Chapter 9: Book of Litanya

399 14 0
                                    


                   (Lianna POV)

Ngayon naniniwala na talaga ako sa kapangrihan chuchu na yan. Matapos mangyari yun hindi pa ba ako maniniwala? Pero teka? Sino kaya yung mga nakalaban namin kahapon? Ano kaya ang kailangan nila?

"Lianna!" Paglingon ko nakita ko si Angel. Himala! Wala dito si Leonard

"Alam mo ba kahapon iniligtas ako ni Kenjie. Yung gwapo! Mamatay na sana ako nun ng biglang *dugsh* iniligtas niya ako. Tapos sabi niya pa *Be careful miss* kyahhh! Pwede na akong madeadboll." Nakatingin lang ako sa kaniya ng bigla nalang---

"Ano na naman?" Tanong ko sa taong nasa likod ko.

"Tssk, I'm just making sure that your ok." Ano? Concern? Wow. As in W.O.W!

"Lianna? Are you okay? May sugat kaba? Nasaktan kba? Ha? Sumagot ka?" Pagsulpot ni Black God.

"Okay lang ako. Ok! Ano ba? Sorry. Nabigla lang ako" Sagot ko kay Black God

"Pagpasensiyahan mo na siya hija, nag-aalala lang talaga siya sayo" sabay ngiti ni Vernice. Bakit ba nag-aalala silang lahat sakin?

"Thank you nga pala sa pagligtas niyo sakin kahapon"

"Walang anuman Lianna. Kahit na ikamatay ko pa ito basta mailigtas ko lang ang buhay mo okay na ako." Mabilis na tugon ni BLACK GOD. Kahit may takip ang mukha niya maririnig mo talaga sa boses niya ang pagiging seryoso.

"Oh hija, aalis na kami at may aasikasuhin pa kami sa opisina"

"Opo Verni-- este Opo madam Vernice"

"Vernice nalang hija tutal comportable naman ako sayo" sabay ngiti. Nawala nalang sila ng parang bula. Habang si Angel naman? Ayun! Pinagpapantasyahan yata si Kenjie.

Speaking of Kenjie? Ba't kaya minsan lang itong magpakita?

"Ba't mo siya iniisip?" Bwiset! Kailangan niya ba talagang basahin ang iniisip ko? Nakaka'humm! Kung pwede lang kitang suntukin ginawa ko na! Pero pasalamat ka gwapo ka kaya hindi kita kayang saktan at isa pa iniligtas ako ng kumag nato. Nagulat ako sa mga sinabi ko. Hindi ko inisip na nababasa niya pala ang nasa utak ko ngayon.

Tumakbo nalang ako papalayo para maitago ang mukha kong nagiinit na dahil sa hiya. Ughh! Nakakahiya ka Lianna. Ng maramdaman kong malayo na ako sa kanila bigla ko na namang naramdaman ang isang enerhiya. May kakaiba? Paglingon ko sa forest side ehh may nakita akong itim na anino na porma ng tao.

Ang forest side kasi ay nasa likod ng campus kaya parang wala na itong tao at halos di na ito sakop ng Campus. Pero makikita mo ito mula dito sa loob. Bigla nalang itong nagtago sa likod ng puno. *Baka guni-guni ko lang yun* nasabi ko sa sarili ko.

Naglakad na ako at bigla nalang dumating si Leonard sa harapan ko. Pano? Nahihiya talaga ako. Tumakbo na naman ako hanggang sa napunta ako sa harapan ng isang pintuan. Kung titingnan mo ito sa labas parang isang simpleng Kwarto lang ito. Bakit ako napunta dito?

At ng buksan ko ito bumungad agad sakin ang mga libro na nakaayos sa mga bookshelf. Ang dami. Bakit kaya ako dinala dito? Inilibot ko ang aking paningin at may napansin ako sa itaas na isang bilog na bakal na may nakasulat na mga numero at letra. Ano kaya yun? Bigla kong kinuha ang hagdanan at itinapat sa bakal at umakyat.

"Oh My God!" Bigla nalang akong nahulog at parang may tumama sa likod ko. Pagtingin ko tatlong button ang nakalagay. Isang pula, isang itim at isang bughaw. Ano kaya to? Baka pag pindutin ko to bigla nalang may sumabog. At ang nakakuha ng attensiyon ko ay ang mga guhit na hindi ko maintindihan.

Pulang dragon na sinusunog ang mga libro. Itim na ahas na tumitingin sa libro. Bughaw na tubig na may tao sa ilalim na may hawak na librong itim. Pulang dragon? Baka kailangan kong pindutin ang pula kasi may libro? Tama! Pero teka? Kailangan bang sunugin ang mga libro?

LITANYA HIGH (School In Disguise)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن