Chapter 29: Meeting

168 11 0
                                    

(Lianna POV)

Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom. Katatapos palang naming mag-usap nila mommy.

"Lianna." Narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Paglingon ko nakita ko si Leonard.

"O bakit?" Tanong ko ng makarating siya sa tabi ko.

"I just want to talk to you." Sabi niya.

"Eh ano tawag mo dito?" Tanong ko.

"Tss. Private." Sabi niya.

"Saan namam?" Tanong ko ulit

"Kahit saan basta walang tao." Sabi niya.

Pumintig naman ang mga tenga ko sa sinabi niya. O my ghad! Anong gagawin namin?

"Tss. Kailangan kasama natin si Kierra. Kailangan ko lang kasi talaga kayong makausap." Sabi niya. Nababasa niya pala iniisip ko.

"Sige." Nasabi ko nalang.

Hinawakan niya wrist ko at nagpahatak nalang ako sa kaniya. Pumunta muna kami sa classroom at hinanap si Kierra.

Ng makita namin siya tinawag siya ni Leonard at sumunod nalang samin.

Mukhang seryoso nga siya sa pag-uusapan namin.

"Nandito na tayo." Sabi ni Leonard.

"~Yieh. Ang creepy." Sabi ko.

Dalhin ba naman kami sa isang parte ng gubat na ang dilim kahit umaga pa.

"~BOOO."

"Oh my ghad! Bwiset kang Kenjie ka. Kung hindi ka lang sana isang gwapong lalaki na hinihintay ko e di  sana ngayon palang lasog-lasog na yang buto mo. At kung gusto mo ng mapagtri-tripan siguraduhin mong hindi ako. Dahil sa oras na ulitin mo pa yun maghanda kana dahil ibabalik kita sa oras na kung saan bata ka pa para mas madali kong mabali yang mga buto mo." Mahabang litana ni Kierra.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Kenjie pati na rin yung kay Leonard.

Natawa nalang ako sa inasta niya.

"Hahahaha. Mukhang mga timang. Lahat kayo mukhang nagulat. Hehehe." Natatawa kong sabi.

"At ikaw naman, anong nakakatawa? Ha? Siraulo." Dugtong pa ni Kierra.

Tumigil naman ako sa kakatawa. Yan. Yan ang Ivory na kilala ko sa mundo ko.

Nilingon naman ako nila Kenjie at Leonard dahil hindi nila inakala na gagawin yun ni Kierra.

"~Pfft…" pagpipigil ko ng tawa. Hindi talaga maipinta ang mga itsura ng dalawang to.

Pero i smell something duh nung sabihin ni Kierra ang lahat ng yun. Hmp? Baka crush niya si Kenjie? Baka lang naman.

"So-sorry. Hindi ko naman yun inaasahan." Paghingi ni Kierra ng paumanhin. Bumalik na naman sa pagiging mahinhin ang isang to.

"Ok lang Kierra ang mahalaga naipakita mo ang tunay na nararamdaman mo. Hindi lahat ng oras kailangan nating itago ang lahat ng sikreto na nasa satin dahil anumang oras pwede itong mabunyag." Mahaba kong litana.

"O ano na?" Tanong ko kay Leonard.

Nakita ko naman na nakaakbay sila sa isa't- isa.

Lumingon sila sa isa't-isa at siguro napansin nila na magkaakbay sila kaya bigla nalang silang naghiwalay.

"Teka? Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay Kenjie.

"Ewan ko. Naramdaman ko kasi kayo na nandito sa gubat kaya nacurious ako kung anong ginagawa niyo dito." Sagot naman nito.

"O guys, gusto ko lang malaman kung bakit nangyayari ang lahat ng ito." Sabi ni Leonard.

"Ang alin?" Tanong ko naman.

"Yung pagiging healer." Sabi niya.

"Ano namang problema dun eh nakita na nga ang bagong healer at si Kierra yun." Sabi ni Kenjie.

"Yun nga ang problema. Nakita na natin ang healer pero sino ba sa kanila ang tunay." Naiinis na sabi ni Leonard.

"Ha? Tunay eh si Kierra lang naman ang healer ah." Sabi ni Kenjie.

Hindi ko alam ang pinagsasabi nila pero kailangan kong makisabat.

"Oo nga." Sabi ko. At least may nasabi ako.

"Listen. Si Kierra at si Angel ay parehong nilabasan ng Staff of Healing sa kamay. Si Angel noong first practice natin kasama si Sir Renjie habang si Kierra naman ay noong lumabas ang other side ni Lianna." Pagpapaliwanag ni Leonard.

"Ibig sabihin isa sa kanila ang peke." Sabi ni Kenjie.

"P-peke? Ano namang mangyayari sa peke?" Mahinhin na tanong ni Kierra.

"Paparusahan at ikukulong sa black dimension at ang malala pa pwede siyang palayasin sa Litanya." Sagot ni Leonard.

"May hinala ako..." pagpuputol ni Kenjie.

"Si Kierra. Si Kierra ang peke." Sabi ni Kenjie.

Nanlaki ang mga mata ni Kierra ng marinig niya ang mga sinabi ni Kenjie.

"Wait. Bakit mo naman nasabing si Kierra ang peke?" Tanong ko.

"Eh kasi.. ahmm. Eh kasi mahinhin siya. Tama mahinhin siya." Sabi ni Kenjie habang tango ng tango.

"Huh? Anong connect?" Tanong ko ulit.

"Eh kasi diba ang mga mahinhin may mga sikretong tinatago." Sabi ni Kenjie.

"Sa palagay ko hindi si Kierra ang peke. Si Angel ang peke." Sabat ni Leonard.

"Hep hep hep. Alam niyo guys wag na muna nating pagbintangan ang sino man sa kanila. Wala pa nga tayong proweba na magpapatunay na isa sa kanila ang peke." Pag-aawat ko.

"Lianna."

Biglang pumintig ang aking puso at halos pati buto ko dahil sa may biglang bumulong sakin.

'Guni-guni ko lang to' nasabi ko nalang sa sarili ko.

"Tara na. Kailangan ko pang ihanda ang sarii ko para sa selebration." Sabi ko.

"Congrats Lianna ha. Magiging isa kanang Ruweiner." Nakangiting tugon ni Kierra

"Salamat Kierra." Nakangiti ko ring sambit.

At pagkatapos nun umuwi na nga ako. At natulog.

*****
Ang totoo mga drafts na to pero dahil sa walang connection pinarami ko muna drafts ko.

~Share ko lang

Vote and comment po please .

Lablab guys 😘

LITANYA HIGH (School In Disguise)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα