Chapter 36: Unity

95 8 0
                                    

"Lianna tanggapin mo na ako. Ito na ang ramang oras para tuluyan na tayong mag-isa."

Naririnig ko sa utak ko na may nagsasalita. Ito na ba ang tamang panahon para maging isa ang aming mga katawan.

Idinilat ko ang aking mga mata para makita ang kapaligiran. Nakita ko na marami na ang nakahandusay sa damuhan.

Kailangan kong iligtas ang aking mga kalahi. Kailangang may magawa ako hindi bilang isang anak ni Vernice kundi bilang ako.

Bilang isang Lytherian na naninirahan sa mundong ito. Ipagtatanggol ko sila. Ililigtas ko sila.

Pinilit kong bumangon para makalaban ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

"Time pulse" narinig kong sambit ni Kierra.

Biglang umilaw ang magic circle sa kalangitan at bigla ko nalang narinig ang tibok ng puso ko.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Pagtingin ko sa himpapawid nakita kong may shockwave na inilalabas ang malaking orasan sa langit.

Kasabay ng pagtibok ng puso ko ang pagbuo ng shockwave sa taas.

Nakita kong isa-isang natumba ang mga tao sa Litanya. Hawak hawak nila ang mga dibdib nila na para bang naghihirap sila.

Hindi ko na to matiis. Naririnig ko ang pagtawa ng tatlong umatake sa amin.

Biglang nagsalita ang nasa aking utak. Ito ang Time Pulse. Ang kapangyarihan na ito ay hindi lamang nagpapatigil ng oras sa pisikal na anyo ng isang tao kundi pinapabilis ang tibok ng puso ng isang tao hanggang sa malagutan na iyo ng hininga.

"Kung gusto mo silang tulungan, tanggapin mo na ako Lianna."

Kailangan ko silang iligtas. Siguro kailangan ko ng tanggapin na kung sino man siya ay kabiyak siya ng aking pagkatao. Kailangan naming maging isa.

"Sige payag na ako." Sambit ko. Sana'y hindi mali ang desisyon kong ito.

Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Biglang may namuong mabigat na tensiyon sa aking paligid at naramdaman kong nag-init ang buo kong katawan.

Naramdaman kong naging pula ang aking mga mata at kasabay ng pagdilat ko ang malakas na
hangin na nabuo sa buong paligid.

(Leonard POV)

Biglang napaupo si Lianna sa kaniyang direksiyon. Hindi kaya sumusuko na siya?

Bigla niyang ipinikit ang kaniyang mga mata na parang bang pinakikiramdaman ang buong paligid.

Ilang segundo ang lumipas biglang naging mabigat ang hangin sa buong paligid.

Pagtingin ko sa paligid, marami ng Lytherian ang nakahandusay sa damuhan.

Nabigla ako ng may malakas na hangin ang nagparamdam sa buong paligid.

Tumingin ako sa direksiyon ni Lianna kanina at napuno ito ng usok.

Hindi ko siya makita.

Ilang segundo ang lumipas biglang naging klaro ang paligid.

May nakita akong isang anino ng isang tao na parang may mali.

Biglang naging mas klaro ang imahe kanina at nabigla ako ng makita ko ito.

Tinanggap na nga niya ang lahat. Hindi siya nagkamali sa desisyon niya.

(Lianna POV)

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now