FFI 54

587 23 0
                                    

COREEN

"Wow! I still can't believe na ikakasal na kayo ni Kurt! Congratulations Rina!" nakangiting sabi ni Hershey.

"Thanks guys. Talagang nagplano pa kayo ng party ha." natatawang sabi ni Rina.

"Of course! Sa susunod na araw ay ikakasal ka na." si Paula naman.

"Congratulations Rina. I'm so happy for you." niyakap ko siya at inabot ang aking regalo.

Napagdesisyunan namin nila Hershey na bigyan ng party si Rina bago siya ikasal sa makalawa. Kaming lima lang naman at dito din kami matutulog sa hotel room na inupahan namin.

We drink and talked all night. Nang buksan ni Rina ang mga niregalo namin sa kaniya ay halos mangamatis ang kaniyang mukha.

"Girls! Ano ba ito!" nahihiyang tanong niya na ikinatawa namin.

"Of course you need that on your first night together no." si Sammy.

"Correct!" si Paula naman. "Itong perfume ay kahit isang wisik lang. Sobrang bango kasi niyan kaya maaamoy ka agad niya." dugtong niya at tumawa pa.

"And of course! The lingerie!" tumili pa si Hershey ng buklatin niya ang lingerie na hawak.

Kahit ako ay namula ng makita iyon. Parang wala ng matatakpan ah. Tumili din sina Paula at Sammy.

"Nakakahiya naman yan!" pulang pula na si Rina.

"Hay nako! It's your first night. Kailangan ito 'no."

Naging abala din kami para sa nalalapit na kasal nila Kurt at Rina. Tinutulungan din kasi namin sila para sa mga final touches ng kanilang kasal.

Napangiti ako ng makitang naglalakad na si Rina sa aisle palapit kay Kurt. Nauna na kaming naglakad dahil kaming apat ang kaniyang bridesmaid.

Habang pinapanood na ikinakasal ang dalawa naming kaibigan ay hindi ko mapigilan ang hindi maimagine ang magiging kasal namin ni Israel sa future. I know it will be perfect. Basta siya ang pakakasalan ko, kahit hindi engrande ay magiging perfect na para sa akin.

Tinignan ko si Israel na nakaupo sa kahilera lang din naming upuan. Tumingin din siya sa akin at ngumiti kaya napangiti din ako.

"I'm calling all the single ladies to come here in the front for the throwing of the bride's boquet." dinig kong sabi ng MC.

Nandito na kami ngayon sa reception at agad akong hinila patayo nila Hershey ng marinig iyon.

"Tara na! Para malaman natin kung sino ang next na ikakasal sa atin." excited na sabi ni Sammy.

Tinignan ko si Israel na nasa aking tabi. Tumango siya at ngumiti kaya naman wala na akong nagawa ng hilain na ako nila Hershey papunta sa gitna.

"Wow! Ang gaganda ng mga kaibigan ng ating bride. Sino kaya ang next na ikakasal sa kanila?" ngiting ngiti na tanong noong lalaking MC na pinsan ni Kurt.

Tumalikod na si Rina at nagready na para ihagis ang boquet. Akmang ibabato na niya iyon pero hindi natuloy at muling humarap sa amin.

Ngumiti siya at tinitigan ako bago naglakad palapit sa akin. Inabot niya sa akin ang boquet.

"Rina." kinakabahan kong tawag sa kaniyang pangalan.

Hinawakan niya ang aking kamay at inilagay doon ang kaniyang boquet. Nginitian niya lang ako bago lumapit kay Kurt.

Isa isa kong tinignan ang aking mga kaibigan na nakatingin lang din sa akin habang nakangiti. Tumili sila at nasa aking likod na ang atensyon kaya napalingon na din ako. Napatakip ako sa aking bibig ng makitang nakaluhod si Israel sa aking harapan.

"I-israel. Ano ba ito?" kinakabahang kong tanong.

"You know how much I love you. Noong una pa lang kitang makita, alam kong ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay. Love, I promise to take care of you forever." nakagat ko ang aking labi kasabay ng pagtulo ng aking luha. "I will never let you go again. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa sa akin ulit." binuksan niya ang maliit na kahon na kaniyang hawak at tinitigan ako sa aking mga mata. Sa sobrang kaba ay hindi ko na nagawang alisin pa ang aking tingin sa kaniya. "Coreen Fuentes, will you marry me?"

Tumango ako habang umiiyak. Natawa ako at huminga ng malalim.

"Yes. Yes, I will marry you Israel."

Ngumiti siya at isinuot na sa aking daliri ang singsing bago siya tumayo at hinalikan ako. Nagpalakpakan ang mga tao sa aming paligid. Natawa ako at niyakap siya.

"Thank you. Thank you, Israel." naiiyak kong bulong sa kaniya.

"No. Thank you for saying yes, Coreen."

Humigpit ang aking yakap sa kaniya. Takot na baka isa lang pala itong magandang panaginip.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now