan..

"Bat mo natanong?"tanong ni Sehun.

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon