Chapter Six

10 0 0
                                    

I rolled my eyes when I felt Simon's pen poking my back again. We're having a quiz right now for our major subject at kanina pa siya kopya ng kopya sakin.

"What?"
I asked him in a screaming whisper. I did not turn around to face him.

"Anong sagot sa part four, number five?"

Tiningnan ko si Ma'am Romero bago ako muling nagsalita. Mahirap ng mahuli.

"Magcompute ka kaya? Kopya ka ng kopya, para namang bobo ka," sabi ko.

"Wala ngang calcu diba? Arte naman kasi ni ma'am, bawal phone. Ano tayo, junior high?"

I made a quick glance on Simon. When I look back in front, our professor is already staring at me. Her brows furrowed and she started walking towards us. I gave her a smile.
I felt so nervous. Good thing Ruel came and asked ma'am Romero to go to the dean's office.

"Damot. Para namang hindi nangongopya sakin."

I ignored what Simon just said and focused on ma'am Romero. She's still talking to Ruel while rubbing her tummy. Why can't she just leave?

"Sige, sa susunod di na rin kita papakopyahin."

Nang tuluyang umalis si prof ay bumaling ako kay Simon at ibinigay sakanya ang papel ko. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ito ng ngiti.

"Yun lang pala panakot sayo!" sabi niya.

"Ewan ko sayo. Para kang bata."

Sabay kami ni Simon na bumaba para mag lunch. Anim na oras kami ngayong araw kay ma'am Romero at buryong na buryong na ko. Mabuti na lang at may break kahit papaano.

Kinawayan kami ni Kaye. Nasa lamesa sila sa ilalim ng puno ng mangga. Naupo ako sa tabi ni Stella, si Kaye kasi ay nakatayo at nag-aayos ng eco bag.

"Hindi pa nga sila pumapayag sa terms and conditions... it's still not settled, mr. Crisologo!"

Napatingin ako sa kung saan ko narinig ang apelyidong iyon. Kay Kelsey pala. She's standing beside the mango tree as she speaks on her phone.

"Intayin lang natin matapos si Kels, pupunta na tayo sa kusina ni mayor," sabi ni Stella.

Dito lang rin 'yon sa university. Since the mayor has four kids, three of them studied culinary arts here, he decided to build a canteen that could be very functional for those who are taking the same course. His other son, Jack, went to separate path and takes up masscom. Si Kaye tuloy ang tumatamasa sa ginawa ni mayor.

"Let's go?"

Tapos na pala si Kelsey sa phone call. Nagsitalunan na mula sa puno sila Simon at Jack, tumayo na rin ako at tinulungan si Kaye sa pagbubuhat.

Napaangat ako ng tingin nang may umagaw sa hawak kong eco bag. It was Greg. He started walking and tried to catch up with the other guys, while holding the bag.

"Edi sana all!"

Tinusok ako ni Kaye sa tagiliran.

Sabay-sabay kaming mga babae na naglakad. Sa tuwing may bumabati sa amin na ibang estudyante ay nginingitian namin ang mga 'to at kinakawayan.

"Lakas makakandidato ah!" sabi ni Kaye.

Nagkatinginan kami ni Kelsey at ngumiti sa isa't-isa.

"Ano ngang pangalan nung lalaking kumandidato ng SK? Yung pinangampanya pa nung isa dyan," sabi ko habang tinitingnan si Kaye. Sumimangot naman siya.

"He's name's Levi. Ano na kayang balita doon, Kaye?"

Umirap lang siya sa sinabi ni Kelsey at mas binilisan ang lakad. Tumakbo ako para habulin siya, saka siya inakbayan. Magkasabay naman sila Stella at Kelsey sa likuran.

Mahal Na Ata KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon