Chapter 32: Flynn

152 10 0
                                    

Dedicated to her po:
TaeSaJinBwii07

(Lianna POV)

Nagising ako ng may narinig akong isang basag na boses na halos makabasag pinggan dahil sa kakasigaw.

Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at itinakip sa tenga ko.

"Hoy! Grabe ka naman kung magtakip ng tenga." Sabi nito sabay tanggal ng unan na nasa tenga ko pa hanggang ngayon.

Sino pa ba ang kasama ko sa kwartong to? Edi si Angel lang naman.

Nag-indian sit ako at tumingin sa kaniya.

"Hoy ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? Tumayo ka na at maghanda para sa pagpasok natin." Sabi nito.

May lakad ba tong babaeng to? Kung makapag-ayos ka la mo naman may date.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko.

Inikot naman nito ang swivel chair at tumingin ng direkta sakin.

"May ipapakilala ako sayo. Yieh~" kinikilig na sambit nito.

"Huh? Sakin?" Tanong ko.

"Ay hindi sa kaniya sa kaniya." Sabi niya habang tinuturo ang make-up na hinahawakan niya.

Tss. Bruhang to.

Naglakad nalang ako palabas para kumain. Katapos naligo at nagbihis.

Naglakad kami papunta sa classroom namin pero lumiko kami papunta sa cafeteria.

Nagpahatak nalang ako sa kaniya dahil mukhang importante naman tong lakad niya.

Ng makarating kami sa cafeteria naglakad kami papunta sa isang circular table na nasa gitna ng cafeteria.

May isang lalaking nakatalikod samin. Mukhang gwapo ang isang to batay sa pangangatawan. Maputi, may itim na buhok na nakatayo at mukhang mabango.

Hahaha. Manyak na diss.

Umupo kami ni Angel sa  tabi nito at tumingin naman ito sakin.

"Siya ba yung sinasabi mong kaibigan mo?" Tanong nito.

"Ah oo. Siya nga." Nakangiting sagot ni Angel.

"I see." Sabi nito.

"Ay by the way Lianna this is Flynn. Flynn this is Lianna." Pagpapakilala sakin ni Angel.

Ano ba naman tong babaeng to.

Inabot ko nalang ang kamay niya at nagshake hands kami. Nakaramdam naman ako na parang may nagmamasid samin.

"Ah Angel, labas muna ako ha magpapahangin lang." Sabi ko. Pumayag naman siyang lumabas ako.

Sa totoo lang lalabas ako para hindi makaistorbo sa date nung dalawa.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa building namin ng may humila sakin.

Napapagod na ako sa kakatakbo dahil sa hawak nito ang kamay ko. Hindi ko mabitawan ang kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito.

Naamoy ko ang pabango niya at kilala ko ang amoy nato. Amoy na parang isang Diyos.

Tumigil kami ng makarating na kami sa isang lugar. Nasa likod kami ngayon ng building namin.

"Leonard bakit mo ko dinala dito?!" Padabog kong tanong. Ikaw ba naman hatakin nalang papunta sa isang liblib na lugar.

"May importante lang akong sasabihin." Sagot nito.

"Importante? Pwede naman sa cafeteria ahh. Bakit dito pa?!" Tanong ko ulit.

"Pwede ba Lianna! Makinig ka naman sakin!" Sabi nito.

"Huh! Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit?! Ikaw na nga tong nanghatak nalang bigla tapos ikaw pa magagalit!" Sabi ko.

Pano ba naman. Batay sa tono niya para siyang naiiirita. Duh!

"Alam mo Lianna, yung lalaking kausap mo kanina at si Angel ay matagal ng magkakilala." Sabi nito.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"Nakita ko silang dalawa na nag-uusap sa isang silid. At ang silid na ito ay katapat lang ng opisina ng Principal." Sagot nito.

"Pano mo nasabi yun? Sabi ni Angel manliligaw niya lang yun." Tanong ko ulit.

Madaming katanungan ang nabuo sa isipan ko dahil sa sinabi ni Leonard.

Hindi na siya umimik matapos sabihin yun.

"Oh tingnan mo. Ni hindi mo nga alam yung rason ehh. Kaya wag mo silang sisiraan. Isa pa ngayon palang sila nagkakilala ng personal. Bahala ka nga diyan." Sabi ko sabay talikod sa kaniya.

"Hindi ko sila sinisiraan Lianna, gusto lan kitang protektahan. Ito lang masasabi ko sayo, mag-ingat ka sa pagpilo ng mga taong kakausapin at kakaibiganin mo." Sabi nito.

Hindi ko nalang siya nilingon at naglakad lang ako papaunta sa room namin.

*****

Sorry for the lame update -_- Hope you still support this story until the end ^_^

Comment naman po diyan ^_^

Lablab guys ❤💕

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now