Chapter 37: Sacrifice

103 7 0
                                    


Guys fast forward ko lang po ha

__________________________________

(Third person POV)

Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang labanan. Unti-unti namang bumangon ang buong Litanya sa pangyayaring iyon.

Sa mga nakalipas na araw ay puro pagsasanay ang ginawa ng mga estudiyante.

Ngunit marami ang nagbago matapos mawala si Lianna. Matapos siyang saksakin ni Kierra sa likod niti ay agad silang nawala tanggay si Lianna.

Walang tigil na bumubuo ng plano ang lahat ng nasa Litanya para kunin sa kalaban si Lianna.

"Ma'am kung papayagan niyo po na ako nalang po mag-isa ang pupunta sa Zarkious para kunin si Lianna." Sambit ni Leonard habang nakaluhod sa harapan ni Vernice.

"Hindi maari Leonard. Ikaw lang mag-isa? Kakayanin mo ba ang mga bantat na nakapalibot sa Zarkious?" Tanong ni Vernice.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at inis dahil sa nangyari. Halos hindi na siya mapakali dahil sa araw-araw nitong iniisip kung ano na ang nangyari sa anak nito.

"Ma'am, alam ko po na padalos-dalos ang desisyon kong ito ngunit kailangan na po nating makuha si Lianna. Hindi po natin alam kung ano ang kaya nilang gawin." Sabay sa pagsabi niya nito ang pagdating ni Kenjie.

"Pero Leonard----" Hindi na natapos ni Vernive ang sasabihin nito ng biglang magsalita si Kenjie.

"Ma'am ako rin po ay sasama sa pagligtas kay Lianna." Sambit nito. Kita sa mata nito na determinado itong iligtas si Lianna.

"Kayong dalawa lang? Sigurado ba kayo sa mga desisyon niyo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Opo madam. Mas mabuti pong dalawa lang kaming lumusob para hindi agad malaman ng kalaban kung may nakapasok sa Zarkious." Sabi ni Leonard.

"At saka po kapag marami tayong sumugod baka malaman nila agad ang pakay natin at gawing trap si Lianna para hinggin ang gusto nila." Sambit ni Kenjie.

Alam ni Vernice na sobrang delikado ang gagawin nila Leonard at Kenjie.

Hindi maikala na ang dalawang binatang nasa harapan niya ngayon ay sobrang mapagkakatiwalaan.

"Sige kung yan ang inyong ninanais. Ibibigay ko ang buo kong supporta sa inyong dalawa. Naway matupad niyo ang inyong nais na mailigtas si Lianna." Nakangising sambit ni Vernice.

Sobrang saya ang gumuhit sa mga mukha ni Leonard at Kenjie.

Binigyan sila ni Vernice ng isang maliit na microchip na kung saan ay nakadikit ito sa kanilang mga katawan.

Ito ay ang magsisilbing radar para malaman kung nasaang direksiyon sila.

Umalis ang dalawang binata at naghanda. Sabay silang naglakad papuntang gate ng Litanya.

"Handa kana ba Leonard?" Tanong ni Kenjie sa kasama niya.

"Yeah, I'm always ready." Sabi nito. Unang pagkakataon na magsasama sila sa isang misyon.

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now