#21: Beauty and the Beast

Start from the beginning
                                    

Ano nga ba talaga ang gusto ng puso kong mangyari? Ano nga ba ang tunay na nararamdaman ko kay Jared?

“Sige, Gail labas na ako” paalam niya sa akin at tumango na lang ako. Naglakad na siya palabas ng kwartong tinutuluyan ko ngayon. Nung marinig ko yung pagsara ng pinto ay agad akong napaupo sa upuang katapat ko at bumuntong hininga.

 

Napayuko ako at napapikit, lumalim na naman yung mga iniisip ko ngayon. Hindi ko alam pero nadidisappoint ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito, kahit na ang laki na ng problema ko hindi naman ako nagkakaganito. Siguro nga naninibago lang talaga ako sa mga nangyayari. I sighed, maybe I should enjoy this day. Appreciate everything. I should set aside all my doubts and let my heart rule my night. 

***

“Happy Birthday Gail!” bati sa akin nung mga ka-schoolmates ko na na-invite sa debut ko. Pero halos lahat sa kanila ay member ng ‘JAIL Fans Club’, at yung iba ay mga classmates at friends ko.

“Salamat” nakangiting sabi ko sa kanila. At nagtungo na ako sa lugar kung nasaan sina Mama at Papa, natigilan ako at parang kinabahan nung makita ko na kasama nila ang mga magulang ni Jared. Shemay!

“O anak, bakit lumabas ka na sa kwarto mo? Hindi pa nagsisimula yung program” sabi ni Mama at agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Aba malay ko ba sa gagawin ko dito. Sa totoo lang lumabas na ako ng hotel room kasi ayoko ng mag-isip, gusto ko muna ng peace of mind at malibang ang sarili ko sa mga bagay na nagpapagulo sa akin. At isa pa, ayoko talaga ng ganitong bonggang celebration, pakiramdam ko kaartehan lang ‘to eh. Pwede namang simpleng salu-salo with family and friends, bakit kailangan pang gumastos ng ganito? Hayyy. Ewan ko ba pero minsan hindi ko talaga feel maging mayaman.

“Ahh, kasi po wala akong kasama doon” pagdadahilan ko.

“Ahh, nasa labas na kasi sina Asha…” sabi ni Mama at inaya akong umupo sa pagitan nila ni Papa. Nasa round table kasi sila naka-upo, at katapat ko ngayon ang Mama ni Jared. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin, bigla tuloy akong napayuko. Nakakahiya!

“You look so gorgeous tonight, ija” rinig kong sabi ni Mama ni Jared, kaya kahit nahihiya ako ay pinilit kong tumingin sa kanya at ngumiti.

“Thank you po…” nahihiyang sabi ko at napayuko ulit.

 

“Sabi sa’yo hon, ang cute niya talaga eh! Bagay na bagay sila ng panganay natin!” rinig kong sabi niya doon sa Papa ni Jared. Grabe! Ayoko na! Nahihiya na talaga ako!

“Tss. Ikaw talaga…” tipid na sagot nito. Huminga ako ng malalim at sinubukang i-compose ang sarili ko. Sana pala doon na lang ako kina Asha naki-upo.

Doon ko lang naisip na kung andito ang mga magulang ni Jared, at andito rin si Jerome… ibig sabihin? Bigla akong nag-angat ng tingin ulit at inilibot sa buong lugar para hanapin siya pero nabigo ako dahil wala akong nakitang Jared sa paligid.

“May hinahanap ka ba anak?” napatingin ako kay Mama, umiling lang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa table.

“Hinahanap mo ba si Jared ija?” nagulat ako noon sa tanong ni Papa. Napatingin ako sa kanya bigla at umiling.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now