Chapter 52

102 6 4
                                    

Campus Sexy Love
Written by ChengchengAllOverYou

****
"If you love something let it go,
If it comes back to you its yours,If it doesnt,It never was"

****
Chapter 52

"Grabe bhest excited na ako magperform" masayang bungad sakin ni Cybelle habang binabagtas namin ang daan papunta ng library

"Suss ang sabihin mo excited ka lang magkaduet si Carson mylabs mo hahahaha" sabi ko sa kanya.Hinampas naman nya ako sa braso..Sakit ah! Minsan talaga ang brutal ni Cybelle sa akin hahaha..

"Tss Mylabs ka dyan! Tigilan mo nga ko bhest! Di ko sya type no?" Sabi nya sakin na nakasimangot.Ang choosy pa nito hahaha..Aba'y hindi na sya lugi kay Carson no! Mabait,gwapo at magaling pa kumanta iyon.At Oo! Si Cybelle at Carson ang magkapartner sa darating na program..Magduduet sila kumanta ng lovesong yieeee..hahaha ako kinikilig para sa bestfriend ko eh haha..Sigurado ako na mababadtrip na naman yan pag inasar ko hahaha...Sus! Nung una ganun rin naman ako nung una.
Totoo yung kasabihan na "tulak ng bibig kabig ng dibdib" totoo iyon! Totoo kasi nung una inis na inis rin ako kay Nathan pero ngayon! ETO AKO BALIW NA BALIW SA KANYA! Sa sobrang baliw ko nasasaktan na ako kakaasa..Pero chos naman hahaha...atleast nung isang araw okay naman ang kinalabasan ng pagpaparactice namin.Hinihintay ko nalang talaga sya na magsabi kung kailan ulit kami magpapapractice.Well sa totoo lang excited ako malaman kung ano ba yung kabuuan ng sayaw namin..Hindi pa kami nangangalahati ng step pero alam ko na maganda ang kalalabasan ng choreography nun..Walang duda na magaling talaga na dancer si Nathan..Hindi lang halata kasi once in a blue moon lang sya ngumiti lately.

"Oh Nalyn saan kayo pupunta?" nakasalubong namin si Herald sa daan.
Nakasuot sya ng nerdy glasses na itim..Ang gwapo naman nya tignan with that look *0*.Kaso Loyal talaga ako kay Sexylove eh hehe..Ewan ko ba! Hindi naman sya sobrang gwapo eh...Gwapo lang hehehe..pero hindi ko naman sya minahal dahil dun..Siguro may pagkatanga at pagkasadista lang talaga ang puso kasi minahal ko sya dahil paulit ulit nya akong nasasaktan..tss weird no? Ah basta! Di ko alam kung bat ko mahal iyon..Hindi naman kailangan ng maraming dahilan pag nagmahal eh! Ang mahalaga ay alam mo na mahal mo sya :)

"Sa library lang Leader Herald" sabi ko nang nakangiti.

"Nice" ngumiti sya.Grabe may pagkanerd rin pala tong si Herald no? Pero wag ka! Ang gwapo nyang Nerd hehehe..

"Bookworm ka pala hehe" sabi ko.Napatingin naman sya sa tatlong makakapal na libro na bitbit nya.

"Ay hindi naman..Nakita ko lang to kasi mukhang maganda ang storya nito" sabi nya.

"Ganun? Hehehe sigee sabi mo eh!" Sabi ko nalang haha wala na kong ma topic eh!

"Haha iba ka talaga Nalyn,Kaya nagtataka talaga ako kasi di ka magawang magustuhan ni Nathan" malungkot na sabi nito.

Boom Sapul ako dun ah!

'Hindi ka magawang magustuhan ni Nathan'

Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi ni Herald..Coming from the leader of Outer..ang sakit pala talaga pag nalaman mo sa ibang tao na di ka talaga mahal ng taong mahal mo.Malulungkot ba ako o magpapasalamat dahil kahit papano ay nakikita ko na malungkot si Herald para sa akin.

"Uhmm wag mo masamain ang sinabi ko Nalyn..Ang ibig ko lang sabihin ay hindi ka naman mahirap magustuhan kasi ang totoo nyan ay kahit sino naman dito sa Campus ay magugustuhan ka" pagpapaliwanag nito.

Ngumiti ako ng pilit. "Ayos lang Herald,Minsan mas mabuti narin na sabihin ang totoo kaysa mapaniwala ang isang tao sa pag-ibig na hindi naman totoo" sabi ko rito.

