FFI 43

580 13 0
                                    

COREEN

"Ang daya niyo naman!" nakasimangot na reklamo nila Hershey habang tinitignan ang mga picture namin ni Paula kanina.

"Eh sino kaya yung humiwalay sa amin at sumama sa mga dyowa nila?" pagpaparinig ni Paula na ikinatawa ko.

"Ang ganda mo dito, Coreen." namamanghang sabi ni Rina.

"Oo nga! Ang fresh!" sabi naman ni Sammy.

Ngumiti lang ako ng tipid. Nagsisimula ng mahiya sa mga compliments nila. Nailang ako ng tignan ako ni Hershey at paningkitan ng mga mata.

"You're blooming. Inlove ka ba?" taas kilay niyang tanong.

"Hindi ah. I'm just happy kasi kasama ko kayo ngayon." dahilan ko na ikinatigil nila. "For the past years of being alone. Narealize ko na malungkot pala talaga ang mag isa. I hate myself that time. I hate being alone. I hate my decisions. Kung sana.. kung sana nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na harapin ang mga problema ko noon.. sana hindi ko naranasan yung ganitong pakiramdam." tahimik lang silang nakikinig sa akin. Si Sammy at Paula ay naluluha pa. Nginitian ko sila. "And thank you for accepting me again. Salamat kasi tinanggap niyo ako kahit ako naman itong umalis at nang iwan."

"You don't have to say that." nginitian ako ni Rina at hinawakan ang aking dalawang kamay. "We understand you. Nagtampo kami but at the end of the day naisip namin na pang unawa namin ang kailangan mo."

"Thank you for coming back, Coreen." nakangiting sabi ni Hershey.

"Group hug!" sigaw ni Sammy na ikinatawa namin.

We hugged each other. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag nalaman mong may mga taong handang tanggapin ka kahit nagkamali ka. Yung hindi ka nila huhusgahan. Yung iintindihin ka nila kahit anong mangyari.

Ilang sandali lang ay dumating na din ang mga boys at si Katrina. Dumiretso kami sa restaurant para magtanghalian.

Maximo ordered a lot of foods. Must try daw ang mga iyon. There is no silence between us. Kami nga ang pinaka maingay na grupo na nandito ngayon. Sa tuwing magagawi ang aking tingin kina Israel at Katrina na mukhang may sariling mundo ay agad akong nag iiwas ng tingin. I'm so thankful that David is entertaining me.

"Ang ganda mo." nakiliti ako ng biglang bumulong si David sa akin.

Nilingon ko siya at nakangisi na agad siya sa akin.

"Narinig mo? Ang sabi ko ang ganda mo." bulong na naman niya. Sapat lamang para kaming dalawa lang ang makarinig.

Napangiti ako at napailing.

"Bolero."

Napalingon ako kina Vin at Martin ng mag ubu-ubuhan sila. Ang mga mapang asar na ngisi at tingin nila ang agad kong nakita.

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ah?" tanong ni Vin.

"Baka kayo na ha!" pang aasar ni Martin.

Nanlaki ang aking mga mata at agad umiling.

"Hindi ah!"

"Hindi pa." kalmadong sagot naman ni David.

Sinimangutan ko si David dahilan para tawanan niya ako. After lunch ay nagpalit na din kami para makapag swimming.

Hindi ko magawang lumabas sa aming kwarto at hiyang hiya sa suot kong bikini. Kanina pa sila nasa labas at sinabi ko lang na susunod na lang ako.

Tumagilid ako at tinignan ang aking sarili sa harap ng salamin. Okay naman. Wala naman akong bilbil at medyo may abs pa pero hindi ko talaga kayang lumabas na ito lang ang suot.

"Hindi ko talaga kaya ito." umiling ako at nagsuot ng roba.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang nakangising si Sammy.

"Are you ready? Tara na!" bigla na lang niya akong hinila palabas.

"Wait lang Sammy! Magpapalit pa ako!" natatarantang sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at dire diretso lang ang paghila sa akin. Hinigpitan pa niya ang hawak sa akin para hindi ako makawala. Nang tuluyan kaming makalabas ay agad kong natanaw ang mga kasama namin na nasa dagat na at nag eenjoy sa paglangoy.

"Wait lang Sammy! I'm not yet ready!"

"You're ready!" nilingon niya ako nginisihan.

Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang pagkakabuhol ng aking roba. Sa pagkataranta ay agad ko iyong isinarado.

"Sammy!" saway ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako at may sinenyasan. Nang sundan ko ng tingin kung sino ang kinakausap niya ay nataranta ako lalo ng makitang naglalakad na palapit sa akin sila Hershey, Paula at Rina.

"No!" sigaw ko at agad ng tumakbo palayo sa kanila.

Tinawanan nila ako at agad din akong hinabol. Nilingon ko sila at natawa ako ng makitang tinatawanan din nila ako.

"Catch me!" natatawang sigaw ko sa kanila.

Nagulat na lang ako ng bigla akong bumangga sa isang matigas na bagay pero bago ako tuluyang mahulog sa buhanginan ay may sumalo na sa akin.

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now