Chapter Three

9 0 0
                                    


Magkakalapit kaming tatlo nila Greg at Kelsey habang nakatayo sa pangalawang hanay ng mga upuan. Nasa unahan naman namin si Kaye, nakasuot ng puting sundress na binili namin sa mall noong isang araw, umiiyak.

The wedding of Houston is finally happening. This is what Kaye prepared her self for, a little marriage with mr. boy next door on the marriage booth. Unfortunately, Kaye isn't the girl Houston is marrying.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Kaye dahil sa mangiyak-ngiyak niyang itsura.

Nang humarap siya sa amin ay papunas-punas siya ng mata.

"Ako yung pinangakuan tapos sa iba tinupad," sabi niya.

Inakbayan na siya ni Greg at hinila papalabas ng booth. Kung sino-sino pa ang nakipag fistbump sa lalaki bago kami tuluyang nakarating sa pathway.

"Technically, hindi ka naman niya pinangakuan," sabi ko.

I sat on the empty chair of the tattoo booth. I lay my arm on the table, my face still turned at my friends' direction. A moment later and I already felt the tattoo material touching my wrist.

"How many times did you assume of someone liking you, Kaye?" tanong ni Kelsey. Inilagay niya sa likod ng balikat ang mahaba at may alon na buhok.
"Asado is cheap."

Kinunutan ko ng noo si Kelsey dahil sa sinabi niya. That's really not a nice thing to say.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Kaye bago tumingin sa bawat isa sa amin.

"Mabuti pa si Greg, kahit tatlong taon ng pinapaasa ni Hera di pa rin umaalis."

Ilang segundo kaming nagkatitigan ni Greg. Sa totoo lang ay wala naman akong pinapakitang motibo sa lalaking iyan. Bakit niya iisipin yon?

Nag-iwas ako ng tingin at bumaling na lamang sa tato sa wrist ko. Hindi naman ito permanente kaya ayos lang. Napangiti ako nang makitang isa pala itong rosas. Ang ganda naman.

Nag-angat ako ng tingin sa nagtatato at medyo namangha ako nang malaman kung sino ito.
It's the leather jacket guy. He's not wearing his black jacket today, though he still got this cool guy rock star appeal with his black sleeveless shirt alone.

He looked back at me and smiled.
Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa akin patayo. Pagtingin ko ay si Greg pala iyon. Wala na akong nagawa nang marahan niya akong itinulak palayo sa tattoo booth.

~°~

"Jack, wag mong kainin yung yelo!" saway ni Kaye.

Nagtawanan kaming lahat nang nakitang kinukuha ni Jack ang ice cubes para sa alak at inilalagay ito sa bibig.

"Sige Hera, taga-ubos ng pulutan. Say hi, Hera," sabi ni Simon.
Tinakpan ko ang lens ng camera na itinutok niya sa akin at nagpatuloy ako sa pagkain ng sisig.
Muli akong humarap sakanya nang may naalala ako.

"Bakit mo ko pinakulong?"

"Napag-utusan lang," sagot niya.

Dahil foundation week, nag-attendance lang kami sa school pagkatapos ay pumunta na kami sa kiosk and cafe.

Medyo kaninang umaga pa kami dito kaya pulang-pula na ang muka nila Kaye at Jack. Si Simon violet na.
Kahit mukang lasing na ay nakuha pa ni Simon na magvideo ng mga kabalbalan nila.

"Kaye, bakit mo sinasawsaw yung siomai sa alak?" tanong ko kay Kaye. Lasing na nga ang babaita.

Inalis ko ang kamay niyang may hawak na siomai sa shot glass at ipinatong ang pagkain sa lamesa. Nagulat ako nang kinuha ito ni Jack at kinain.

"Bakit hinayaan mong maglasing ang mga 'yan?"

I looked over my shoulder and saw Mike pulling a chair for Irene. What a gentleman he has been.
Muli akong bumaling sa tatlo at napahilamos na lang ako nang nakitang kinakain nila ang tira-tira sa plato ng ibang table.

Mahal Na Ata KitaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt