Chapter Nine

9 0 0
                                    

"You guys, let's take a picture!" Stella shouted in the middle of the loud music.

She raised her monopod and everyone hugged her for the group photo. I stepped back to give space for them since I don't want to be involved.

Pagkatapos ng early birthday celebration ni Stella kagabi sa karaoke bar, narito naman kami ngayon sa bahay ni Jarred para sa mismong party. Turns out, it's also Daryl's birthday. I think almost everyone from Aberdare are here, even all of the girls from ate Boots' boarding house.

"Happy happy happy birthday!"

Everyone started singing when Lyrad, Daryl's brother, brought out the cake and placed it on the center table. Nito ko lang rin narealize na magkapatid pala yung dalawa kahit napaka-obvious na, sa pangalan pa lang. Nakakapagtaka lang dahil siya ang may hawak ng cake na handa rin para sa birthday niya.

"Thank you!"

Matapos hatiin ay kanya-kanyang kuha ng piraso ng cake ang bawat isa. Balak kong magpabebe ngayon kaya di ako nakakuha. Naubos agad, sa dami ba namang tao.

"Here."
Sinubuan ako ni Stella ng cake.

Napangiwi ako nung nadanggil ng kutsara ang ngala-ngala ko. Aray naman.
Nasiko kasi nung mga nagsasayaw yung braso ni Stella.

I was stomping my feet on the beat as I watch Kaye and Kelsey dance along with the others. Grabe sa inuman ang dalawang yan. Isang oras pa lang kami dito ay mukang lasing na sila.
Kaye's friend from the bar is acting as a dj tonight. Mas feel na feel tuloy nila ngayon ang pagsasayaw.

Naramdaman kong may humawak sa pisngi ko at pinahidan ako ng icing. Agad akong lumingon at galit na tiningnan ang may kasalanan.

"Simon!"
Sigaw ko. Tumawa naman siya at nagtatakbo paakyat sa hagdan. Akala naman niya hahabulin ko siya.

"Ano? Feeling mahinhin ka? Tara sa kusina. May alak doon, pangpawalang hiya," Stella said, pointing to the door on her right.

I shook my head.

"Ano ka ba? Ako si Maria Clara!" sabi ko na ikinatawa naman niya. "Hindi. I want to be sober until this night ends."

That really is my goal tonight. Umaga na kasi ako nakauwi kanina mula sa party kagabi. Naabutan ako ni manang Soli na nakahiga sa bench sa veranda kaya nasermonan ako. Tapos tinakasan ko nanaman siya para pumunta dito.

Kinuhit ni Reagan si Stella tapos ay binulungan. May party popper pa siyang hawak. If they're planning to surprise my friend with confetti, that's not gonna happen anymore.
Tumango-tango si Stella bago umalis si Reagan.

"Is that so? Sigurado ka?"
Muling bumaling sa akin si Stella.
Nag-lag pa ako ng kaunti at inalala kung ano nga ba ang sinabi ko kanina.

Tumango ako at ngumiti.

"Oo naman! Pumasok ka na doon babae ka!"

Itinulak-tulak ko siya sa kusina. Marami kaming nadaanan na nagiinuman at nahirapan akong tumanggi nang alukin nila ako.

"What's the score between you and cap?" tanong ni Lyrad bago uminom ng alak mula sa party cup.

Mahal Na Ata KitaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang