Chapter 20: Senior trainor

192 16 0
                                    

Matapos akong bisitahin ni papa at makilala ang ibat-ibang grupo ng four edges— hindi naman lahat may iba lang, pinauwi na ako ni madam vernice at sinabihan ako ni papa na mag-ingat daw ako.

Habang akoy papasok may narinig ako na naguusap sa may hallway. Nagdahan dahan ako sa paglalakad para marinig ang pinaguusapan nila.

"Alam mo nagreport daw sa office ng principal ang leader ng ibat-ibang grupo"

"Oo nga. Sabi pa daw nila na kailangan na nating magtraining"

"Bakit kaya? Baka umaatake na naman ang mga Zythe—" naputol ang sasabihin niya ng biglang may lumabas na naman na speaker sa harapan ko at pati narin sa ibang studyante.

"This is your principal. Go to your respective classroom and you are going to be trained by our senior trainor. Again, go to your respective classroom and you are going to be trained by our senior trainor" Bigla nalang nawala ang multong speaker sa harapan naming lahat.

Nagsitakbuhan naman ang mga estudyante na kanina ay naguusap at pumasok na sa kani-kanilang classroom.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa nasa harapan na ako ng pinto ng room namin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang—

"Lianna!!" Sigaw na naman ni Angel mula sa malayo. Nagtakip naman siya ng bibig niya. Siguro sinuway ng teacher.

Pansin ko lang, bat bigla nalang nawawala ang babaeng to. At bigla nalang lilitaw? Bahala na nga.

"Saan ka ba galing? Bat hingal na hingal ka?" Tanong ko. Parang hinhabol siya ng kung ano.

"Hooh! Basta may pinuntahan lang ako " halos pasigaw niyang tugon habang hinihingal parin.

Pipihitin ko na sana ang hawakan ng biglang may lalaking pumihit sa hawakan ng pinto.

"Omo!" Gulat kong sambit. Halos matumba ako dahil sa bilis nito.

"Walang respeto! Gwapo na sana kaso bastos! Urgh!" Naiinis na sabi ni Angel.

Pumasok na kami ni Angel sa loob at nakita kong umupo ang lalaking tumulak sakin. Teka? Siya yung lalaking nagpalitaw ng pen ko nung isang araw.

Pumunta lang kami ni Angel sa upuan namin at nakita ko namang nageye to eye silang dalawa.

"Oy Lianna? Anong ginagawa mo dun sa opisina ni madam vernice kahapon?" Oy! Tagalog siya bess.

"Binisita kasi ako ni papa kahapon." Sagot ko.

"Papa? Yung lalaking kasama mo?" Tanong niya ulit.

"Ay hindi mama ko siya." Bara ko. Ginaya ko lang papa ko.

"Tsk. By the way, papa mo yun? I mean siya ang pap—" naputol ang sasabihin niya ng biglang nagtanong si Kierra.

"Ahm, Lianna? Ano, nahulog mo ata to. Sayo ba to?" Mahinhin na tugon ni Kierra.

Inabot niya ang isang kwintas na may pendant na isang bilog na parang may light sa gitna nito.

Hinawakan ko ang leeg ko at wala dito ang kwintas na bigay ni papa.

"Ahh oo, akin nga yan. Saan mo to nakuha?" Tanong ko.

"Dun lang malapit sa pinto." Mahinhin parin na tugon nito.

"Ahh, salamat ha" ngumiti naman ako sa kaniya. Ngumiti rin siya at bumalik na sa upuan niya.

Tiningnan ko si Angel at nagpapalingon-lingon ito sa lalaki kanina.

"Flynn? Tagasaan ka?" So Flynn ang pangalan niya.

"Tiningnan lang nito ang lalaking nagtanong sa kaniya at bigla nalang itong lumitaw.

"O-oh, tinatanong lang na-naman kita eh" nauutal na tugon ng kaklase namin. Siguro ginagaya niya ang uso ngayon sa mundo ko. Yung tatanungin ka kung taga saan ka at sasayaw ka nalang bigla.

Bigla nalang nahulog ang kaklase namin at tumingin naman ng diretso sa board si Flynn.

Naghintay kami ng ilang minuto at bigla nalang may taong pumasok sa classroom namin.

Nagulat ako ng iniluwa nito ang isang taong sigurado akong kilala ko. As in kilalang-kilala.

"P-papa?"

******

Lame 😪 sorry . Yaan niyo gagalingan ko nalang sa susunod.

Lablab guiz 😘💕

LITANYA HIGH (School In Disguise)Where stories live. Discover now