Chapter 7:Contract

246 12 0
                                    

[NALYN POV]
Kakagising ko lang at mabuti at naalala kong may pasok pala.bibilisan ko ang kilos ko at agad na tumungo palalabas ng apartment ng may...

"Goodmorning Galaxy..."agad na tumambad sa paningin ko ang nakakainis na mokong na ito..

Teka? Paano nya nalaman kung saan ako nakatira? Siguro nag stalk to sa akin?.

"Bat ka nandito?"tanong ko.

Oh! Nakasandal pa sya sa Ferrari? Diba yan yung ferrari nya na nasira ko? Bakit wala nang sira o gasgas sa harapan? Malamang Nalyn,mayaman sya kaya pinaayos nya aizt!.

"Tara na! Ambagal mo kanina pa kita hinihintay dito"reklamo nya sabay pasok sa kotse nya.

Ako? Ayun naiwan na nalatingin sa kanya at nakatayo,umaasang ipagbukas nya ako ng pinto..tsk tsk ano bang inaasahan ko sa isang mayabang? Kahit nga salitang sorry hindi nya masabi sayo eh..pagka-gentleman pa kaya? Pasalamat ka nalang at di mapapagod ang mga paa mo kalalakad papuntang school.

"What are you doing? Get in the car"sabi nya...

Jusko nanay ni batman,makaenglish naman wagas!

"Salamat!"sabi ko at sumakay sa kotse nya.

Habang nagmamaneho sya,may matching music pa sa loob ng ferrari nya.Ang astig pag nakita mo ang loob,pero ang nakaagaw talaga ng curiosity ko is yung mabango,ano ba yung mabango? Yung kotse o si Nathan? Naku Nalyn umiiral na naman ang kilig portion mo dyan..

"Eto ba yung kotse mo na nagasgasan ko?"nahihiya kong tanong.

"Hindi,bagong bili lang to"sabi nya.Aba mayaman!

"What?!"gulat ko.

Napatingin lang sya sa reaksyon ko.

"Eh nasan na yung ano?"tanong ko alam nya na kung ano ang tinutukoy ko.

"Pinapaayos ko yun,5 ang ferrari ko"sabi nya kahit di ko naman tinatanong kung ilan.

"Lima? Ah okay."napatango nalang ako.mayabang talaga sya.

"Baka maawa ka pa sa akin kasi lima lang..dahil 10 ang ferarri ng mga barkada ko."sabi nya.wow huh edi di pa pala sya mahilig sa ferarri sa lagay na yan? Aizz mayayaman nga talaga ang outer.

Pagkatapos nun natahimik na kami at pinamugaran ng akwardness ang atmosphere.pero bigla nalang sya nagsalita uli.

"Suot mo ba yung necklace?"tanong nya habang nakatuon parin ang tingin sa pagmamaneho.

"Oumm"sabi ko.

"Eh parang hindi mo suot?"tanong nya at parang tumingin sya sa leeg ko.

"Suot ko kaso tinatago ko lang sa uniform ko."sabi ko.

"Ilabas mo yan at wag mong itago,dapat ipakita mo yan sa iba"sabi nya.

Anong akala nya? Ite take advantage ko na sa ibang tao to? Sorry sya! Hindi ako ganun,at di ako mayabang tulad nya.

"Hindi ako mayabang tulad mo para ipagmalaki to"sabi ko.nakakainis kasi sya.

"Edi wag! Di mo lang alam kung gaano kadesperada makakuha ng ganyan ang ibang babae lalo na't isa nalang ang possibility na makakuha sila ng ganyan."sabi nya.Bakit? Ano yun limited edition lang?

Campus Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon