Chapter 18

192 18 0
                                    

Ilang araw pa ang nagdaan ng hindi na kami ngakakausap ni Blake. Siguro busy lang siya.

"Lianna." Sigaw ng isa kong kaklase. Nandito pala ako sa room ngayon.

"Bakit?" Tanong ko

"Pinapatawag ka daw ng principal." Sabi ng kaklase ko.

"Hala ka Lianna! Lagot ka. Pagagalitan ka ng principal." Pananakot ni Leonard. Minsan Buset talaga tong isang to.

"Wag ka nga diyan Leonard. Hindu siya pagagalitan noh. Parurusahan siya. Whahaha!" Isa pa tong si Angel. Kung pwede ko lang silang ilibing ng buhay.

"Ows kaya mo? Sige nga?" Argh, binabasa niya na naman ang isip ko. Ganawa ko ang ginagawa nung mga characters sa mga nabasa kong story na isinasara nila ang utak nila para hindi na mabasa ng iba.

"Ay? Isinara niya?" Malungkot na tugon ni Leonard.

"Wag niyo ngang takutin si Lianna. Kinakabahan tuloy siya." Mahinhin na tugon ni Kierra. Ngumisi lang ako sa kaniya at lumabas na ng classroom.

Tinatahak ko ang hallway ngayon papunta sa principal's office. Nakikita kong lahat ng mga estudyante ay mga seryoso habang nasa loob ng kanilang mga classroom.

Sigurado akong hindi na ako mawawala dahil alam ko na ang mga pasikot-sikot sa paaralan nato. Habang nasa harapan ako ng isang pintuan may naramdaman akong kakaiba.

"Lianna. May kakaibang enerhiya akong nararamdaman. Mag-iingat ka."

"Oo. Ano ba ang nararamdaman mo?"

"Isang tao ang sumusunod sayo."

"Saan?"

"Nasa likod mo lang. Malamang kasi sumudunod nga diba."

"O-" naputol ang sasabihin ko ng biglang nag-iba ang buong paligid. Parang alam ko kung saang lugar to. Pero pano ako napunta dito?

"Lianna,,Tara na,,uuwi na tayo..Wala kana bang ibang bibilhin??" Narinig ko ang isang boses na pamilyar sakin. Nilingon ko kung saan nagmumula ang boses at nakita kong nandoon ang kuya ko.

"Wala na po kuya:)" May narinig na naman ako na boses. Paglingon ko nakita ko ang isang batang babae at- ako yun.

Naglalakad na sila ngayon pauwi, bumili kasi kami ng chocolate bars sa grocery ng panahong yan. Malapit lang naman sa bahay namin kaya naglakad lang kami ng oras nayun.

Habang naglalakad kami ay may mga lalaking sumagabal sa dinaraanan namin ni kuya..

"Diyan kalang sa likod ko Lianna" pabulong na sambit ni kuya sa batang ako.

"Kung ayaw mong masaktan ibigay mo samin Ang wallet mo"sabi nung holdaper sabay tutok ng baril kay kuya.

"Wala po akong pera"sabi ni kuyA

"Kung wala kang pera ehh bakit nakabili ka??" Tanong nung isang lalaking nakablack ng jacket.

"Ubos na po ang pera ko" halata sa boses ni kuya ang kaba.

Nilapitan nila si kuya at kinuha ang wallet nito, Matapos nila kunin ang wallet ni kuya ay pinagsusuntok nila ito.

"Tama na! Wag niyo siyang saktan!" Tumakbo ako papunta sa direksiyon nila pero tumagos lang ako.

"Ugghhh"daing ni kuya ng dahil sa sakit. Halatang nahihirapan na siya sa ginagawa nila.

"Ba't niyo siya sinaktan?!!"sigaw ng batang ako.

"Aba!!!matapang ang batang yun?!" Lalapit na sana ang isang lalaki papunta sa batang ako pero pinigilan siya ni kuya.

"Wag niyo siyang sasaktan"

Nang sabihin yun ni kuya ay pinagsusuntok siya ulit. Napansin ko na nag-iba ang kulay ng mata ng batang ako. Naging pua ito na parang isang apoy na nagliliyab.

"Sabing wag niyo siyang sasaktan." sigaw ng batang ako.

"Tama na kriss!" Sigaw ni kuya.

****Dugggssshh****

Nakita kong may hangin na pumunta sa direksiyon ng mga lalaking nakahood. Isang hangin na may kasamang apoy.

Nakita ko ring kinalabit ng isang lalaki ang baril niya at natamaan nito si kuya.

Paglingon ko sa batang ako nakita ko na natumba na ito. Bigla nalang nanlabo ang aking paningin.

Kinusot kusot ko ang aking mata at tumingin sa direksiyon ni kuya. Kahit nanlalabo ang aking paningin nakita ko paring tumayo si kuya sa pagkakahiga.

Nakita ko ring tumayo ang mga lalaking humarang samin sa mga oras na yun.

Naglakad sila papunta sa -

"Teka!" Sigaw ko. Bumalik ako sa realidad.

Akala ko ba patay na siya? Akala ko ba wala na siya? Bakit iniwan niya ako? Bakit sumama siya sa mga lalaki? Saan siya pupunta?

Maraming katanungan ang nabuo sa utak ko. Ano ba talaga ang nangyari?

(Someone's POV)

I heard that the principal want's to talk to Lianna. Excited ako na ipakita sa kaniya ang nangyari.

I'm not an antagonist. Gusto ko lang ipakita sa kaniya ang katotohanan. She deserves the truth.

Sinundan ko siya at ibinalik siya sa oras nayun. Ilang minuto pa ang nagdaan at ibinalik ko diya sa realidad. Nakita ko na nag-iba ang expression niya.

She's so confused now. But someday you will find out what's the truth.

******

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now