Chapter 31: Avoiding

168 13 2
                                    

Tumakbo si Angel papunta sa higaan ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkagulat.

Pero ba't wala siya dun? Hindi kaya siya mamatay? Ewan ko. Basta hindi ko muna siya huhusgahan.

"Anong nangyari sayo?" Tanong nito.

"It's just a dream." I answered.

"Masama ba?" Nagulat ako ng sabihin niya yun. May alam ba siya o wala?

"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Alam mo kasi.... ako rin nanaginip ako ng masama." Sagot nito.

Nag-isip muna ako kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Pabayaan na natin yan. Kumain ka na dun at papasok pa tayo." Sabi nito sabay lakad palabas ng kwarto ko.

Tama siya. Baka panaginip lang talaga yun at walang katotohanan.

Bumaba ako sa kwarto ko at nakita kong nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.

Kumain lang kami ni Angel at naligo. Hindi kami sabay noh.

Pagkatapos naming maligo pumunta na kami sa Academy.

Habang naglalakad kami ni Angel papunta sa classroom namin nakita ko si Leonard at Kierra na nakangiti sa direksiyon ko.

Ng makarating kami sa pwesto nila may naramdaman akong kakaiba.

Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari.

"Hi Lianna. Sabay na tayong pumasok." Sabi ni Kierra.

Nilagpasan ko lang sila at hindi ako tumingin sa kanila kahit sandali.

Masakit sa part ko na hindi sila pansinin. Kaibigan ko sila. Pero I am acting like I doesn't know them.

Ng makapasok nakami ni Angel sa classroom, umupo lang kami sa sarili naming upuan.

Nakita ko naman na dumating si Kierra at Leonard. Nasaktan ako ng makita kong namumula ang mga mata ni Kierra. Siguro umiyak siya.

Hindi ko to kaya. Pero kung mas magiging malapit pa kami sa isa't-isa baka mangyari ang pangyayaring yun?

(Leonard's POV)

Anong nangyayari sa kaniya? Is their something wrong?

Makhang may problema siyang kasama kami dun?

Naawa na ko dito kay Kierra. Kanina pa to umiiyak ng hindi siya pansinin ni Lianna.

Sabi ko naman sa kaniya na baka wala lang sa mood. Pero ayaw parin tumigil.

Buti na nga lang ngayon mukhang ok na siya.

Pero ano kaya kung...

Basahin ko kaya ang iniisip niya?

Naglakad na kami ni Kierra papuntang classroom. Pero minsan iiyak nalang siya bigla.

Ng makapasok kami binasa ko agad iniisip ni Lianna. Sa una di ko mabasa dahil parang may dark magic na bumabalot dito.

Pero di nagtagal nabasa ko rin ito.

'Nasasaktan ako ng makita kong namumula ang mga mata ni Kierra. Siguro umiyak siya.

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now