Chapter 34: Get ready

95 8 0
                                    

(Lianna POV)

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan papuntang opisina ni mama.

Bukas na pala gaganapin yun wala pa akong maisuot.

Pagpasok ko sa loob nakita kong marami nang damit ang nasa loob ng opisina ni mama.

"Alam kong wala ka pang isusuot kaya bumili nalang ako. At isa pa bumili ako ng marami para may mapagpipilian ka na rin." Sabi pa niya ng nakangisi.

"Ayy nako salamat po. Sobrang dami naman po nito." Namamangha kong tugon.

"Aba kailangan kasi na maganda ang anak ko para bukas." Sabi nito.

Pumili naman ako ng pumili hanggang sa may napusuan ako.

Isa itong long gown na paballoon ang style. Color black siya na may mga dekorasyon na color red.

Bagay sakin. Ito pa naman ang gusto kong kulay.

Hay excited na ko para bukas.

-----

Gumising ako ng maaga para makapaghanda para sa gaganaping selebrasyon mamaya.

Kailangan ko ng make-up, sandals, at iba pa na kailangan ng isang babae.

At hindi nga ako nabigo. Nakahanap ako.

Excited ang mudra niyo. First time ni aketch na makafeel ng ganito.

Hindi ko naman nakita si Angel kanina paggising ko. Siguro naghahanda na rin yun.

Di ko nalang pinansin ang pagkawala niya. Alam niyo naman lakwatsera yung babaeng yun. Isa pa baka magkasama sila nung Flynn ba yun?

Kinuha ko yung gown na binigay sakin ni mommy dun sa cabinet at sinukat sukat ko dahil sa nagagandahan talaga ako dito.

Excited na talaga ako na suotin to mamaya. Ano kaya ang mangyayari? Siguro magsisigawan yung mga tao dahil sa ipapakilala na ako mamaya.

Alam niyo yun? Yung feeling na matatae ka dahil sa excitement hahahah.

Ano na kaya ginagawa ngayon nila Leonard at Kierra? Siguro naghahanda na rin sila.

_____________

At dumating na nga ang oras na pinakahihintay ko. Ang ipakilala ako sa maraming tao.

Pero makalabuti ba sa Litanya ang ipakilala ako? Baka magkagulo pa dahil sa maganda ako este dahil sa may panibago na namang makikilala ang mga tao dito.

Hayaan na nga.

"Good evening Lytherians"

Napuno ng sigawan at malalas na alingawngaw ang buong field dahil sa boses ng mga taong dumalo ngayon.

Grabe nasa likod pa ako ngayon ng stage pero nararamdaman ko na marami talaga ang mga taong dumalo.

Nasa field pala kami ngayon. Ayon sa aking nakikita may isang maliking stage ngayon sa unahang bahagi ng field kung nasaan ang lahat ng administrators ika nga nila at siyempre ako.

Maganda ang pagkakaayos ng venue namin ngayon. At siyempre ako rin maganda. Hahaha.

"Alam niyo ba kung bakit tayo nandidito ngayon? Siyempre alam niyo na, pero kung akala niyo alam niyo na lahat nagkakamali kayo. Ngayon ipagdidiwang natin ang kaarawan ng ating principal na si Vernice Knughtwalker"

Nagpalakpakan ang lahat ng tao at yung iba sigaw naman ng sigaw.

"Pero isa pang ipagdidiwang ay ang pagpapakilala sa isa sa mga anak ng ating principal na maraming taon na ang nakalipas ng mawala ito."

Napuno ng pag-uusap ang buong field. Hindi siguro nila akalain na mangyayari ang ganito.

"Simulan na natin ang pagdidiwang. Siya ay isang babae na natawag bilang isang LEGENDARY dahil sa kaniyang angking lakas at kapangyarihan. Ipagdiwang natin ang kaniyang kaarawan tawagin na natin si Madame Vernice Knightwalker."

Nakita ko sa isang T.V na naklutang sa gilid ang paglabas ni mommy sa stage.

Infairness ha may nakalutang na palang T.V ngayon. Atsaka infairness din, ang ganda ng nanay ko sa suot niya. Nakawhite gown siya na parang may style na yung parang snow haha ewan ko anong tawag dun. Tapos may crown pa siya. Wow na wow millenial si mader.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Ngayong gabing ito ipinagdidiwang natin ang aking kaarawan. Sana maging masaya kayo sa konting pahanda ko sa inyo ngayon"

Konti pa ba to? Parang isang pilipinas na nga ang sakto sa handaan ngayon ehh.

"Maraming taon na ang nakalipas, kaming dalawa ni Frollo ay nagkaanak. Isa na dun ang lalaki naming anak na tinatawag na BLACK GOD. Ngunit paglipas ng taon muli kaming nagkaanak ni Frollo ng isang babae. Isa siyang maganda at mabait na bata ngunit isang araw nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Zytherian ar Lytherian. Iyon ang araw na itinakas ang anak ko. Ipinagbilin ko sa dalawa kong mapagkakatiwalaang alagad."

Nakita ko na parang emosyonal na nagsasalita si mommy. Ang mga Lytherians naman ay pawang nakikinig sa mga sinasabi ni mommy.

"Simula nung araw na yun hindi ko na nakita ang aking anak. Minabuti naming ihiwalay siya saamin upang mas maproteksiyonan siya. Ngunit sa paglipas ng panahon muling naging aktibo ang mga Zytherian. Gumagawa na sila ng plano para lumusob ulit dito at maghiganti. Kaya ang lahat ng nandidito ngayon tayo ay lalaban pag dumating ang araw na yun!"

Nagsigawan ang lahat ng tao sa field ngayon. Ramdam ko talaga ang kagustuhan nilang proteksiyonan ang kanilang alma mater.

"At ngayon ipinakikila ko sa inyo ang aking anak, Lianna Knightwalker"

Ito na talaga to, kailangan ko nang lumabas.

Paglabas na paglabas ko isang maalingawngaw na tunog ang aking narinig.

Akala ko nagkakaroon ng kasiyahan sa aking harapan ngunit pag angat ko ng aking ulo nakita ko na naglakagulo na ang mga tao sa field.

Anong nangyayari? Kasalanan ko ba to?

May isang malaking halimaw ang lumabas mula sa field. Isang halimaw na hindi ko gustong makita.

Napakalaki nito at may mapupulang mga mata. May matatalas na ngipin din ito.

Halos hindi na ako makagalaw sa gitna ng stage dahil sa takot. Gusto kong umiyak pero parang may pumipigil sa akin.

Nakita ko naman na lumalaban na ang mga Lytherian na kanina ay nagsasaya.

Hindi ito maari! Ang araw na mapupuno sana ng sigawan dahil sa kasiyahan ay mauuwi pala sa sigawan ng may takot!

Hindi ako makakapayag!

******

Ang tagal nating hindi nagkausap mga Lytherians 😊 musta na kayo? May jowa na ba? Hahaha ano daw? Sana all may jowa !

By the way guys sorry for the loooooonnnnggggg miss up. Hahahah long miss up. Sorry po talaga dahil sa ilang buwan akong hindi nag update.

If you are mad at me just comment below hahaha and if you want to ask some questions wag mahihiyang magtanong :D

Don't forget to;

Vote

Comment

At follow na rin :)

LabLab guys :)

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now