Chapter 41

68 4 6
                                    

(Kierra POV)

Nagulat ako ng sabihin ni Leonard na ako ang Healer.

Alam ko naman iyon ehh pero sa parte ko nakakagulat parin.

Matapos kami makarinig ng pagsabog ay agad na lumabas si Kenjie tsaka si Madam vernice.

Sumagi sa isip ko ang sinabi ni madam na nagsusumamo siya na iligtas ko si Lianna.

Aminado akong namroblema ako dahil hindi ko alam kung pano gamitin yun.

Sa pagkakaalam ko kasi nung lumabas ang staff ay biglaan yun kaya di ko alam kung paano.

Pero kailangan kong subukan para kay Lianna.

"Kierra? Ok kalang?" Tanong ni Leonard sakin.

Tumango lang ako.

Pumunta ako sa pwesto ni Lianna at tinignan ko siya.

Sobrang naaawa na ako kay Lianna.

Simula nung nalaman ng lahat na may kapangyarihan siya ay sunod sunod na na pangyayari ang dumating sa kaniya.

Nag isip ako ng pwedeng gawin para mapalabas ang staff ko.

Alam ko na hindi ito yung tamang gawin pero kailangan ko paring subukan.

Nag sign of the cross ako at lumuhod para ipalabas ang staff ngunit limang minuto na ang lumipas hindi parin lumalabas.

(Sorry po sa term nung sign of the cross. Di ko naman po intensiyon na gawan ng masama ang ganun.)

Ibinukas ko ang isang mata ko at tumingin sa gilid at nakita kong nakatingin ang tatlo sa akin.

Agad akong tumayo at inayos ang buhok ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong sakin ni Angel.

"Ahh wala wala. Wag niyo na pansinin yun." Sambit ko

Nakakahiya pala yung ginawa ko pero wala namang masama magtry di ba.

"Kierra sa tingin ko makakatulong to sayo." Leonard

May iniabot ito sa akin na isang maliit na aklat at nakasulat sa cover nito ang isang sulat na hindi ko maintindihan.

"Ano ba to? Parang libro ng mambabarang ahh." Sambit ko.

Pasensiya na kayo kung minsan lumalabas totoo kong personality Hahaha.

"Bigay yan sakin nung ermitanyo noong nasa labas pa ako ng Litanya." Sambit nito.

Binuksan ko ang libro at nakita ko ang mga drawing na may nakasulat.

Parang guide siya.

Patuloy lang ako sa pagbuklat at may nakakuha ng atensiyon ko.

"Ang healer ay ang pinakaimportanteng na dapat kasama ng taong makapangyarihan. Sapagkat siya lang ang may kakayahan na bigyan ng sapat na lakas at kapangyarihan ang taong kailangan niyang samahan."

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now