"Tama ka" sabi nya."sige mauna na ako ah?" Paalam nito at lumakad na paalis.

"bhest masyado mo naman ata dinibdib yung nabitawan na salita ni Herald" sabi ni Cy.

"Di ah! Naisip ko lang naman yung sinabi nya kasi totoo naman" sabi ko."tara na nga" sabi ko at pumasok na kami sa library.

"Ano ba yung kailangan natin dito bhest?" Tanong ni Cybelle na nag umpisa narin sa paghahanap ng libro na pagkukunan namin ng report.

"Basta hanapin mo yung about sa Research paper" sabi ko habang tumingin tingin sa mga libro.

"Wag kang sumuko maghanap,kasi oras na mahanap mo ay worth it naman ang paghihirap mo para mahanap iyon" sabi ko habang tinitignan ang iba pang mga libro sa bookshelf.

"Ay humugot pa!" Sabi ni Cybelle.

"Huh? Tama naman ang sinabi ko diba?" Sabi ko.

"Pero bhest depende din yan,Hindi mo talaga mahahanap kung hindi iyon para sayo okay?" Sabi ni Cybelle.Napaisip naman ako.

"Para namang sinabi mo na di sakin si Nathan" napanguso ako.Natamaan ako dun eh!

"Ikaw may sabi nyan at hindi ako hehe" mahina nito sabi.

"Grabi ka sakin" pagtatampo ko kunwari.

"Pero halimbawa Bhest" sabi nito.

"Anong halimbawa yan?" Tanong ko.

"Halimbawa ng situation bhest..Halimbawa lang to bhest ah? Wag mo seryosohin" sabi ni Cybelle.."sigee ano bang halimbawa yan" tanong ko.

"Halimbawa umalis si Nathan kasi gulong gulo na sya sa nararamdaman nya..Anong gagawin mo?" Tanong nya.

Napangiti ako.Ang basic naman eh!

"Syempre susundan ko sya kahit saan sya magpunta..Hahanapin ko sya kahit ayaa nya magpahanap..Mahal ko yun eh!" Sabi ko..Pag nawala sya ganun naman talaga ang gagawin ko.Kahit buong mundo ang pumigil sa akin para hanapin sya? Hahanain ko parin sya para bumalik papunta sa akin :).

"Eh paano kung baliktarin natin ang sitwasyon? Paano kung sumuko ka na sa paghihintay sa kanya? in short,Nagparaya ka na..tapos ikaw naman ang umalis?" Tanong ni Cybelle.

Sumuko? darating ba ko sa punto na isusuko ko nalang ang nararamdaman ko at magparaya na lamang? Darating ba ako sa punto na kailangan kong ilayo ang aking sarili para maging masaya si Nathan? Pagpaparaya? Hindi ko kakayanin na gawin yon! Alam kong magiging masakit iyon para sakin pero paano kung yun nalang talaga ang paraan para di na ko masaktan? Paano kung yun nalang ang paraan para mapasaya ko si Nathan? Kailangan ko ba talaga umalis pag nakapili na si Nathan? Pag umalis ba ko hahanapin nya rin ako gaya ng gagawin ko sa kanya.

"Hindi naman nya ako hahanapin pag umalis ako" matabang kong sabi.Naiiyak ako kaya pinili kong lumipat ng pwesto para makapaghanap ng libro.Binuklat ko ang isang libro at duon bumuhos ang luha ko.Tahimik ako umiyak...

Tahimik akong umiyak sa pag iisip na hindi ako magagawang hanapin o sundanman lang ng lalaking mahal ko.Hindi nya ko hahanapin kasi walang dahilan para sundan nya ako dahil hindi naman nya ako mahal diba? Para saan pa ang pagsunod? Dahil lang sa awa?! Wag na no!

"Hayy bhest talaga..kawawa naman yang libro at pinangsalo mo pa ng luha mo..sorry sa halimbawa ko bhest.." malungkot na sabi ni Cy at niyakap ako.

"Ok lang..atleast kung umalis man ako alam ko na walang susunod" sabi ko.

"Hindi ka naman aalis diba? Alam kong di ka naman susuko kay Nathan..Malakas ka kaya! Saka alam kong di mo sya isusuko kasi mahal mo yun si sexylove mo.." sabi nya sakin.Tumango ako.

Oo tama! Hindi ako susuko diba guys?

END OF CHAPTER

VOTE&COMMENT IF YOU LIKE ^^❤
THANKS FOR READING GUYS HIHIHI

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon