FFI 45

748 24 1
                                    

COREEN

"Bakit ka umalis? Why did you leave me?"

"May magbabago ba kung sasagutin ko ang tanong mo?" tanong ko imbes sagutin ang kaniyang tanong. "You look happy. Mukhang okay ka naman na ngayon."

Nilingon ko siya at pinilit ko ang aking sarili na maging matapang. Sinalubong ko ang tingin niya sa akin.

"I waited." nag iwas siya ng tingin at muling gumalaw ang panga. Nang ibinalik niya sa akin ang tingin ay magkahalong galit, tampo, pananabik, pangungulila ang nakita ko doon. "Hinintay ko yung araw na ito pero hindi ko inasahan na aabot pala ng tatlong taon bago ka magpakita ulit."

"Hindi ko din akalain na mangyayari pa ito. Akala ko nga ibabaon ko na lang sa limot yung mga araw na nakasama ko kayo eh." natawa ako ng mapakla. "You know what happened to me that day, Israel."

"I know. Alam na alam ko yun kasi nangako akong hindi kita iiwan at pababayaan." mariing sagot niya. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at halos manlabo na ang tingin dahil sa nagbabadyang mga luha. "Pero sana ikaw pala yung nangako na hindi mang iiwan. Halos mabaliw ako kakaisip sayo. Kung nasaan ka na. Kung kumain ka ba. Kung nakakatulog ka ba ng maayos at kung umiiyak ka sino ang kasama mo? May iba na bang nagpapatahan sayo? May iba bang.. may iba bang nagpapasaya sayo kapag nalulungkot ka?" nameywang siya at tumingala. Bumuga siya ng marahas na hininga bago muling tumingin sa akin. "You know I loved you so much. Handa akong pakasalan ka. Handa akong samahan ka para hindi ka mag isa. Handa akong ialay ang buong buhay ko sayo. Nakahanda ako.. basta ikaw ang kasama ko."

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Nagsisimula na ding sumikip ang aking dibdib. Nang makita niya ang aking pag iyak ay unti unting namungay ang kaniyang mga mata. Handa na akong yakapin at patahanin anumang oras. Handang ibigay kahit ano pa ang gusto ko.

"But you broke me." nanghihinang dugtong niya. Napahikbi ako ng makita ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Sinaktan mo ako na halos isumpa ko na yung araw na nakilala kita. Na sana.. sana pinatay mo na lang muna ako bago mo ako iniwan kasi sobrang sakit." umiling siya at patuloy na din ang pag agos ng mga luha. "Sobrang sakit, Coreen."

"I'm s-sorry, Israel." humihikbi kong sabi. Hinang hina na at gusto na lang maramdaman muli ang kaniyang yakap. "I'm sorry for h-hurting you."

Tuluyan na akong nawalan ng lakas at napaupo na lamang sa buhanginan. Ang sikip ng dibdib at sobrang nanghihina sa pag iyak. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga kamay. Ayaw ipakita sa kaniya ang walang tigil na pag iyak ko.

"I'm sorry." paulit ulit ko iyong sinabi hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin dahilan para lalo akong umiyak.

Thanks God! Salamat dahil binigyan mo ako ulit ng pagkakataon na maramdaman ang init ng kaniyang yakap. Yakap na tatlong taon ko ding inasam. Yakap ng lalaking una at huli kong minahal.

"I'm really sorry, Israel. H-hindi ko naman ginustong u-umalis eh. Hindi ko g-gustong iwan ka." tuluyan ko na siyang niyakap. "Ayaw kong iwan ka. Ayaw kong m-mapunta ka sa iba." hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya.

Pinaramdam ko sa aking yakap na hindi ko na siya pakakawalan pa. Nakahanda na ako ulit. Nakahanda na ako sa lahat ng bagay na kahaharapin ko basta siya ang kasama ko. Handa akong lumuhod basta tanggapin niya ako ulit. Handa akong magmakaawa basta akin na lang siya ulit. Nakahanda ako basta ako pa din ang pipiliin niya.

Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang aking mga luha. Hindi ko inalis ang aking tingin sa kaniya. Natatakot na baka panaginip lang ito at bigla siyang mawala sa aking harapan. Takot sa katotohanan na iiwan niya din ako.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nagpatigil sa kaniyang ginagawa. Nag angat siya ng tingin at tumitig din sa akin. Binitawan ko ang kaniyang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Sana hindi panaginip 'to. S-sana talagang nandito ka sa harapan ko." naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang panga kaya sinundan ko iyon ng tingin. "Mahal kita, Israel. I still love you. Ikaw pa rin kahit ilang taon na ang lumipas."

Falling for Israel (COMPLETED)Where stories live. Discover now