Chapter Eleven

2 0 0
                                    

Dali-dali kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng bahay kahit na basang-basa ako dahil sa malakas na ulan. Kumukulog at kumikidlat sa labas, tapos malakas pa ang hangin kaya masyadong malamig.

Isinara ko ang pinto. Napaigtad ako sa gulat nang makita ang isang batang babae na may face mask na itim sa buong muka.

"Bat ngayon ka lang?"
Namewang pa siya.

"Bat pinakilaman mo nanaman ang gamit ko?" tanong ko pabalik kay Audrey.

Lalampasan ko na sana siya nang inilabas niya ang cellphone na may nakasaksak pang earphone. Nanlaki ang mga mata ko dahil dito.

"Bakit na sayo yan?"
Kinuha ko mula sakanya ang phone.

"Ibinigay 'to sakin ng isang lalaking itago na lang natin sa pangalang Cameron."

"What the heck?"
Sabi ko na lamang.

Sabi ko na nga ba may nakalimutan ako. I was suppose to meet Cameron at the park and it completely slipped out of my head.
I tried to open the phone but it won't anymore,it must have ran out of battery.

"Pumunta siya dito? Anong oras?"

"I don't know. Mga alas-syete siguro. He reminded me to tell you he's off to Tarlac."

Tumango ako.

"Sige, akyat na ko. Matulog ka na."

I immediately charged my phone on the electric outlet on my room. I grabbed a towel and a pair of pajamas before taking a bath.
Habang pinupunasan ko ng tuwalya ang buhok ko matapos maligo ay saka ko lang nakita ang case ng gitara na nakahiga sa kama ko.

Hindi ko 'yon pinansin dahil unang-una ay wala akong hilig sa instruments at mas lalong hindi ako marunong maggitara.

Nagsusuklay na ako nang naalala ko ang napag-usapan namin ni Cameron kanina. Malamang ay sakanya ang gitarang ito. Binuksan ko ang case at nag-strum ng ilang beses bago ko ito binalik.

I just turned my phone on and started composing a message for Cameron.

Cameron

I ditched you

It's fine Hera

Rest. I know you're tired


You didn't have to buy me guitar
I don't even like instruments

You're welcome haha

Tipid na tipid ang mga sagot ko kay Cameron. He insisted to have a video call na nakatulugan ko naman.

Kinaumagahan ay ginising ako ni manang Soli. Naligo kaagad ako at nagbihis ng white shirt, black jeans, and white shoes. I tucked the shirt in and folded its sleeves twice.

Napangiti ako nang ibinigay sa akin ni manang ang isang baso ng soya milk.

Late na akong nagising kaya nakaalis na si Audrey.

Nang nakarating ako sa Aberdare U ay nakita ko si Samuel na naglalakad paakyat ng hagdan. Tahimik lang ako sa likuran niya, tamang chill kahit late na sa unang subject. Nang lumiko siya sa pangalawang set ng hagdan ay napatingin siya sa direksyon ko. Nginitian ko siya saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Tumigil pala siya sa palikong iyon kaya naabutan ko siya. Sabay kaming naglakad.

"Late," sabi niya. Bahagya ang aking pagkagulat dahil sa bigla niyang pagkausap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Na Ata KitaWhere stories live. Discover now