FFI 28

526 14 0
                                    

COREEN

Pagkatapos kong maghalf bath ay agad akong nagbihis at sakto namang may kumatok sa pintuan. Lumapit ako doon at binuksan iyon. Agad kong nakita si Israel. Malalim na kaagad ang kaniyang paninitig sa akin habang seryoso lang ang mukha.

"Matutulog na ako." sambit ko.

"Let's talk first." mariin pero malumanay din niyang sabi.

"Kung ang pag uusapan natin ay tungkol sa pagsama ko kay Mark then stop. Wala ako sa mood na pag usapan yun." naglakad ako papunta sa aking kama at doon naupo habang nagsusuklay.

Agad naman siyang sumunod at isinarado ang pintuan. Naupo siya sa aking tabi at napabuntong hininga.

"I'm sorry. I was just jealous."

"At ako hindi ba nagseselos?" tinignan ko siya pero agad din akong nag iwas ng tingin. "Palagi mo na lang kasama ang Rachelle na yun." nagtatampo kong saad.

"She keeps on following me."

"Dahil hinahayaan mo siyang sumunod sayo." sa pagkakataong iyon ay tinignan ko na siya. Umayos pa ako sa pagkakaupo at hinarap siya ng maayos. "Sunod siya ng sunod sayo kasi hinahayaan mo siya. Hindi mo siya pinipigilan."

"Pinipigilan ko siya. Sinasabi kong layuan na niya ako pero ayaw niyang makinig. She keeps on saying that she wants me to be her friend." natawa ako at nailing.

"Friend? Friend niya mukha niya." naiinis kong bigkas. Tumayo na ako at inabala ang sarili sa paglalagay ng night cream sa harap ng salamin. "Sige na. Umalis ka na. Bukas na lang ulit tayo mag usap."

"Love." sinulyapan ko siya sa salamin at nakitang nakatitig din siya sa akin.

"I'm tired. Bukas na lang ulit."

"Fine." tumayo na siya at naglakad palapit sa akin. "Let's eat together tomorrow morning." naramdaman ko ang pagpulupot ng kaniyang mga braso sa aking baywang hanggang sa tuluyan na niya akong niyakap.

Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at bumuntong hininga. Nagloosen ang aking balikat at hinaplos ang kaniyang brasong nakayakap sa akin. Nakatingin lang kami sa isa't isa sa harap ng salamin.

"Please don't make me jealous again." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

"And don't make me jealous too."

Tumango ako na ikinangiti niya. Humigpit lalo ang kaniyang yakap sa akin.

Kinabukasan ay maaga ulit kaming nagising ni Paula para sa aming practice. Bukas na ang last practice namin kaya naman lalo naming pinagbutihan ang pag eensayo. Everyone is excited habang ako ay may halong kaba ang nararamdaman dahil first time ko itong sasayaw sa harap ng maraming tao.

Gusto sanang manood ni Israel ngayon pero pinagbawal ni Nikka na magdala ng audience para kahit papaano ay may pasabog pa din ang aming performance. Sinabi ko na lang sa kaniya na itetext ko siya kapag naglunch na kami para sabay na lang kaming kakain.

Pagod na pagod ako ng sabihin ni Nikka na pwede na kaming kumain ng lunch. Hindi na ako nakapaglakad papunta sa bleachers kung nasaan ang mga gamit ko dahil napaupo na ako agad dito sa sahig.

"Nakakapagod!" nilingon ko si Paula na halos humiga na sa sahig habang hinahabol ang kaniyang hininga.

Napatingala ako at napapikit. Nakakapagod but it's okay. Maganda naman ang kalalabasan ng aming performance at nakakaproud na mapasama sa grupong ito.

Nakarinig ako ng yapak ng mga paang naglalakad papunta sa aking direksyon pero nanatili lamang akong nakapikit sa pag aakalang mga kagrupo ko lang iyon.

"Hot!" agad akong napadilat ng marinig ang pamilyar na boses ni Mark. Nakita ko agad ang kaniyang nakangising mukha.

"What are you doing here?" kunot noo kong tanong.

"Visiting you." nakangising sagot niya. "Lunch?" pag aaya niya na agad kong inilingan.

"Kasama ko ang boyfriend ko."

"You mean Israel?" natawa siya ng mahina at napailing. "I bet he can't eat lunch with you now. Lumabas siya ng university kasama ang kapatid ko."

Napaayos ako ng upo dahil sa narinig.

"What the hell are you talking about?"

"Why don't you check your phone? For sure nagtext siya sayo."

Agad akong tumayo at patakbong lumapit sa bleachers at agad kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag. Tama nga si Mark dahil may text nga doon si Israel.

From: Love
I'm sorry love but I can't eat lunch with you today. May iniutos kasi ang dean sa akin. I'm with Mr. Francisco. I love you. See you later.

Agad kong nilingon si Mark na nasa aking gilid matapos kong mabasa ang text ni Israel.

"He didn't mention that he's with your sister."

"Of course he won't." nakangising sagot niya.

Nalaglag ang aking tingin sa hawak kong cellphone habang unti unting humihigpit ang hawak ko doon.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now