Chapter 23: The truth

191 16 0
                                    

(Lianna POV)

Ihinatid ako ni Kenjie sa opisina ni madam Vernice. Umalis naman siya agad dahil pinapatawag daw siya sa Cronus Council.

Pumasok na ako sa loob ng opisina at nakita kong nandoon si madam sa upuan niya.

Napansin ko na parang malalim ang iniisip ni madam Vernice. Nagulat naman ako ng makita ko si papa na nakaupo sa sofa na nasa gilid lang. May kasama siyang isang lalaki na siguro kababata ni papa.

"Papa? Ano pong ginagawa niyo ulit dito?" Binasag ko na ang katahimikan na umaalingawngaw sa buong silid.

Napansin ko naman na parang pinahid ni papa ang mata nito.

Tumayo si papa at niyakap ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot.

"Ano po bang problema?" Tanong ko.

"Wala anak." Naramdaman ko naman na ngumiti ito pero ramdam ko parin ang sakit. Ewan ko kung bakit pero nasasaktan din ako.

"Madam? Bakit niyo po ba ako pinatawag?" Tinanong ko na si madam Vernice para malaman kung bakit niya ako punatawag.

"Tara Lianna. Umupo ka muna dun." Pagpapaupo sakin ni papa.

Nakita ko nang umiiyak na din si madam Vernice at pati yung lalaki na nakaupo sa sofa.

Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit sila umiiyak?

"A-ano po ba ang nangyayari? Bakit kayo umiiyak?" Naiinis na tanong ko.

"Lianna.." putol na sambit ni papa

"Ano po ba talaga ang nangyayari?" Nangingilid na ang ang luha ko sa mata. Anumang oras pwede na itong pumatak.

"Diba tinanong kita kung bakit Lucter ang apelyido mo at hindi Knightwalker?" Naiiyak na tugon nito.

"Opo"

"At diba naputol ang sasabihin ko nung araw na tinanong kita?" Tanong ulit nito.

"Opo"

"Sorry anak pero itinago ko to sayo.." pagpuputol ulit nito sa sasabihin niya.

"Bakit po ba kayo humihingi ng tawad?" Tanong ko. Umiling lang ito habang ngumingiti.

"Hindi talaga Lucter at hindi rin Knightwalker ang apelyido mo kundi.." Naiinis na talaga ako kay papa.

"Pa naman eh. Diretsuhin mo na ako. Naiinis na kasi ako eh." Nakangiti kong sabi.

"Kundi Ruwiener. Ikaw si Lianna Ruwiener. Anak ni Frollo Ruwiener at Vernice Ruwiener." Umiyak na talaga si papa. Napuno ng hagulgol ang buong silid.

Natigilan muna ako ng ilang segundo at ang kaninang nangingilid na luha ay tuloy tuloy na dumaloy.

Niyakap ako ni papa at umiyak ako sa mga bisig nito.

"Bakit niyo po itinago sakin to? Bakit papa! Bakit!" Habang umiiyak parin ako.

"Sorry anak pero kailangan talaga." Nanginginig parin na boses ni papa.

Nilingon ko si madam Vernice at siguro ang lalaking nakaupo kanina ay si sir Frollo.

Tumayo si madam Vernice sa upuan niya at lumapit sakin. Hahawakan na niya sana ako ng bigla ko itong tinapik.

"Madam Vernice? Kayo ang magulang ko?" Tanong ko.

"Oo Lianna. Ako nga." Naiiyak na sabi nito.

Umiling iling ako.

"Magulang paba ang tawag sa inyo?" Tanong ko. Magsasalita pa san siya ng inunahan ko na.

"Hindi kayo pwedeng maging magulang ko. May magulang ba na ipamimigay ang anak nila? May magulang ba na pababayaan ang anak nila? Ayokong sabihin ito, pero hindi ko kayo mapapatawad! Hinding hindi!" Naiiyak na ako. Hindi ko sila magiging magulang kahit kailan.

"Makinig ka muna Lianna." Naiiyak na sambit ni Sir Frollo.

"Makinig? Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Kailangan ko bang malaman na hindi niyo yun sinasadya?" Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.

"Anak.."

"Sorry po papa pero hindi ko talaga sila mapapatawad." Tinalikuran ko sila at lalabas na sana ng biglang pumasok si Blake sa opisina.

"Mom, ang stone of healer ay umiilaw na." Sabi nito habang hinihingal. Hindi niya siguro ako nakita dahil nakahawak ito sa kaniyang tuhod habang nakabow.

Pero ano daw? Mom?

Tumayo na siya ng maayos at nagulat ito ng makita niya ako.

"L-Lianna?" Gulat na tanong nito.

"Anong sabi mo? Mom?" Tanong ko. Nararamdaman ko na naman ang galit sa puso ko.

"Lianna. Ano kasi.." pinutol nito ang sasabihin nito at tumingin muna sa direksiyon nila madam Vernice.

Napansin ko namang tumango si Madam Vernice. Bumuntong hininga naman si Blake.

"Lianna. Ako to, ang kuya Drake mo." Ano daw? K-kuya ko?

"K-kuya Drake? Sinong kuya Drake?" Tanong ko. Hindi pwedeng magung si kuya Drake to. Namatay si kuya sa pamamaril.

Tinanggal nito ang mask nito at bumungad sakin ang mukha ng nakatatanda kong kapatid.

Napaluhod ako ng makita ko ulit ang itsura niya. Matagal akong nangulila sa kaniya.

Bakit ngayon nangyayari ang lahat ng ito? Bakit nila itinago sakin ang lahat ng ito?

"Hindi ito maari!" Tinakpan ko ang bibig ko at humagulgol.

Yayakapin na niya sana ako ng bigla ko siyang itulak palayo.

"BAKit niyo nagawa sakin to! Bakit niyo inilihim sa akin ang lahat ng ito! Ginawa niyo akong tanga! Hindi ko kayo mapapatawad! Hinding hindi!" Halos sumigaw na ako dahil sa galit.

Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong galit.

Tumayo ako at lumabas na ng opisina. Tumakbo ako ng tumakbo. Wala akong pake kung marami ang nakatingin sakin basta kailangan kong mapag-isa.

Hindi ko sila mapapatawad!

******

Pangit ba? Sorry naman. Sorry din for the slow update. Vote and comment naman kayo. I want your reactions lang naman eh.

Lablab guys 😘💕

LITANYA HIGH (School In Disguise)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum